Press Release
February 13, 2008

Transcript of Press Conference with Senate Media

Q: What do you want to establish in the on-site inspection?

SPMBV: Kasi maraming mga description, siyempre iba yung kinukwento mo lang at iba yun talagang gagawin mo sa airport. Maliwanag kasi na kailangang ma-establish natin kung ano ang nangyari dun. Ang kidnapping ay napakalaking krimen yan. At kailangang ma-establish yun. At ma-eestablish lang natin ito kung sa mismong lugar, talagang susundan natin ang nangyari from the airplane, hanggang dun sa pag-alis ni lozada. Tingin ko pwede namang gawin 'yon. Makikita natin kung gaano katagal lumakad, ang paglakad do'n, kung gaano kadami, titingnan natin lahat, lahat ng makakaya nating gawin.

Q: Pero baka na-secure na nila, lahat nagawa na nila?

SPMBV: Isa rin 'yan sa bagay na titingnan natin. pero makikita diyan yan sa CCTV. Siyempre ikukumpara natin yan. Hindi naman lahat ng makikita natin do'n ay papaniwalaan natin, siyempre ikukumpara natin yan sa description din ng mga witness.

Q: Will it be like a lie detector test against what officials say happened as against what Lozada said?

SPMBV: Sa tingin ko malaking bagay pagka tiningnan mo talaga ang airport, susundan mo ang sinabi ni Mr. Lozada, at susundan mo rin ang sinabi ng mga airport officials. Sa tingin ko, maliliwanagan mo talaga pag sinundan mo kung ano talaga ang nangyari at kung sino ang nagsasabi ng totoo. Bagamat siyempre ito ay parang validation lang. siyempre at this point meron na ang committee, mga miyembro, meron nang ideya sa mga isipan nila kung sino ang pinapaniwalaan nila dun sa mga nag-witness kamakalawa.

Q: Kung totoo po na dinoktor yung mga sinubmit ni Mr. Cusi para palabasin ang inosente lang na mga cuts, meron po bang culpability do'n ang mga airport officials?

SPMBV: Ang pag-tamper no'n ay nangangahulugang may itinatago sila. kaya pag yo'n ang nagalaw alam mo na may tinatago sila. Yan ang ating papatingnan. Anyway yan naman ay publiko naman, gobyerno naman ang may-ari nyan at pwede nating i-subpoena para makita natin kung ano talaga ang pinalitan. Kung yan ay na-tamper, ay maliwanag na may pinagtatakpan.

Q: How can we verify if its tampered?

SPMBV: Titingnan muna natin. Malalaman natin yan pagtingin natin sa airport at pag pinagtahi tahi natin ang lahat. Kasama ang pagtingin sa mismong pinangyarihan ng krimen, ay malalaman natin.

Q: Will Lozada be there?

SPMBV: Hindi ko alam, actually ang nag-oorganize nito ay ang chairman natin, baka hindi rin siya at liberty to disclose, yung mga pupunta, kung sino sino.

Q: Do you support the call for PGMA to resign?

SPMBV: Mahalaga sa akin bilang pangulo ng senado na wag munang ma-involve diyan, bagamat meron akong naiisip sa aking sarili. pero ayaw kong masabi na ang senado ay may motibong pulitikal dito sa nangyayaring ito. Kami ay ginagawa lang namin ang aming tungkulin, at nag-iimbestiga kami, gusto lang naming malaman ang katotohanan. At hindi naman ito pulitika kaya ayaw ko munang humalo diyan nang sa ganon ay hindi mabahiran ang ginagawa ng senado.

Q: Sen Gordon said the moves to amend the charter is a diversionary tactic by the palace to divert the attention from the ZTE investigation? Do you share the same view?

SPMBV: Palagay ko. Palagay ko yan ay pwedeng diversionary tactic. hindi ko rin aalisin na parang ito ay knee-jerk reaction ng mga kaalyado rin ng pangulo para simulan na ang alternative na gagawin ng ating gobyerno just in case na matuloy itong mga ito.

Q: Marami daw tao sa people power monument at pulis na nagbabantay

SPMBV: Maraming tao ang nakapanood ng nangyayari sa television at nakita nila. hindi ko siyempre masasabi kung ano ang nasa isipan ng ating mga kababayan. Ang masasabi ko lang ay marami tayong naapektuhang kababayan sa mga nangyayari. At maraming nababahala. Yung mga dating hindi nababahala ay nababahala ngayon. Lalong lalo na dun sa kidnapping charge na ang isang Pilipino ay maaring makidnap sa paglabas lamang niya sa eroplano o sa naia. itong bagay na ito ay medyo nagising ang isipan ng maraming Pilipino. hindi ko lang alam kung ito ay magbubunga ng malakihang aksyon.

Q: Is it ripe for another people power?

SPMBV: Ginagawa namin ang proseso at sinusunod namin ang proseso. hindi ko na alam kung may mangyayari na ganyan, normally ang mga bagay na ganyan hindi mo ma-pi-predict, hindi natin nalalaman kung ano ang nasa isipan ng ating mga kababayan ngayon. Maaring wala, maaring binabalewala, maaring sila'y nababahala at maaring gusto nilang mag-participate sa isang aksyon na ganyan. Ako hindi ko masasabi yan.

Q: Sa nakalipas na Edsa may mga kumukumpas

SPMBV: Sa tingin ko wala namang kumukumpas. akala lang niya siya ang kumukumpas. Ang totoo no'n ang tao ang mismong pumunta ro'n on their own. sa isipan nila gusto nilang magpunta ro'n. gusto nilang mag-express ng kanilang ginagawa. At hindi naman may nagkukumpas. Sa tingin ko maraming umaako niyan na sila ang kumukumpas pero sa akin yung mga ganyang pangyayari normally spontaneous yan. Bagamat nagkakaroon lamang ng isang event na pwede nilang pagdausan ng kanilang nararamdaman.

Q: Naniniwala ba kayo na bilang na ang oras ni PGMA?

SPMBV: Mahirap naman akong magsalita diyan dahil ako ang pangulo ng senado at ayokong mabahiran itong imbestigasyon na ito ayaw kong masabi na ito ay pulitikal.

Q: Waste of time daw ang hearing?

SPMBV: Hindi naman. unang una wala namang masyadong nauubos na oras ng senador. pareho din naman. hindi naman tayo nagdagdag ng empleyado tungkol dito. ang mga senador ang nag-uubos ng oras dito at mga bisita ang makakapagdecide kung ang oras nila ay nasasayang. Siyempre kung nasasayang, uuwi na sila. The fact na hindi pa sila umuuwi, sa tingin nila hindi nasasayang ang oras nila.

Q: Anong makukuha ng taumbayan sa hearing?

SPMBV: Sa isipan ng ibang mamamayan nakikita nila ang katotohanan. Dun naman sa iba parang nakakapanood lang sila ng drama. Subalit sa marami, katotohanan ang nakikita nila. Hindi natin alam kung ano ang nangyayari nga. Siyempre yung makita nila ang katotohanan, ay isang malaking tulong na magagawa naman natin sa ating mga kababayan.

Q: Odds against Lozada.

SPMBV: Expected ko naman yan. Ang gagawin ng mga tatamaan dun sa mga expose ni mr lozada ay sisiraan siya at maglalabas ng mga ganyan. Sinabi naman ni mr lozada, hindi naman siya santo, hindi siya perfecto at may mga kamaliang nagawa. Nung nakaraan. Pero hindi nun mababago ang kanyang pananaw sa isyu na ito at ang kaniyang pagkukwento ng nangyari sa zte nbn deal at ang nangyari sa kanya sa airport.

Q: So yung mga tinamaan ang ...

SPMBV: Oo siyempre bakit ka naman gagastos kung hindi ka naman tinamaan.

Q: Taga gobyerno?

SPMBV: Hindi ko masasabi kung gobyerno yan o kaalyado lamang ng gobyerno. Hindi ko masasabi yan. ang sinasabi ko lang para mag-abala ka dito sa bagay na ito at ikaw ay gumastos, either ikaw ay tinamaan o kaibigan ka ng tinamaan.

Q: Kung magkaroon ng people power anong epekto nito sa 2010.

SPMBV: Hindi natin masasabi yan, mahirap mag-spekula sa mga bagay na yan. As I said earlier, itong mga bagay na ito hindi natin na-pi-predict ang isipan ng mga kababayan. ito ay isang bagay na walang makaka predict.

Q: Mas gusto niyo snap elections.

SPMBV: Mahirap naman akong magsalita diyan bilang pangulo ng senado. Baka lalo nating dadagdagan ang mga akusasyon na ang ginagawa nating imbestigasyon ay pampulitika.

Q: Magtiyaga na lang for 2010?

SPMBV: Ayaw ko pa ring sabihin yan. Dahil sa ayaw kong pangunahan ang sinuman. Kung naniniwala silang gusto nilang gumawa ng aksyon, yan ay karapatan nila sa isang demokrasya.

Q: Sipag lang sir hindi tiyaga?

SPMBV: Meron naman iba na nagsisipag at tiyaga lang, meron namang ganon.

Q: SWS survey shows Noli no. 1, you're the no. 2 preference for president should PGMA resign

SPMBV: Parang hindi naman ganyan, should the president resign? sa tingin ko hindi naman sinabi na pag nag-resign, kundi yung susunod. Pwede rin namang pag susunod sa 2010, o ang papalit. Hindi naman nangangahulugang papalit kaagad. Pwede rin ang papalit sa 2010.

Happy ako dun alam nating matagal pa yan, alam nating mahigit isang taon at kalahati pa ang kelangan diyan, pero siyempre maski naman sinong tao pag mataas ang rating mo masaya.

Q: Maraming mangyayari? Meaning bababa?

SPMBV: Mahirap naman para sa akin, pangit naman, na ni wala pang desisyon ang komite o senado ay nakikisama na tayo diyan sa pagpapatalsik sa pangulo. mahirap yang ganyang mga bagay. tayo po ay gumagawa ng tungkulin dito sa senado. gusto nating malaman ng ating mga kababayan ang katotohanan at yan po ang ating gagawin.

Q: Reso

SPMBV: Sa akin basta may reso irerefer natin yan sa blue ribbon at as soon as possible kung kelan sila posibleng magsimula ay gagawin siguro nila pero siyempre nakikita ko na tatapusin muna ng blue ribbon ang kanilang ginagawa ngayon.

Q: Ok lang sa inyong magtuloy ang hearing sa ZTE o magsubmit ng committee report?

SPMBV: Sa akin ok lang na magtuloy pa o magsubmit ng committee report. We will respect any decision to be made by the committee. nakikita ko lang na mukhang wala pa naman silang balak na tapusin kaagad

Q: Ang Supreme Court maglalabas ng decision re Garci

SPMBV: Hindi ko alam kung ito'y narinig na ng tao. pagkakaalam ko may nakarinig na nito pero kung wala, nasa demokrasya kasi tayo at hindi natin dapat pinipigil ang mga ganito in the first place. At mabuti naman nakumpirma, ang posisyon na yon ng ating sc. Na ang mga ganitong mga bagay ay kasama ng ating demokrasya. At hindi tayo dapat maging sensitibo sa ganitong mga bagay.

Q: Are you in favor of the tape being played

SPMBV: Why not wala namang masama kung i-play yan basta may order ang supreme court. Why not kung gustong malaman ng tao ang nilalaman ng garci tapes.

Q: Lalong magagalit ang mga tao..

SPMBV: Ang sa akin kasi kung yun ang totoo kung magagalit ang mga tao o matutuwa yan ay karapatan nila sa ilalim ng demokrasya.

Q: You are No. 2 choice for president in the SWS survey.

SPMBV: Masaya tayo diyan.

Q: Gusto niyo bang mag hold ng power via emergency o...

SPMBV: Hindi ko iniisip ang mga bagay na ganyan, nasa isip ko lang ang valentines day

Q: Ano ang gift niyo sa misis niyo

SPMBV: Secret. Dun kami mag cecelebrate sa laoag.

Q: Valentine message kay PGMA?

SPMBV: Sa ating pangulo, sana ay maging maligaya kayo sa valentine's day kapiling ang inyong mga minamahal sa buhay.

News Latest News Feed