Press Release
February 14, 2008

Transcript of press conference after the NAIA ocular inspection
with Senate President Manny Villar

Q: Assessment of the ocular inspection

SPMBV: Meron kaming mga hiningi na sa aming palagay ay magbibigay-liwanag dito sa aming imbestigasyon tulad ng logbook na kanina ay nakita natin. Gusto ko kasing malaman ang lahat ng logbooks na normally meron dito sa airport. Halimbawa, logbook ng mga kotse. Siyempre pagpasok mo ng NAIA especially dito sa tarmac, meron kang logbook ng mga pumapasok. Mahalaga rin siguro na makita natin ang logbook ng kotse para malaman natin kung ilang kotse ang pumasok bukod dito sa tao. Gusto ko ring malaman iyong nag-request ng permits ng concerned, tulad ni Mr. Valeroso, etc. Ano bang office ang nag-request ng mga permits na iyan sa airport noong araw na iyon? Meron pa rin kaming mga hiningi na sa aming palagay ay makakapag-bigay liwanag sa imbestigasyon. Merong hiningi si Sen. Biazon, meron ding mga katanungan si Sen. Honasan. Meron ding mga hiningi si Sen. Alan, kasama na iyong lokasyon ng cameras. Ang hihingin namin ng paliwanag ay kung bakit ang ruta in effect, na-reverse. From the arrival, naging departure na iyong kanyang daan. Iyon naman ang pinapaliwanag ni GM Cusi at Mr. Atutubo, to be fair with them kanina. Titingnan nating lahat at isasama natin sa paggawa ng conclusion. I'm sure the committee will be taking all of these things into consideration.

Q: On Lozada's VIP treatment

SPMBV: Masyadong maaga para gumawa tayo ng conclusion base sa narinig natin ngayon. Iyon nga ang gusto kong i-establish, maluwag ba ito o talagang niluwagan sa pagdating ni Mr. Lozada? Dalawang isyu iyan kasi hindi naman natin masasabing maluwag. Posibleng mahigpit pero niluwagan lang specifically for that purpose. So iyon ang ini-establish ko.

Q: Pero ang implementation nito hindi ba dapat sa mga senators, high-ranking government officials lang?

SPMBV: Nakakagulat din ang nangyari kay Mr. Lozada kasi hindi naman talaga siya very high-ranking official. Although sa akin, kahit nga high-ranking puwede namang padaanin sa normal na ruta. Pero iyong dinaanan niya, iba, parang na-reverse. Dapat arrival siya, napunta sa departure. But to be fair, gina-gather namin ang lahat ng impormasyon na nakita namin ngayon bago kami gumawa ng conclusion.

Q: Dapat limitahan ito?

SPMBV: Isa iyan kasi itong imbestigasyon na ito ay hindi lamang para kay Mr. Lozada kundi para sa paggawa rin ng legislation. Gusto rin naming ma-establish na maayos itong airport kasi kaka-downgrade lang nito. Kung may dumating na Filipino mula sa eroplano at makikidnap, talaga namang grabe ang seguridad natin.

Q: Sa inyo, may kidnapping kay Mr. Lozada?

SPMBV: Base rito hindi tayo ready mag-conclude pero base sa kwento ni Mr. Lozada, kinidnap siya. Hindi ko lang alam kung saan nangyari dahilan sa anim na oras siyang hawak ng ilang tao na laban sa kanyang kalooban. At anytime na ikaw ay hawak ng ilang tao na laban sa iyong kalooban, na-kidnap ka.

Q: My pagbabago ba?

SPMBV: Wala naman akong nakikitang pagbabago sa sinasabi ni Mr. Lozada. Tinitingnan natin dito kung saan ang culpability, kaninong lugar nangyari iyan. Nangyari ba ito doon kina Col. Mascariñas o dito sa airport? Syempre gusto nating ma-establish kung kasama sa operasyon itong airport o nangyari lang iyon paglabas ng airport.

Q: Sinusuportahan n'yo ba ang panawagan na mag-resign si Sec. Neri?

SPMBV: Hindi naman. Ayokong magpa-resign dahil sa ako ang presidente ng Senado. Baka sabihin pulitika.

Q: Doon po sa CA, ayaw pa pong umupo ni Melo. Gusto niya ma-confirm muna. Hindi ba puwedeng i-advance ang kanyang confirmation hearing?

SPMBV: Ano yun pre-clear muna? Kung hindi ka pa naa-appoint, di ka pa namin puwedeng i-confirm. It may not be fair for the position. Who would do the job of the chairman? Kunwari if it will take us three years to confirm him, tatlong taong walang chairman? To be fair with his position, dapat may limitasyon din. Tama naman din iyon, magandang attitude din iyon. Kaya nga lang, after a while he has to decide whether he will resign or not kung hindi pa siya nako-confirm dahil hindi naman puwedeng 2010 na for example, hindi pa siya nako-confirm. Walang chairman.

Q: May harassment daw sa PNP...

SPMBV: Maliwanag naman na may harassment. Sana tigilan na iyang harassment na iyan. Nakakagulo lang at lalong nakakasira sa impresyon ng ating mamamayan sa ating gobyerno. Sana pagbawalan na iyang mga over-eager na gustong magpasiklab siguro sa boss nila na kunwari meron silang ginagawa in defense. Wala, nakakasira ng gobyerno iyan.

Q: Confident kayo na hindi madadala ng harassment itong si Lozada?

SPMBV: Of course I cannot speak for Mr. Lozada but I am hoping na hindi siya madala sa mga ito. Clearly tinatakot lamang siya para siya ay humina ang kalooban.

Q: Iyong presence ng PSG dito, may connection ba?

SPMBV: Kailangang ipaliwanag kung ano ang ginagawa ng PSG rito.

Q: Ano ang masasabi ninyo sa security dito?

SPMBV: Malaki ang dapat ipaliwanag ng PNP diyan. Ano ang ginagawa nila dito? Ano ang pakialam naman nila kay Mr. Lozada? Bakit sila involved kay Mr. Lozada? Ako ay nagugulat din kay Mr. Lozada na para sa isang pangkaraniwang government official, napakarami nang involved, mga Cabinet members na tumatawag, PNP at no less than the PNP chief ang nage-explain, ang General Manager ng airport mismo, ang chief security, napakaraming involved. Latest naman ngayon, pati PSG. Napaka-Superstar ni Mr. Lozada at tinatanong mo tuloy, ano ba ang nalalaman niya na hindi dapat nating malaman kaya ang buong gobyerno ay pinipigil siya na talagang puro mga heavy weights?

Q: Hindi po ba ganito ang sistema kapag kayo ay dumadating galing abroad?

SPMBV: Walang big time. Walang extra treatment saka walang Cabinet member na tumatawag sa akin.

Q: Paano kaya ire-reconcile?

SPMBV: Nasa logbook. Hindi naman tayo nag-iimbento. Palagay ko naman hindi nila ilalagay na PSG iyon kung hindi naman PSG.

Q: (inaudible)

SPMBV: Iyan naman ay nakita na natin sa hearing, subalit ngayon bina-validate lang natin kung ano ang narinig natin noon. At na-validate naman. Eksaktong nakita natin kung ano ang nangyari. Kasi dito, iyong airport isang chapter lang iyan. Ang talagang nakakagalit dito iyong anim na oras siyang pinaikot-ikot, nakarating ng Los Baños, hindi pinababa ng kotse, pinapatay ang cellphone. Maliwanag na nagpapatunay na ito ay labag sa kanyang kalooban. Talagang kapag sinundan mo iyan, kidnapping maliwanag iyan.

News Latest News Feed