Press Release
March 31, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar in DZBB
with Mike Enriquez

Q: Ewan ko po kung alam niyo na yung headline ng Philippine Daily Inquirer ngayong umaga ang sinabi daw ni Executive Secretary Ermita na null and void ang mga pagdinig niyo dyan sa Senado dahil base raw po sa desisyon ng Supreme Court tungkol sa petition ni CHED Chairman Neri, kailangan maglathala muna kayo ng tinatawag ninyong rules of procedure o rules of inquiry dahil kasama daw yon sa due process bago kayo makapagsagawa ng mga pagdinig niyo at bago kayo makapagpa-contempt ng tao, Mr Senate President paano ito ngayon?

SPMBV:Ang posiyon ng Senado rito ay maliwanag, na ang Senado ay continuing body at ang Senado ay hindi nagwawakas sa tuwing katapusan ng isang Kongreso dahil labing dalawang senador pa ang natitira at ito ay tumutuloy-tuloy at as far as our concern na-publish na ang aming rules noon at ito ay hindi pa namin binabago so yun pa rin yan. Kaya iba ang posisyon namin dito at isa pa nasa website naman ang aming mga rules. Anyway magpa-file kami ng motion fo reconsideration, subalit matibay ang paniniwala namin dito ang posiyon ng Senado at kami ay continuing body at hindi napuputol. Hindi katulad ng House of Representatives na every three years ay nagbabago na lahat ng miyembro, ang Senado ay iba, labingdalawa ang natitira, labingdalawa ang na-eelect every three years. Ang nature ng Senado ay iba sa House of Representatives ang rules nila ay hindi naman applicable sa amin sa pagpapa-publish ng mga rules na ganyan. Anyway ang isa pang bagay Mike, sinasabi pa ni Secretary Ermita na kung saka-sakali bang ipa-publish namin yan eh papupuntahin ba niya ang lahat ng miyembro ng gabinete niya. Yun sana ang gusto kong marinig at para naman sa pag-aaral namin kung kami ay magpa-publish. Kasi kaya ko naman ayaw i-publish ito, dahilan sa syempre ayaw naman naming humina ang aming legal position, hindi yon ang legal position namin, ayoko maakusahan kami ng pag-amin na mali kami sa pamamagitan ng pag publish nyan. Nevertheless ako ay magre-rely sa payo ng aming eksperto sa batas at sana yung pagsalita ni Secretary Ermita ay nangangahulugan na pag na publish ito ay biglang papupuntahin na niya lahat ang miyembro ng gabinnete niya.

Q: Samantala Mr. Senate President hindi lang po yung imbestigasyon sa ZTE Broadband deal kundi pati pa yung ibang imbestigasyon o pagdinig na kasalukuyang pending dyan sa Senado ano po ang mangyayari sa mga yan ngayon na sinabi ni Secretary Ermita na null and void kaya walang dahilan para siputin yan ng miyembro ng ehekutibo at miyembro ng gabinete?

SPMBV: Opinyon ni Secretary Ermita yon.

Q: Tutuloy pa din po?

SPMBV: Tuloy-tuloy kami at hindi kami maapekto niyan.

Q: At pag hindi sumipot ang mga miyembro ng gabinete?

SPMBV: Wala pa naman nagbago sa aming procedure at hindi pa kami nahahanda magbago ng procedure. Hindi pa tapos itong posisyon sa desisyon ng Supreme Court kaya nga kami mag-aapela hindi pa final ang desisyon na yan. As far as the Senate is concern wala pang nagbabago sa mga rules namin.

News Latest News Feed