Press Release
March 11, 2008

OPENING STATEMENT OF SENATOR MAR ROXAS
12TH SENATE JOINT COMMITTEE NBN HEARING

"Good morning to one and all. Welcome to this 12th hearing on the ZTE-NBN controversy. This set of hearings has been likened to a telenovela. Some officials have referred to this, 'Isang telenobela lamang ito sa Senado.'

"Maaari na ito ang ikalabindalawang kabanata ng telenobela na ito. Pero gusto kong ipaabot sa ating lahat na humahaba lamang ito dahilan sa ang impormasyon na kinakailangan ng Senado, para matapos na nga ang prosesong ito, ay hanggang sa ngayon hindi pa ibinibigay ng ehekutibo. Sa pamamagitan ng pag-invoke ng executive privilege, sa pamamagitan ng hindi pag-utos sa lahat ng mga opisyal na dapat dumalo rito, ay humahaba itong prosesong ito.

"Sa totoo lang, mabilis sana ito, malaman kung ano ang nangyari talaga rito: kung si Lozada nga ba ay na-abduct, kung ang kontrata ba ay may anomalya, kung talaga bang nagkasuhulan, at magkano, at kailan at kanino. Madaling-madaling malaman lang po ito. Pero lahat ng itong impormasyon na kinakailangan ng Senado, kinakailangan ng sambayanan, hanggang sa ngayon, ino-obstruct pa ang full, fair and free access nating lahat dito sa impormasyong ito.

"Kaya nananawagan po tayo sa lahat na kung maaari lang ay ibigay na itong mga impormasyong ito. Kami sa Senado, gagawin namin ang aming trabaho para malaman ang kabuuang katotohanan dito sa ZTE-NBN. Maraming salamat, at magandang umaga."

News Latest News Feed