Press Release
February 5, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar -- DZBB
with Orly Trinidad and Raul Virtudazo

Q: Ano ang inyong saloobin sa nangyari kahapon bilang dating house speaker?

SPMBV: Nararamdaman ko rin yung sakit na nararamdaman, kahit paano, ni speaker joe de venecia kagabi dahil sa yun ay naekspiryensya ko na rin. yun bang sumasagot sa harap mo yung mga inaasahan mong kasa-kasama mo araw araw sa lahat ng party kasama mo, at kasama mo sa byahe, at talagang sumusumpa na kasama mo - bigla na lang hindi pala sayo.

Q: Parang isa isa kang sinasaksak?

SPMBV: Ayun medyo matindi yun subalit kagabi nga nakita ko na ganito ang reality ng politika sa pilipinas at kahalagahan ng local politics. At siyempre talagang nakita natin ang hawak ng pangulo sa mababang kapulungan. At itoy hindi maganda sana sa ating demokrasya. Mas maganda sana kamukha ng inilagay sa konstitusyon natin na separate o independent body ang kongreso. subalit yan ang reality ng politika. nakakalungkot man ako ay napapailing kagabi. talagang ganyan. ako naman kahit papano ay iginagalang ko ang naging kapasyahan ng mababang kapulungan. bilang pangulo ng senado ay ako ay makikipag-usap sa ating bagong speaker at ina-assure ko siya naman na magiging maayos ang relasyon ng senado patuloy ko pa namang ipagpapatuloy yung aking pagtatangka na pagandahin pang lalo ang relasyon ng senado at mababang kapulungan, at sapagkat ang bayan naman ay hindi naman dapat mag-suffer dahilan sa mga away pulitika ng kongreso.

Q: Sa CA andun naman si Nograles mukhang maganda naman ang samahan...

SPMBV: Maganda ang samahan namin actually, kaibigan ko ang 2 na yan - si speaker nograles at kaibigan ko rin si speaker joe - siyempre pareho mong kaibigan ang naglalaban na yan. Kaya depende na lang kung titingnan mo ito na oposisyon vs gma, o titingnan mo ito bilang nograles vs de venecia. I guess yan ay kanya kanya nang pananaw, ang mga kongresista kagabi nagpahayag na sila ng kanilang nararamdaman at kami sa senado ay tatatanggapin namin kung ano yan bagamat bilang isang miyembro ng oposisyon, iba namang usapan yon.

Q: Maraming pagbubunyag kahapon na kasalukuyang iniimbestigahan sa senado, zte, hello garci... Meron ho bang nakakalendaryo, mas maganda daw ho kasing ituloy...

SPMBV: Ang imbestigasyon na ito parang nagkakaroon kami ng dead end. Dahilan sa talagang, kamukha nga nitong sa zte... (hindi pinapadalo?) oo, subalit ibang usapan ito kung si speaker joe de venecia bilang pangkaraniwang congressman ay magsasabi sa aming siya ay nahahandang maging witness.

Q: Pwede siyang maging witness?

SPMBV: Oo. Kami naman hindi namin iniimbita. At hindi kami nagsu-subpoena ng kasamahan namin sa mababang kapulungan. Pero pag mag-vo-volunteer sila, pwede naman. .. kaya sabi ko marami tayong dapat pagmatyagan: mag-jo-join ba ng opposition si speaker joe de venecia. Pangalawa, ilan ang sasama sa kanya. Pangatlo, siya ba'y patuloy na magbubunyag ng kanyang mga nalalaman at ito ba'y ibubunyag niya ng pormal, sa isang pormal ng gathering kagaya ng senado. at pang-apat, yun bang mga bumoto sa kanya ay tatanggalin ni speaker nograles. At pang-lima, yun bang mga papalit na yon sa mga tatanggalin ni speaker nograles ay magkakaroon ng away-away. Medyo yan ang nakikita ko kagabi pa, mga pangyayari na mangyayari in the next two to three weeks.

Q: Update sa paghahanap ng sgt at arms kay sec neri?

SPMBV: Ako naman pagkabigay ko ng arrest order, ibinigay ko na yan sa aking sgt at arms, yan ay ginagawa niya bilang aming tungkulin, at hindi ko naman ito fino-followup ng oras-oras, ika nga. Siyempre yan ay pagpapatupad ng aming tungkulin sa ating batas at hindi naman yan personal. Kaibigan ko nga si sec neri subalit ito'y hindi lamang si sec neri ang involved kundi ang 2 institusyon. Naniniwala kami na hindi naman tama na ang mga cabinet members ay pagbabawalang umattend ng mga hearing na ganyan lalo na kung may dapat liwanagin na napakalaking pera. Kaya ito'y siguro maidadagdag ko na makakabuti kung ang supreme court -- hindi naman ho ako nanghihimasok at ayaw kong makialam sa supreme court - subalit mas maganda kung sila ay gagawa na ng mas mabilis na desisyon sa bagay na ito para kami naman ay naliliwanagan kung ano talaga ang extent ng aming kapangyarihan. At naliliwanagan din ang executive department kung hanggang saan lamang ang kanilang paggamit ng kapangyarihan.

Q: Nagsalita na si jdv, hindi naman siguro mahirap para kay neri na magsalita na rin

SPMBV: Yun ang interesting na mangyayari, kung ano ang gagawin pa ni speaker ay didirecho sa amin o siya ay magmumukmok na lamang at mag-aabroad.

Q: Kung magkakaroon kayo ng pagkakataon na makausap si speaker, ano ang maipapayo niyo sa kanya?

SPMBV: Siya na rin ang may sabi na hindi na siya bata. ia-asses muna niya ang mga pangyayari. Siyempre ngayon dinaramdam pa niya ang nangyari sa kanya at hindi wise na, maipapayo ko sa kanya ay wag siyang mag-dedesisyon sa mga panahon ngayon, at isipin muna niyang mabuti. Kinakailangan anuman ang desisyon niyang gawin, siyempre malaking hirap sa katawan yan, kung siya ay magde-decide na magiging aktibong miyembro ng oposisyon kung siya ay nahahanda, welcome naman siya sa amin.

Q: Ang seasoned politician they don't decide when they are emotional.

SPMBV: Hindi ka dapat mag-de-decide pag ikaw ay emotional at yan ay karamihan ng desisyon mo diyan ay mali

News Latest News Feed