Press Release
February 19, 2008

MAGKANO BA ANG SUWELDO NI USEC GAITE AT KAYA NIYANG MAGPAUTANG NG LIMANGDAANG LIBONG PISO? --- KIKO PANGILINAN

Mariing binatikos ni Senate Majority Leader at Independent senator Kiko Pangilinan si Deputy Executive Secretary Manuel Gaite kaugnay ng pagbibigay umano nito ng limang daang libong piso kay ZTE witness Rodolfo "Jun" Lozada.

Ayon pa kay Pangilinan, "Mahirap paniwalaan na magpapautang ang isang opisyal ng gobyerno na napakalaking halaga na limangdaang libong piso sa kapwa niya nasa ehekutibo..."

Matatandaan, noong Pebrero a-kuwatro binigay umano ni Gaite ang Limangdaan libong piso sa kapatid ni Lozada na si Owe ayon daw ito sa kahilingan ni Lozada dahil naubusan na ito ng pera habang ito ay nasa Hong Kong.

Giit pa ni Pangilinan, "Kailan ba naging gawain ng isang Deputy Executive Secretary ang pagpapautang? Kahit ako hindi ako magpapautang ng ganitong kalaking halaga, magkano ba ang suweldo ni Usec. Gaite at kaya niyang magpautang ng ganitong kalaking halaga na kalahating milyong piso?

News Latest News Feed