Press Release
March 24, 2008

Transcript of press conference with Senate President Manny Villar

Q: Conversion of lands daw into subdivisions is one of the factors why we have rice shortage?

SPMBV: Malaki ang problema ng ating bigas ngayon. Malaki rin ang problema ng housing. Meron tayong four million backlog sa housing. Wala sa pabahay ang kalutasan niyan. Ang dapat lumutas sa ating problema ng bigas ay iyong pagpapataas ng productivity ng ating agricultural lands. Ito ay kinakailangang harapin natin. Napakamahal ng ating inputs, fertilizer, pesticide, ang mga binhi ay matataas ang puhunan kaya ang mga farmers ay wala nang kinikita, hindi na nagtatanim. Marami sa ating mga lupa ngayon ang hindi natataniman. Marami na rin sa ating mga magsasaka ay ayaw na ring magtanim dahil hindi kumikita. Ang kailangan ay alisin natin ang korapsyon sa pagbibigay ng pondo sa agrikultura. At iyon sanang AFMA (Agricultural and Fisheries Modernization Act) na dapat sana ay magbibigay ng P20 billion per year sa ating agricultural operations ay dapat i-release natin. Ang ginagawa kasi natin ngayon, ang budget ng agriculture ay isinasama natin sa definition ng P20 billion. Dapat iyon ay iba. Separate ang P20 billion, separate and budget ng agriculture. Hindi iyon dapat in lieu of kundi in addition to. Dapat i-realease ang para sa AFMA na budget sa agrikultura, alisin natin ang korapsyon diyan para iyong mismong dapat tunguhan ng mga pondong iyan ay makatanggap. Dapat huwag nang maulit ang nangyari sa fertilizer scam. Dapat iyong mga dapat tanggapin ng farmers ay matanggap nila. Meron din kasi tayong mga napapabayaan, halimbawa iyong 15 % ng bigas ay nawawala pagkatapos ng harvest dahil sa kakulangan ng facilities natin. Ito ay isang bagay na kinakailangang harapin din ng ating pamahalaan nang sa ganoon ay mapataas natin ang ating ani. Maraming dapat gawin. Ito nga ang problema ng kine-claim na magandang performance ng ekonomiya natin kaya hindi nararamdaman ng mga mamamayan. Sa ngayon, alam naman natin na halos kalahati ng ating populasyon ay umaasa pa sa agrikultura, napapabayaan natin iyan kaya hindi nararamdaman ng mahihirap iyong benepisyo ng kine-claim na 7% GDP growth. Siguro iyon ang dapat tingnan ng mga namamahala kung hindi nila bibigyan ng prayoridad ang agrikultura, walang mararating talaga ang pagpapasigla ng ekonomiya na kanilang kine-claim.

Q: According to Sen. Zubiri, limited na lang po ang rice fields dahil na-convert na into golf courses ang mga lupa.

SPMBV: Ang housing natin ay malaking problema. Apat na milyon ang ating kakulangan sa pabahay. Ang nangyayari kasi ngayon dahil sa maraming magsasaka ang hindi nagtatanim, sila ay nagma-migrate na kaya halos kalahati ng ating populasyon ay nasa urban area na. Hindi mo puwedeng lutasin ang problema ng pagkain nang wala naman ang pabahay. Ang magandang solusyon dito ay lutasin natin ang suliranin ng pabahay, lutasin natin ang suliranin ng pagkain. Hindi naman puwedeng wala kang bahay, kakain ka o may bahay ka nga, hindi ka naman kakain. Obligasyon nating bigyan ng solusyon ang dalawang problema na iyan. At puwede naman. Pataasin lamang natin ang ani ng agricultural lands, doblehin, triplehin natin sa pamamagitan ng pagpapababa ng inputs natin na sa ngayon ay napakataas. Nagkaroon ng programa ang gobyerno para magkaroon ng magagandang binhi sa ating mga magsasaka pero hindi naman naipagpatuloy. Iyong fertilizer, nanakaw naman. Iyong ating irrigation ay nagkakaroon ng malalaking corruption. Kaya hindi natutupad ang dapat na mangyari sa agrikultura. Iyong pabahay naman ay malaking problema din. Kawawa naman ang ating mga kababayan na walang bahay kung sila ay hindi na mabibigyan ng pagkakataon na magkabahay din. Kaya sa akin, if we can improve agriculture, then hindi na aalis ang ating magsasaka sa probinsya at hindi na sila magma-migrate dito sa urban areas. Hindi na rin mangangailangan ng ganyan karaming lupa para sa pabahay.

Q: What is your short term solution?

SPMBV: Malaki ang problema natin sa bigas. Mukhang tumataas ang presyo sa labas ng bansa. Tayo ang pinakamalaking importer ng bigas kaya ang short-term solution natin dito ay ang pag-maximize ng ani. Kailangang planuhin natin kung paano mama-maximize ang ani. Halimbawa iyong mga warehousing facilites, mabilis lang naman ang construction niyan, puwede nating damihan iyan nang sa ganoon ay mapababa natin ang leakage na tinatawag, iyong nawawala from the time na mag-harvest hanggang sa time na makarating sa consumer ang bigas. Isa pa, tingnan natin ang operation ng NFA. Napakalaki ng lugi natin sa NFA. Wala namang problema iyan basta walang anomalya sa NFA at kung efficient ang operation niya. Kailangan masiguro kasi natin na itong kakulangan na ito ay hindi aabusuhin ng ating traders. Sapagkat kapag ito ay inabuso ng ating traders, magkakaroon ng hoarding at lalala ang ating shortage, mas tataas ang bilihin at hindi naman pakikinabangan ng mga magsasaka ang pagtaas ng bigas. Kasi at least ang langis, kapag tumaas ang presyo ng langis, nakikinabang ang mga oil companies. Subalit itong pagkakataong ito, tumataas ang presyo ng bigas pero hindi naman lumalaki ang kita ng magsasaka. Ito sana ay mabigyang lunas natin dahil kapag tumaas ang kita ng magsasaka ay mas gaganahan sila na magtanim pa at meron na silang pambili ng mga inputs para tumaas ang kanilang ani. Kailangan ayusin ng gobyerno ang sistemang ito at siguruhin na ang mga kartel sa bigas ay hindi kikita ng malaki rito. Kasi malaki ang kita ngayon dahil sa lumalaki ang kita ng bigas, kumikita ang importer, kumikita ang trader, pero mahalaga na masiguro ng ating gobyerno na ang magsasaka ay makikinabang din dito. In the long term, maso-solve ang problema natin sa supply. In the short term, masiguro natin na nakinabang ang mga magsasaka. At least kung hindi magho-hoard ang mga trader, palagay ko hindi naman lalala ang suliranin ng ating bigas.

Q: Hindi kaya sinasabi lang nila na krisis...

SPMBV: Ang tingin ko kung magkakaroon ng kakulangan, ito ay puwedeng lumala kung ite-take advantage ng mga trader o ng mga kartel. Sapagkat kapag nagkaroon ng hoarding, syempre lalala ang kakulangan. Maaaring ngayon ay balance lamang o konti lamang ang kulang subalit kung nag-hoard lahat, parang banko iyan, bank run.

Q: Puwedeng magdevelop ng mga bagong areas para maging rice granary?

SPMBV: Okay naman iyon, isabay natin. Kaya lamang ang mga magsasaka ngayon ay talagang nangangailangan ng pagkakataon para makabili sila ng magandang binhi, murang fertilizer at pesticide. Masyadong mahal kasi ang inputs. Talagang hindi kumikita na dahil sa mura ang palay. Binibili sa kanila ng NFA murang-mura. Sila ay napipilitang magbenta dahil wala silang pera. Hindi naman nila ma-stock dahil wala silang warehousing facilities. Kaya lugi pa ang karamihan sa ating magsasaka. To me, ang mahalaga muna ay kung paano natin mapaparating sa kanila itong inputs na ito at kung paano sila tutubo nang sa ganoon ay mas maraming magsasaka ang magtatanim.

Q: Hindi ba nakaka-import directly ang NFA?

SPMBV: Puwede. NFA nga lang ang nakaka-import. Ito nga ang problema, dapat siguro tingnan natin itong ideya na NFA lamang ang makaka-import. Okay sana kung sila ay walang anomalya masyado. Subalit hindi natin masiguro na hindi nagkakaroon ng problema dito sa importation ng NFA. Alam natin na parating sumisingaw ito na merong nakikinabang dito na ilang tao everytime magi-import ang NFA. In effect, it is a monopoly sa pag-import. Kaya mas maganda na bigyan natin ang mas maraming tao ng pagkakataon na mag-import.

Q: Kung NFA lang, that's the best way to beat the hoarders...

SPMBV: Ang NFA kasi natin, bumibili kapag mataas, nagbebenta kapag mababa kaya parating lugi. Nagtataka tayo na nagrereklamo ang mga magsasaka kung bakit mura ang bili ng NFA. Pagkatapos naman ay malaki rin ang lugi ng NFA. Itong kalagayan ng NFA ay hindi ko rin maipaliwanag at parang hindi naman nakikinabang ang mga magsasaka dito dahil mura ang bili sa kanila ng NFA. Hindi rin naman kumikita ang NFA at napakalaki pa ng lugi. Kung ini-import naman nila at nalulugi pa sila sa pagbibigay, gusto nating masiguro na diretso ang mga pakinabang sa mamamayan at hindi sa mga trader lamang.

Q: How can government arrest cartels?

SPMBV: Wala pa naman talagang malakihang pagtatangka na bawasan iyan. Kailangan i-improve nila ang warehousing facilities. Kasi kung walang warehousing facilities, ang makakapag-offer lang ng warehousing facilities ay ang mga traders, walang choice ang farmers kundi ibenta nila. Hindi naman sila makakapaghintay ng mas matagal na panahon para maibenta nila ang bigas. Kung merong warehousing facilities sana, makakapag-stock muna sila habang mahina pa ang presyo. Kapag maganda na ang presyo, saka sila magbebenta. Pero sa ngayon, pag-ani nila, wala silang choice kundi magbenta ng mura. Kung maayos ang facilities natin mula sa pag-ani hanggang sa pagbebenta sa consumers, makakatipid tayo ng hanggang 15% o 1.5 tons of rice.

Q: Aabot ba tayo sa pagrarasyon ng bigas?

SPMBV: Huwag sana. Normally ay may nagta-take advantage nang ganito. Sa tingin ko naman ngayon, lahat ay dapat magtulungan dito dahil problema nating lahat ito. Ang gobyerno ay kinakailangan ding magsabi ng totoo para naman magkatulungan sa problemang ito. Mahalaga rin naman na dapat ay huwag tayong mag-overeact dito.

Q: Can we appeal to the rice cartel to moderate their tongpats?

SPMBV: Sa mga involved sa negosyo ng bigas, itong mga panahon pong ito ay umaapela kami sa inyo na mahalaga na huwag nating isipin masyado ang tubo natin sapagkat ito po ay talagang pagkain ng ating mga kababayan. Napakahalaga na hindi masyadong tataas ang presyo ng bigas. Sa akin, mas malaking problema kung magkakaroon tayo ng malaking deficit sa bigas. Huwag naman silang mag-take advantage.

Q: Pero hindi ba they won't thrive kung walang protector sa taas?

SPMBV: Kung desidido ang gobyerno na pigilan iyan, mapipigil naman nila. Wala ring political will para i-address ang problema. Kaya nga sa lahat ng aspeto ng agrikultura, naniniwala ako na hindi sapat ang sinseridad ng ating pamahalaan. Pamula sa failure nila sa pagbibigay ng pondo sa AFMA, pamula sa laki ng corruption sa agrikultura, pamula sa kakulangan ng political will para sugpuin itong rice cartel. Iyong kanilang kakulangan din sa paggawa ng irigasyon, warehousing facilities, sa lahat ng aspeto ng agrikultura, makikita natin na ito ay napapabayaan, isang industriya kung saan mahigit sa kalahati ng ating mga kababayan ay umaasa. Kaya hindi ako magtataka na sa kabila ng sinasabing 7% growth ay dumadami ang mahirap at dumadami ang nagugutom sa ating bansa.

Q: On Cory's failing health

SPMBV: Hangarin naman natin na sana ay gumaling agad ang Pangulong Cory. Siyempre ang buong bansa ay nalulungkot sa pangyayaring iyan. Umaasa tayo na makakaya ng mga duktor na gamutin ang ating minamahal na Pangulong Cory.

Q: May feedback ba kayo kung magdi-decide ang Supreme Court this Thursday?

SPMBV: Wala akong feedback sa SC pero sana naman ay bilisan nila ang desisyon nang sa ganoon ay makapagpatuloy na tayo ng hearing sa ZTE.

Q: Hindi pa daw nagsa-submit ng appointment papers si Justice Melo? Hindi ba kulang na rin ang oras para sa ARMM elections?

SPMBV: Hindi rin naman kami nagmamadali. Baka binabalak na naman nilang i-postpone ang ARMM elections sana ay ituloy na natin ang ARMM elections. Mahirap nang nasasanay tayo na nagpo-postpone ng mga elections. Mas maganda na iyong mga bakante ay fill-upan na lang para tuloy-tuloy ang takbo ng ating gobyerno. Lalong-lalo na iyong mga eleksyon ay magandang normal na iyan para masubok na natin ang mga reporma na gusto nating gawin kung meron man.

Q: Ano ang hiniling ninyo sa UP on Spratlys?

SPMBV: Yes, humingi kami ng expert opinion sa UP Institute of Maritime Studies. Humingi kami ng opinion doon sa nangyayari sa Spratlys. Nagbigay ng technical opinion ang institute ng UP at sinabi nila na iyong proseso, iyong seismic study na ginawa sa Spratlys ay exploration na iyon. Isang phase 1 ng exploration process. Mahalaga ito dahil kapag sinabi mong exploration, na-violate ang ating konstitusyon. Kaya humingi ako ng expert opinion para at least may basis tayo para sabihin na merong violation ng ating konstitusyon. Bagaman pinagpapatuloy pa natin ang study ukol dito, pero kung susundan natin ang opinion ng UP sa bagay na ito, exploration ang pinasok na arrangement ng ating bansa with China. At iyan po ay violation ng ating constitution. Ang pangalawang hinahabol natin ay gusto ko ring maliwanagan kung iyong ibinigay natin sa study ay disputed territory ng Pilipinas o iyong undisputed territory ng ating bansa.

Q: Ang study na iyon gagamitin n'yo ba sa isang possible case in the SC?

SPMBV: Gagamitin naming iyan. It's a scientific opinion na ibinigay sa atin. Sumulat ako, humingi ako ng opinion para magkaroon tayo ng strict definition ng seismic study na ginawa ng China, Philippines, Vietnam doon kung iyon ay exploration. Kasi maliwanag sa konstitusyon natin na kung exploration iyan, bawal iyan.

Q: Magsasampa ba kayo ng case sa SC to declare null and void iyon?

SPMBV: At the right time. Kami ay naga-gather muna ng mga dapat gawin sa issue na ito both in the long term and short term. In the long term, kailangan maayos na natin ang mga baselines at maayos natin ang ating claim sa Spratlys o sa mga islands na iyan. Inuulit ko ulit ang aking proposal na pagtatayo ng isang agency ng Pilipinas na talagang gagawa ng study dito at mag-aayos ng mga pangangailangan natin para mapalakas ang ating claim sa mga islands na ito. Kailangang mapalakas natin ang claim dito at hindi ang nagyayari na kung ano-anong deal ang pinapasok natin na nagpapahina ng ating claim sa mga teritoryo na ito.

Q: Kung violation ng Constitution ito, it is an impeachable offense?

SPMBV: It is an impeachable offense. Kami naman ay naghahanap ng katotohanan lamang. Gusto naming maliwanagan kung ano ang nangyari at ito nga ang opinion na ibinigay sa amin na ito ay Phase 1 ng isang exploration process. So kung phase 1 ito, ito ay exploration. Kung exploration ito, this is a violation of the Constitution.

Q: So will you initiate...

SPMBV: Yes, definitely kung ano naman ang dapat gawin, gagawin natin. Meron tayo ngayong committee na magha-handle niyan. Pero kung kinakailangan ay ididiretso na ng Senado iyan.

Q: Tatanggapin iyan as evidence?

SPMBV: Definitely ang opinion ng UP institute ay gagamitin naming ebidensya. Hindi naman kami mga scientist din. Syempre mahalaga na magbigay ng opinion ang mga scientist sa issue na ito.

Q: You will use it against the president?

SPMBV: We will use it to establish the truth, not against anybody.

Q: If proven, ito ay isang impeachable offense, then...

SPMBV: May proseso naman tayo diyan. We have a process sa impeachment. If anybody commits an impeachable offense, then they should be impeached. Ganoon lang naman ang sistema ng gobyerno natin.

Q: This will go to as high as...

SPMBV: All the way. Ang impeachable lang naman iyong mga constitutionally elected na officials.

Q: UP's answer

SPMBV: Ang sagot ng UP, the marine seismic survey is an integral part of hydrocarbon exploration. So exploration talaga ito. Ito ay mahirap ikaila. Under our constitution, under our laws, ang exploration po ay isang violation ng Constitution. Itong sagot ng UP ay gagamitin natin sa darating na hearings o sa mga aksyon ng Senado sa mga nagyayari dito sa Spratlys.

News Latest News Feed