Press Release
March 18, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar over DZMM with Neil Ocampo

Q: Dapat daw itigil na yang ZTE investigation at gumawa na ng committee report at yung cheaper bills na lang ang asikasuhin kaysa sa mga cheap witnesses.

SPMBV: Mayroon tayong hinihintay na desisyon mula sa Supreme Court kung saan dedesisyunan nila kung oobligahin nila si Sec. Neri na mag-appear sa Senado. Noon kasing nagkaroon ng problema diyan, minarapat ng Senado na huwag na lamang makipag-compromise dahil hindi rin namin kami hahayaang magtanong tungkol sa Pangulo kaugnay sa isyu ng ZTE kaya nagdesisyon ang Senado na hintayin na lamang ang SC decision tungkol sa executive privilege issue. Nangako naman si Chief Justice Puno na aaksyunan ang bagay na ito at ang estimate niya ay aabutin ng isang buwan. Nakikita ko na mas prudent hintayin ang desisyon ng SC nang sa ganoon ay hindi masabi ng tao na hindi kami nakapaghintay sa testimony ni Chairman Neri.

Q: In the meantime, ano po ang gagawin niyo sa ZTE issue?

SPMBV: Pwede namang gumawa ng partial report ang komite dahil naghihintay na rin ang ibang Senador ng partial report, kung ano na ang nagawa, kung ano ang initial findings at kung ano pa ang balak gawin ng komite. In fact, ako ay nag-file na kahapon ng isang panukala na magbubuo ng isang witness protection program sa pangangasiwa ng Supreme Court. Hindi kasi tama na ilagay lamang ang programa under DOJ dahil paano naman kung ang nagsusumbong ay laban sa anomalya sa gobyerno? Gusto ko na magkaroon ng ibang witness protection program under the supervision ng Supreme Court. Maliban diyan, 3 pang panukala ang ipa-file ko as a result nitong ZTE investigation.

Q: Pansamantala po ba , titigil muna iyan hangga't wala pang desisyon ang Supreme Court?

SPMBV: Hindi ititigil iyan. Depende sa komite iyan. Bagama't nakabakasyon kami para sa Holy Week, yung mga komite naman ay binigyan ng karapatan na mag-imbestiga pagkatapos ng Holy Week. Nasa kanila iyan kung kailan nila itutuloy ang imbestigasyon. Pero si Sen. Alan ay nagpa-plano na magkaroon ng hearing after Holy Week.

Q: Isa pang isyu ngayon ang kakapusan ng suplay ng bigas at iyong Spratlys issue po ba ay iimbestigahan din ng Senado?

SPMBV: Tatalakayin namin lahat iyan dahil iba't-ibang komite naman ang gagawa niyan. Yung pagkain ay sa Committee on Agriculture at iyong Spratlys ay sa Foreign relations o sa ibang komite. Itong sa isyu ng bigas, malaking problema ito. Ang presyo ng bigas sa labas ng bansa ay tumataas ng sobra-sobra gaya ng nangyayari sa presyo ng langis. Ito ay magiging panganib para sa atin at kung hindi agad ito mareresolba, di maiiwasan na magkaroon ng shortage ng bigas.

Q: Sa parte ng Senado, ano po ang gagawin niyo sa problema sa bigas?

SPMBV: Matagal na namang inaprubahan ang AFMA na nagtatakda ng 20B piso para tulungan ang sektor ng agrikultura. Kaya dapat, i-release na yang AFMA bilang dagdag sa budget ng Department of Agriculture.

Q: Kasama ba diyan ang budget para sa importation?

SPMBV: Hindi. Ito ay tulong lamang sa mga agricultural agencies. In fairness to the Senate, two months ago sa LEDAC, 9 na panukala ang napagkasunduan i-prioritize at diyan sa 9 bills na iyan, 8 ang napagtibay ng Senado., Kaya hindi masasabi ng Malakanyang na hindi nagta-trabaho ang Senado.

Q: Yun pong Cheaper Medicines Bill, ano na ang nangyari doon?

SPMBV: Nagkakaproblema sa bicameral ng House at Senate. Bagama't pumasa na ito sa Senado, mukhang hindi pa nag-aagree ang both committees. AKo naman, bilang pangulo ng Senado ay handing tanggapin maski iyong version ng mababang kapulungan para maisabatas na ang panukalang iyan.

News Latest News Feed