Press Release
February 7, 2008

Transcript of press conference with Senate President Manny Villar -- Senate Media

Q: Hearing within the next few days?

SPMBV: Bukas ang hearing. (Q: anong oras po?) I-se-set pa bukas.

Q: statement?

SPMBV: Nasa senado na si Mr. Lozada at dito sa senado ay bibigyan namin siya ng maximum courtesy at lahat ng kortisiya ay ibibigay namin sa kanya. Marami siyang kasama - mga madre at kapatid - so okay naman ang kanyang kondisyon, napa-checkup na namin siya sa doctor ng senado at so far okay naman ang findings. so okay naman si Mr. Lozada. ito ay para sa kanyang mga kaibigan, kamag-anak: maganda po ang kondisyon ni Mr. Lozada at yung hearing ay i-ischedule naming sa lalong madaling panahon. at tinatawagan namin ang ibang mga senador pa for consultations at as soon as ma-finalize namin ito, the chairman of the blue ribbon committee will make an announcement. definitely hindi makakaya ngayon para magkaroon naman ng pagkakataon yung mga ibang senador na maka-attend.

Q: will you forego the three-day rule

SPMBV: actually pwede naman yon basta may approval ng mga senador. At marami nang pangyayari nung nakakaraang panahon na nai-wave naman yang three-day rule.

Q: what's the status, there was an arrest warrant issued against him

SPMBV: well nasa custody na. nasa protective custody na namin si mr. lozada. at dito naman ay binibigyan namin siya ng kortisiya. Kung matapos na ang hearing, he is a free man, he can go anywhere.

SPMBV: sa amin mahalaga na mabigyan ng pagkakataon ang mga ibang senador, siyempre yung iba nasa mga probinsya. dapat mabigyan din sila ng pagkakataon na makabalik dito para makasama sa hearing. At gusto rin naming bigyan ng pagkakataon si Mr. Lozada na makapagpahinga, hindi siya nakakatulog nitong nakakaraang mga araw, at ngayon ay in fact at this time natutulog ngayon sa kwarto ni Sen. Alan Cayetano.

Q: when will you announce hearing schedule

SPMBV: titingnan namin bukas but ang formal announcement gagawin namin pagka sigurado na kasi mahirap naman tayong mag-announce nang hindi pa sigurado.

Q: Within today ang formal announcement?

SPMBV: Within today ang formal announcement. Pero yung hearing definitely hindi today.

Q: Kelan ipapatawag sina atutubo? Separate hearing ba yan?

SPMBV: Pag-uusapan muna namin yan. Kung sino ang mga ipapatawag. Siyempre didisisyunan muna yan kung si mr. lozada lamang muna ang tatanungin. Mahalaga kasi na makuha natin muna ang statement ni mr. lozada at yun ang ating marinig. Marami namang pagkakataon para mapatawag pa yung iba.

Q: Priority si Mr. Lozada?

SPMBV: Siyempre priority si Mr. Lozada. Pagkatapos niyang magsalita sa hearing ay pwede na siyang umalis... alam naman niya ang kanyang kalagayan, nasabi na namin sa kanya ang procedures, rules at sang-ayon naman siya. in fact relax na relax si mr. lozada ngayon, may kasama siyang mga madre, at maganda ang kanyang disposisyon.

Q: (inaudible)

SPMBV: well nagbigay na tayo ng mga request diyan at marami pa tayong hihingin I suppose the committee will be asking for more information at maraming mga bagay pa sa hearing na ikokonduct nila. Ang napakahalaga kasi sa akin na i-pursue yung sa airport. To me hindi lamang yung zte deal ang mahalaga dito kundi mahalaga din ang nangyari sa airport dahil sa bagamat ayaw kong sabihin dito kung ano ang ikinuwento sa akin ni mr. lozada at bibigyan ko siya ng pagkakataon na siya na ang magkwento. Yun naman ang mahalaga sa hearing para masabi niya lahat. But isang bagay lang ang ipinagpaalam ko sa kanya na pwede kong sabihin at yon ay hindi niya inaasahan na siya ay pipik-apin sa airport. At siya'y nagulat dun at in fact kung mga ilang oras o matagal na panahon ay siya ay natatakot para sa kanyang sarili.

Q: Request for security?

SPMBV: Wala siyang request at hindi niya alam na siya ay pi-pik-apin sa airport kaya siya nagulat. Ako naman makakapagsabi na two and a half hours after pagdating ng eroplano ay nakausap ko naman ang kanyang asawa at nasabi sa akin na hindi niya pa nakakausap si mr. lozada at siya'y nababahala sa pagkawala ng kanyang asawa.

Q: Nakipag-ugnayan na po ba ang kanyang pamilya

SPMBV: Sa akin ay binigyan na namin ng pagkakataon si mr. Lozada na kung sino ang gusto niyang dumalaw sa kanya ay yan pwede niyang papuntahin dito at bibigyan naming siya ng layang papuntahin dito kung sino man ang gusto niya - kung gusto niyang papuntahin ang family member, yan ay nasa sa kanya.

Q: May sinabi na ba siya sa inyo na details ng maari niyang i-testify?

SPMBV: May mga kinwento siya sa akin subalit gusto ko na na sa hearing niya sabihin ito. Para maganda na rin na sa kanya na manggaling kesa pangunahan ko siya sa kanyang mga sasabihin sa hearing.

Q: Wala siyang request na makasama ang family ngayon?

SPMBV: Wala naman, wala naman siyang sinasabi baka gusto niya na hindi malagay sa limelight ang kanyang pamilya but it's up to him and kung i-re-request niya sa akin yan okay naman. Anybody in fact na gusto niyang makausap ay papayagan naman siya ng senado. Ang dalawang kapatid niya andyan, kasama niya ang dalawa niyang kapatid. Kasama ng mga madre at ang kanyang lawyer.

Q: Yung bang naibigay niyang info sapat ba yon para makabuo ng committee report

SPMBV: Well yung zte... actually nag-focus ang kwentuhan namin dun sa airport. Kasi sa akin mahalagang mahalaga yung sa airport dahil talagang hindi ako makapaniwala na nangyayari mismo sa metro manila, sa mismong naia, yung mga ganyang bagay na ang isang tao hindi niya inaasahan na siya'y pi-pick-apin. Ako ay nababahala dito. Anyway maririnig natin yan kay mr lozada mismo kung ano ang nangyari sa kanya. Sinasabi lang niya na hindi niya alam na siya ay pi-pick-apin.

Q: Pagpapaliwanagin din niyo po ba sina Gen Razon, Sec Lito Atienza

SPMBV: Well iiwanan ko sa committee yan yung pag-pacing nila sa pag-imbita. Kasi siyempre kailangan din ng mga yon ng oras para sila ay maimbita at ang prioridad lamang ngayon ay si mr lozada sa dahilang si mr lozada ay nandito na ngayon. So definitely siya ang prioridad dito. So maaring siya at siya na lang at sa ibang araw na lang yung iba.

Q: Pagpapaliwanagin niyo po ba ang PNP dun sa sinabing order for his protection?

SPMBV: Well ang senado humingi na ng paliwanag diyan. Subalit sa committee I'm sure hihilingin muli ng committee yan. At ang senado nung araw pa lang na nawala si mr lozada ay nag-demand na kami ng full account sa mga nangyari sa kanya sa airport. Sa airport officials, sa immigration at sa PNP.

Q: San po focus investigation zte o airport?

SPMBV: Sa lahat. Sa airport at sa zte. Hahayaan lang naming magsalita si mr. lozada at kung ano ang kanyang sasabihin pero siyempre sisimulan muna niya ang nangyari sa airport bago dumating sa zte. Siyempre ang pacing niyan ay depende kay mr lozada. Kung gaano ang kanyang masasabi at ayaw ko namang pangunahan siya kung ano ang kanyang sasabihin bagamat nakipagkwentuhan siya ng matagal sa amin kanina.

Q: Obstruction of justice sa airport

SPMBV: Maliwanag na hindi niya alam na siya ay pi-pik-apin at siya ay nabahala sa kanyang kaligtasan. Yun ang dalawang maliwanag sa aking isipan. Na nagulat siya at pinik-ap siya, hindi niya inaasahan yun. At natakot siya kung ano ang mangyayari sa kanya for a period of time.

Q: Sir sabi ng malacanang wag daw paniwalaan ang sinasabi ni lozada, kwestyonable daw

SPMBV: Well ako ang totoo niyan hindi ko naman kilala si mr lozada at ngayon lang kami nagkausap ng ganito, there was a time siguro nung nakakaraang hearing sa iba, pero ngayon ko lang siya nakakausap ng ganito. At wala naman akong dahilan para pagdudahan ang kanyang mga sinasabi. At ako mismo nakausap ko ang misis niya eh, nung, about two and a half hours after dumating ang eroplano na takot na takot ang misis niya sa kanyang kaligtasan. Kaya natatandaan ko ang boses ng kanyang asawa nung kausap ko. At yung sinasabi niya sa akin ngayon - wala akong makitang dahilan para pagdudahan ko ang sinasabi ni mr lozada.

Q: May alam ba siya sa mga dokumentong ipini-presenta sa malacanang na handwritten letters

SPMBV: palagay ko lahat yan maipapaliwanag niya, napanood niya sat v at palagay ko kayang kaya niyang ipaliwanag yon. Pero hindi ko siya papangunahan kung papano niya ipapaliwanag yon.

Q: Maraming bang mga senador na out of town

SPMBV: Well baka kasi may mag-kwestion, as senate president gusto ko kasi na maging maayos ang mga bagay na ito at hindi tayo mapintasan, mahalaga na mabigyan din ng panahon ang mga kasamahang senador sa hearing na ito and also to be fair with mr lozada mahalaga din naman na makapagpahinga siya hindi siya nakakatulog nitong mga nakakaraang mga araw.

News Latest News Feed