Press Release
February 19, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar
over DZBB with Joel Reyes-Zobel

Q: Sabi ni Bro. Eddie Villanueva, upuan daw po ninyo ang kanyang panukala na ang limang matataas na opisyal ng bansa ang maghanap ng solusyon dito sa krisis sa pulitika?

SPMBV: Wala naman akong problema diyan. Ang problema lang palagay ko ay hindi naman sasama ang pangulo diyan.

Q: Ganoon ba?

SPMBV: Oo. Wala namang balak na umalis ang pangulo o makipag-usap tungkol sa kanyang posisyon kaya hindi na namin pinagkakaabalahan. Pero nauunawaan ko ang sinabi ni Bro. Eddie. Syempre ang kapakanan ng bayan ang kanyang nasasaisip. Gusto niyang magkaroon ng resolusyon itong mga nangyayari ngayon. Bagamat ako ay naniniwala na ang pangulo ay hindi papatol dito at hindi makikisama sa anumang usapan tungkol sa kanyang posisyon.

Q: Hypothetical SP, kung pumatol? Sabi po ni Bro. Eddie dapat i-isantabi muna ang tinatawag na constitutional succession at magtalaga ng isang apolitical person in the person of Chief Justice Puno?

SPMBV: I cannot speak for my other colleagues. Tayo ay may konstitusyon at napakahirap naman na iyan ay ating balewalain. At least at this point, I can say na lahat po ng ginagawa natin ay naaayon sa konstitusyon. Kaya ako umiiwas sa mga solusyon na hindi ayon sa atin pong konstitusyon dahil medyo magulo. May suggestion, maganda iyan, subalit naniniwala pa rin ako na dapat sundin ang ting konstitusyon.

Q: Kailan magre-resume ang ZTE investigation?

SPMBV: Tentatively Lunes bagaman biglang idineklara na fiesta oficial ang Lunes. Baka Martes. Naitakda na iyan na Lunes sana biglang nalaman namin na iyon pala ay idineklara na official holiday. Mag-uusap muli ang mga senador kung kailan ang next hearing.

Q: Pero definitely next week?

SPMBV: Definitely next week.

Q: Merong bagong testigo daw si Sen. Cayetano?

SPMBV: Pinag-uusapan namin. Palagay ko siya lang ang makakapagsabi kung sino ang kanyang darating na witness.

Q: Pero meron?

SPMBV: Sinasabi niya na meron. Mahirap namang pangunahan.

News Latest News Feed