Press Release
February 15, 2008

SARILING WITNESS PROTECTION PROGRAM PARA SA SENADO AT KONGRESO IPINANUKALA NI KIKO PANGILINAN

Kaugnay ng pagtestigo ni ZTE witness Rodolfo "Jun" Lozada sa senado naghain ng panukalang batas si Senate Majority Leader at Independent senator Kiko Pangilinan na naglalayong magkaroon din ng sariling programa sa witness protection ang senado at mababang kapulungan lalo na't kung ang nasasangkot ay matataas na opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Pangilinan, "Ang Senate Bill 2081 ay naglalayong tugunan ang mga kakulangan sa Republic Act 6981 na mas lalong kilala bilang "Witness Protection and Benefit Act," ayon sa batas na ito ang Justice Department ang pangunahing ahensiya ng gobyerno na magpapatupad at magbibigay ng proteksyon para sa mga tumetestigo sa mga pagdinig sa senado o kongreso. Pero, paano na lang ang sitwasyon ni Mr. Lozada na tumestigo laban sa gobyerno na itinalaga ng batas na magpoiprotekta sa kanya? Mababantayan ba siya ng tapat at tama sa ilalim ng kasalukuyang batas? Magkakatiwala ba halimbawa ang testigo tulad ni Lozada kung mapasailalim siya ng programa sa ngayon kung saan si Sec. Raul Gonzalez ang tagapangasiwa bilang DOJ Secretary."

Giit pa ni Pangilinan, "Dapat amendahan ang Sec. 4 ng RA 6981 upang magkaroon ng sariling witness protection program ang senado at kongreso at upang magkaroon ng lakas ng loob ang taumbayan na lumabas at magbulgar ng anomalya, lalo na sa kaso kung malalaking tao sa lipunan ang sinasabing kasabwat. Kung ang magbabantay kasi ang inaakusahan , hindi malayong bantay-salakay ang mangyayari."

News Latest News Feed