Press Release
February 6, 2008

Transcript of Interpellation regarding Rodolfo "Jun" Lozada

Sen. Jinggoy: Mr. President., sa inyong pagkaalam paano ang proseso ang dinadaanan ng isang pasahero na nanggaling sa ibang bansa?

Sen. Noynoy: Siyempre dadaan sa immigration, ipapakita ang kanyang passport, dadaan sa customs, at pagkatapos po nun diretso na sa arrival area.

Sen. Jinggoy: Mr. President I want to know if a VIP goes through the same process?

Sen. Noynoy: During my mother's incumbency, we were required to have our passport stamped, our baggage inspected by the customs..

Sen. Jinggoy: Do you consider Mr. Rodolfo Lozada as a VIP? How does the NAIA authorities determine a VIP?

Sen. Noynoy: We are not aware Mr. President on how they determine...

Sen. Jinggoy: Sino ba ang nagbibigay ng seguridad sa mga VIPs na dumadating galling sa ibang bansa?

Sen. Noynoy: Maraming agencies po ang magbugay ng security, pero siyempre po isa sa pwedeng magbigay ng security ung organic sa NAIA.

Sen. Jinggoy: Ung Gen. Manager ng NAIA si Alfonso Cusi, ang sabi niya hindi daw nakipag-coordinate ang OSAA sa kanilang opisina? Sa inyong pagakakaalam, tama ba ang sinabi ng Gen. Manager ng NAIA?

Sen. Noynoy: Sa pagkaintindi, po natin, nakipag-coordinate para magkaroon ng access sa complex around 4:00 para i-serve ung warrant.

Sen. Jinggoy: Meron ba kayong kilalang Octavio B. Luna, at Ret. Gen. Atutubo nitong dumating itong si Lozada?

Sen. Noynoy: Si Gen. Atutubo po medyo nakilala na po natin pero hindi po natin nakakaharap ng madalas.

Sen. Jinggoy: Kanina po nasa pahayagan, that a certain SPO4 Roger Valeroso accosted Mr. lozada towards the NAIA parking lot. And earlier today, PNP chief Avelino Razon denies that SPO1 roger Valeroso is not included in the roster of Philippine National Police. Why was he permitted to enter into the arrival area while the Sgt. At arms was denied entry within the premises of NAIA?

Sen. Noynoy: That's precisely one of the questions...

Sen. Jinggoy: Sa inyong palagay, sa inyong personal na opinion, si Jun Lozada ba ay kinidnap?

Sen. Noynoy: Pag ang isang tao ay dadating sa ating paliparan, sasalubungin ng kanyang pamilya at ng kanyang abogado, at siguro naman ay inabisuhan, ay hindi nakita ung kanilang sinasalubong, masasabi natin na may missing na po. Ang pumapasok po isip natin ay illegal detention.

Sen. Jinggoy: Ginoong pangulo, kung personal na opinion ninyo ay kidnapping katulad ng aking personal na opinion, na si Jun Lozada ay kinidnap ng mga otoridad at itinago, sa inyong palagay bakit nila ginagawa yon? Para wag siyang kumanta ditto sa Senado? Para huwag siyang tumestigo ditto sa Senado?

Sen. Noynoy: Hindi natin masabi nang katiyakan. Pero ang punto dito, ipinatawag ng Senado, may karapatan ang Senado na pairalin ang desisyon ng Korte Suprema na patawan at i-contempt ang mga dapat i-contempt. At meron isang sangay ng pamahalaan na humaharang sa pagkilos ng Senado.

Sen. Jinggoy: Ginoong Pangulo, naala ko noong 2005, na may nangyaring similar case to Jun Lozada, ito ung case ni Udong Mahusay na witness ni Sen. Ping Lcason sa Jose Pudal case. Siya ay kinidnap diumano sa Tagaytay City, at ang kumidnap diumano ay isang dating mataas na opisyal ng Malacañang. Itong si Ginoong. Mahusay ay pangunahing testigo ni Sen. Laconsa katiwaliang ng Unang Ginoo sa kontrobersiyal na Jose Pidal account.

Sen. Noynoy: Magkahawig ang ginagawa nitong administrayon sa pagkidnap kay Jun Lozada.

Sen. Jinggoy: Mr. President I would like to make an appeal to the hierarchy of the Philippine National Police to produce the body of Mr. Jun Lozada. Since the PNP Chief Avelino Razon, mentioned in his earlier interviews that Jun Lozada is under the custody of PNP. I urge Gen. Razon to turn him over to the Senate for our custody.

News Latest News Feed