Press Release
February 11, 2008

OPENING STATEMENT OF SENATOR MAR ROXAS
IN FEB. 11 NBN HEARING

"Mr. Chair, colleagues, last Friday we heard so many hours of testimony na sa totoo lang, talagang nakakagimbal-gimbal, dahilan sa: Kung totoo ang sinabi ng witness last Friday, ang pamahalaan natin ay kasabwat, kasama sa pagpaplano ng pag-abduct, ng pagkawala ng isang mamamayan natin.

"Kaya napakahalaga ng hearing na ito, at ngayon naman ay madidinig natin ang panig ng lahat na nabanggit sa testimony ni Engineer Lozada.

"Mabibigyan ang lahat ng pagkakataon, at sana ang katotohanan ay siyang magwawagi sa hearing na ito.

"Ang sinasabi ni Engineer Lozada ay salungat doon sa sinasabi ng mga matataas na opisyales ng ating bansa sa media. Dito makikita ngayon ng ating manonood at mga sumusubaybay iyong tinatawag na 'smell test,' kung ano bang istorya ang mas katanggap-tanggap, kung ano bang istorya ang mas kapani-paniwala.

"Sa ganoong paraan, malalaman natin kung anong uring pamahalaan talaga ang naandito sa atin."

News Latest News Feed