Press Release
February 20, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar -- Senate Reporters

Q: Reaksiyon niyo dun sa "Unity walk", ano ang masasabi niyo?

SPMBV: Well, okey lang naman yung magsama-sama, talagang ganyan yan. Hindi natin maiaalis na magpakita ng suporta yung mga cabinet members sa kanilang lider. Normal lang naman yun, bagamat hindi nangangahulugan yan na siyempre lahat sila ay parepareho nang iniisip, hindi mo naman alam kung ano ang iniisip dun habang naglalakad sila.

Q: Nadadaan ba sa palakad-lakad yun?

SPMBV: Depende sa pinag-uusapan nila habang naglalakad sila baka iba pinag-uusapan nila doon. But let's face it, marami na tayong nakitang mga ganyan noong nakakaraang mga panahon, meron pang mga kapit kamay, mga ganyan, pero in the end meron ding isa o dalawa na kumakalas. I don't want to predict however na nagkakalasan na sila. Wala sa akin yung epekto ng paglalakad, normal lang yun at hindi tayo nagugulat dun.

Q: Ano sa tingin niyo doon sa move na may 3 billion corruption fund Ganun ba talaga ang solution ang kailangan dito?

SPMBV: hindi na kailangan yung mga ganung pondo at lalo lamang na maghihinala na inaalis ang attention dito. Aanhin naman yung 3 billion? Papaano gagastusin yung 3 billion na yun? Talaga namang dapat na may hakbanging gawin para sugpuin ang korupsyon pero palagay ko ay kailangan lang na dapat determine ka na sugpuin yan at talagang ipakita na wala yang mga ganyang deals.

Q: Yung all ODA projects ng government kinansel ng pangulo, sa tingin niyo ba kailangang tingnan din isa-isa ng Senado kasi baka meron din nakatagong mga komisyon dun?

SPMBV: Actually sa Senado yung dumarating pa lamang ang ating tinitingnan, hindi pa talaga tayo naghahanap pero sa dami naman ng dumarating sa Senado, talaga namang napakarami na ring trabaho at dito kami nalulungkot. Hindi rin naman kasi natin gusto na magkaroon ng maraming trabaho ang Senado, talaga lang naman na napakaraming anomalya ang dumadating dito. At kagaya nga ngayon, hindi pa tapos ang ZTE ay madami na namang anomalya ang nababanggit. Siyempre, nahihirapan din kami na iiskedyul naming, lahat yan kaya pinakamaganda talaga na solusyon ay mawala na yung anomalya.

SPMBV: Yung mga malalaki lang naman ang iniimbestigahan naming at yun namang mga malalaking anomaly ako'y naniniwala na madaling mapigil yan. Mas mahirap pigilan yung maliliit na anomalya dahil maramihan yan. Yung malalaki kayang pigilan yan kung desedido.

Q: Paano nga kaya? Hindi solusyon yung 3 billion, hindi solusyon yung icancel lang. Ano ba dapat talagang gawin para wala na yung mga ganyang malalaking anomalya?

SPMBV: Sa payo nga ni Sec. Neri, moderate their greed.

Q: Pero meron pa rin.

SPMBV: Pero mas maganda kung wala na lang talaga, kaya lang talagang siyempre hindi natin minsan entirely ma-eeliminate yan, ang sa akin ay kawawa naman yung tao. Tama na naman.

Q: Reaksiyon niyo po dun sa panawagan ng CBCP for a new people power?

SPMBV: Ang mga panawagan kasi ako'y naniniwala na hindi natin alam kung ano ang nasa isipan ng mga tao ngayon. Nanonood sila lahat ng telebisyon, nakikinig ng radyo, nagbabasa ng dyaryo, hindi natin masasabi kung ano ang gusto nilang gawin sa darating na araw o sa darating na linggo. At ito'y makikita na lamang natin, mabubuo naman yan maski na walang organizer at yang mga bagay na yan ay mangyayari pagka sabay-sabay na mag-eexpress ng kanilang nararamdaman ang ating mga kababayan.

Q: Ang problema naman po kasi ay ayaw nila na si Noli ang papalit?

SPMBV: Palagay ko, marami naman dun hindi na nag-iisip kung sino ang papalit. Siyempre sila ay nagpapakita lamang ng kanilang galit sa nangyayari sa kapaligiran. Itong nangyayari sa ZTE, maraming hindi natutuwa dito, at lalung-lalo na dun sa kidnaping, at yung nangyayari kay Mr. Lozada, maraming hindi natutuwa diyan. At sa palagay ko, yung kanilang nararamdaman ay wala namang kinalaman kung sino ang papalit. Basta gusto lamang naman nila na huwag na mangyayari uli ang mga bagay na ito.

Q. Do you have still time for legislation?

SPMBV: Andami, madami tayong naipapasa na panukala ngayon at rekord number ang ating bills na ipinapasa. So mali naman talaga yung sasabihin na napapabayaan ang trabaho natin. Doon sa LEDAC, nagkasundo kami na siyam ang panukalang dapat ipasa. Walo na ang naipapasa ng Senado doon sa siyam, at yung pang siyam kaya hindi namin ipinapasa yun ay hindi pa kami sigurado na gusto naming ipasa yun. Pero yung walo, eight out of nine ay naipasa na kaya hindi naman totoo na napapabayaan ng Senado ang trabaho niya. In fact, bukod diyan simula nung magsimula ang 14th Congress, nakakapasa na ng 24 panukala ang Senado considering the first year of the 14th Congress ay napakarami na.

Q: Snap elections?

SPMBV: Well, yung snap elections, yan ay proposal sa mababang kapulungan at iginagalang natin naman yang mga ganyang panawagan dangat nga lamang sa nakikita ko ay hindi naman papasa yan sa mababang kapulungan, so wala namang point na pag-usapan pa.

News Latest News Feed