Press Release
March 4, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas before Supreme Court oral arguments on executive privilege

(Attending the oral arguments with Senator Roxas are Liberal Party Representatives Joseph Emilio Abaya (1st Dist. Cavite) Niel Tupas, Jr. (5th Dist. Iloilo) and Alfonso Umali, Jr. (2nd Dist. Mindoro Oriental))

Q: Do you see the Supreme Court's ruling allowing to find out the truth in NBN?

MAR: Malinaw na pinaglalaban natin dito ay ang karapatan na malaman ang katotohanan. Pinaglalaban natin dito na tama ang paggamit ng executive privilege na hindi ito gamitin sa pagtakip o pagkubli ng mga anomalya. Pinaglalaban natin dito na manaig ang interes ng sambayanan kaysa sa interes ng isang administrasyon lamang. Iyan ang pinaglalaban natin sa Senado, at iyan din ang dahilan kung bakit tayo dumalo sa Supreme Court, para sa interes ng sambayanang Pilipino.

Q: So do you believe the nature of the conversations between Neri and the President should be covered under executive privilege?

MAR: Palagay ko hindi ito sakop ng executive privilege, yung conversation ng Pangulo at ni Secretary Neri, dahilan na si Secretary Neri mismo nagsabi na sinabi niya sa pangulo na mayroong nagsuhol sa kanya ng 200 million pesos. Ang Pangulo rin mismo, noong nakaraang linggo, ay nagsabi na may nadinig siya, o may dumating sa kanyang report ng anomalya dito sa ZTE-NBN project na ito. Kaya wala sa military o kaya sa diplomasya ang kaugnay nito. Ito lamang ang isang pagtatakip sa isang anomalya, sa suhulan, kaya importante talaga na malaman kung ano ang pinag-usapan nila.

Q: What if the Supreme Court does not lift the status quo order for Neri?

MAR: Aalamin natin kung ano ang dahilan ng Supreme Court. Of course, maaari na mayroon pang submission ng memoranda, mayroon kasing legal process ito. So hindi naman ine-expect na ngayong hapon mismo ay may desisyon na ang Supreme Court.

We have asked the Supreme Court to immediately lift the status quo ante order. Ibig sabihin ay si Secretary Neri ay wala nang dahilan, wala na siyang pagtataguan pa, na humarap sa Senado, na humarap sa sambayanan at sabihin ang kanyang nalalaman tungkol dito sa suhulan sa NBN-ZTE deal.

Mayroon tayo ngayong halos constitutional crisis. Mayroong stalemate o stasis between the executive and legislative branch, at sang-ayon sa ating sistema, Supreme Court naman talaga ang dapat humatol dito. Ito ang dahilan kung bakit ang Senado ay pumunta dito sa Supreme Court para hingiin ang hatol ng Supreme Court na ilabas na ang katotohanan, sabihin na ni Neri kung ano ang nalalaman niya, at manaig ang interes ng sambayanan kaysa sa interes ng pagtakip o pagtago sa mga anomalya.

Q: Ano po ang magiging implication ng desisyon ng Supreme Court?

MAR: Depende sa desisyon. Ang hatol naman ng Supreme Court ay may mga binabagayang konsiderasyon. Ano ba ang yung mga sinabi ng Supreme Court, Aaralin namin ito.

Ako'y hindi naniniwala na ang Supreme Court ay papanig sa pagtago o pagtakip sa isang anomalya. So kung anuman ang maaari na sabihin ng Supreme Court--hindi pa exhausted ni Secretary Neri ang kanyang remedies, baka ibalik muna ito sa Senado o kaya sa Court of Appeals o kung saan man--baka maaaring procedural.

Maari din na sasabihin ng Supreme Court na alamin muna, sabihin muna ni secretary neri sa kanila kung ano ba ang tinatago na impormasyon para malaman nila na may kinalaman ba ito sa diplomatic, military o national defense o hindi.

So hindi talaga natin alam. Ang punto dito, pinaglalaban natin ang ating karapatan na malaman ang katotohanan, pinaglalaban natin dito na huwag gamitin itong executive privilege sa pagtago o pagtakip sa isang anomalya. At ipinaglalaban natin dito na manaig ang interes ng sambayanan laban doon sa interes ng isa lamang.

Q: Anong inaasahan po natin sa gaganaping oral argument? Ano po ang implikasyon nito lalo na sa karaniwang mga mamamayan?

MAR: Ang pagtago ng administrasyon sa anomalya na nakapaligid dito sa ZTE NBN deal ang siyang pinaka-punto nitong kaso na ito. Mananaig ba ang pagtago o pagtakip nito, o mananaig ba ang karapatan ng sambayanan na malaman kung ano ang katotohanan dito sa deal na ito?

Si Secretary Neri mismo ang nagsabi, nagsumbong siya sa sa pangulo na sinuhulan siya ng 200 milyon. At ang tinatanong natin ngayon--at ito ang ayaw sabihin ni Secretary Neri--ano ba ang iniutos sa kanya ng Pangulo matapos niyang isinumbong ito? Inutos ba niya na itigil ang kontrata na iyan? Inutos ba niya na dahan-dahan, i-review na muna ang kontrata na iyan? Iniutos ba niya na file-an mo ng kaso ang mga nanunuhol sa iyo? Ano ba ang iniutos ng Pangulo dito sa NBN ZTE deal na ito matapos niyang isinumbong na meron ngang anomalya?

Q: Ano po ba ang magiging role ninyo mamaya sa oral argument? Ang pagkakaalam namin, may mga abugado na kakatawan sa Senate.

MAR: Ang Senado, kaming tatlong chairman--Senator Cayetano, Senator Biazon and yours truly--ay hiningi namin ang tulong ng mga abugado na siyang nag-appear dito noong EO 464 ang pinagdedebatihan dito. Kaya alam naman nila ang mga issues dito, at kami naman ay nandiyan para magbigay ng moral support.

News Latest News Feed