Press Release
April 5, 2008

Transcript of interview with Senator Mar Roxas on ABS-CBN's Magandang Morning

On the rice crisis:

MAR: Buksan natin lahat ng mga bodega. I-raid natin ang mga yan. Tingnan natin sino ba 'yung bumibili ng mga sako dahil sa 'yun ang indikasyon kung sino ang merong supply na isasako sa bigas. Iyan ang aking pinoproblema ngayon dito sa ating gobyerno dahilan sa ayaw nilang aminin na merong problema. Hindi natin alam kung saan tayo magsisimula.

Q: Hindi ba itong mga ginagawang mga raid ay palatandaan na may problema tayo?

MAR: Iyon ang palagay ko pero wala naman nahuhuli, 'di ba? At sa aking palagay ko, kung bibilangin natin lahat ng square meters ng lahat ng bodega dito sa ating bansa, at kung punuin pa natin lahat ng mga bodega na ito, hindi aabot sa pang-araw-araw natin na konsumo, hindi ito malaking bahagi, at kung ikukumpara natin ito sa ani ng ating bansa, yung harvest na, ay kahit punuin lahat yan, kulang pa rin talaga ang supply. Kung meron mang hoarding, palagay ko, maliit na bahagi ito. Ang kulang talaga natin ay produksyon. Antimano, ang 2.5 million metric tons ay, aminado, talagang kulang yan, aangkatin yan, number 1. Number 2, kung babasahin natin lahat ng international na mga datos, ang international supply ng bigas ay humihigpit na rin, nagmamahal na rin. Kahit ano pang gawin ng gobyerno, sinsasabi nila bibili tayo sa Thailand, sa Vietnam. Pero itong mga gobyernong ito mismo nagsasabi na hindi sila makapa-commit. Kaya iyong pagbili ng NFA sa international na pamilihan ng bigas ay nasa $750 per metric ton, halos $800 per metric ton. Iyan ay tumaas ng $200 per metric ton in a matter of two months. Ambilis talaga.

Ang sitwasyon natin, palagay ko, talagang seryoso ito. Talagang malubha ang ating problema, malubha ang ating kalagayan dito. Ang pinakamalahalang hakbang ay, una, tanggapin naten na may problema para alam natin kung anong hamon. Alamin natin kung ano ang mga dapat na gawin. Is this a production problem or is this a supply chain-price manipulation-hoarding problem? Sa ngayon sinasabi ng gobyerno wala tayong problema. So, saan naten itututok ang ating atensyon? Samantala, release sila ng release ng pera tapos hindi naman ipapaliwanag kung saan pupunta ito.

Q: Sa tingin nyo ba maaaring mauwi sa krisis itong problema na ito?

MAR: Sa palagay ko nasa krisis na tayo ngayon e. Kung mahirap kang tao at nasa P30 ang bigas, na dati-rati nabibili mo ng P20. Hindi naman gaanong tumaas ang kita mo, minimum wage ka pa rin. O kaya contractual na below minimum wage ay talagang krisis na ito. Lalo na kung ikaw ay isang OFW family na dati P55 ang natatanggap mo sa bawat dolyar, ngayon ay P42 na lang. So talagang ipit ang budget ni misis, ipit ang budget ng ating mga tahanan.

Q: Bakit hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin tayo ng problemang ganito e every year ay bilyon-bilyon ang nire-release na pera?

MAR: Iyan din ang ating katanungan, Julius. Bakit sa nakaraang sampung tao, siguro 10 out of 10 years, ay umangkat tayo ng bigas. Supposed to be may food security program tayo. Bakit itong pera na ito ay mukhang hindi natin malaman kung saan napunta. Bakit taun-taon nag-aangkat tayo? Bakit hanggang sa ngayon kung taun-taon umaangkat tayo, hanggang sa ngayon sinasabi ng gobyerno wala tayong problema. Nabulaga na lang tayo lahat dito kasi unti-unti, 3 years ago DTI tayo P20 to P22 ang kilo. Pagkatapos noon naging P22 to P24, ngayon biglaan na lang. In a matter of 2-3 months, P28-P30 ang bigas. Kaya ko sinasabi kung may krisis tayo, kung may problema tayo, dapat ipaliwanag ng gobyerno ano ang tunay na sitwasyon natin para makahubog tayo ng magandang solusyon. Kung hindi natin aaminin kung ano sitwasyon natin, hindi rin natin alam kung saan ilalagay ang pera. Kung ang pera ba ay dapat ilagay sa irigasyon. Dapat ba ilagay sa fertilizer subsidy? Dapat ba ilagay sa mga warehouse na merong dryer at husker miller? Dapat ba ilagay ito sa paghihigpit diyan sa mga kotong? Palagay ko hindi naman kotong ang problema, sobrang laki ng taas ng presyo.

Q: Mukha bang marami ring smuggling?

MAR: Kung sa smuggling, dapat bababa yan 'di ba kasi dadami supply.

Q: Kasi hino-hoard din daw ng mga rice smuggler. Hindi na nagbabayad ng buwis, kasi nga smuggled, hino-hoard pa para hindi lang doble ang kita, triple pa.

MAR: Palagay ko, sa arithmetic, kung magsa-smuggle ka, hindi mo iho-hoard. Kasi kung hinoard mo 'yan, nagbabayad ka ng interest dun sa kapital mo. Palagay ko kung ini-smuggle nga yan, 'yung savings mo sa VAT at sa taripa. Ang taripa kasi ng bigas ngayon 50%. 'Yung mga smugglers quick money yan e. Kung i-hoard nila 'yan, ilagay nila sa warehouse, tataas ang tyansa na mahuhuli pa sila. Ang problema talaga dito magpakatotoo tayo. Magpakatotoo ang gobyerno. Tatlo tayo dito, siguro 3 o 4 na teorya na napag-usapan natin, hindi pa rin malinaw kung ano. Dapat manggaling sa gobyerno 'yan.

Supposed to be meron halos P50 billion na rice package. So ano 'yan? Para sa pagbili ng bigas? Para sa pagbili ng fertilizer? Para sa pagpatayo ng farm-to-market? Hindi natin alam. Pera natin 'yan. Minumungkahi ko, magpakatotoo ang gobyerno at magtapat siya sa taong-bayan.

Q: Mayroon bang plano ang Senado na mag-imbestiga rito?

MAR: May plano ang Senado. Nag-file na po tayo ng resolution. Pero imbes na intayin pa natin ang Senado, intayin pa natin ang Kongreso na mag-imbestiga, alam naman natin lahat na may problema. Ang lahat naman ng datos ay nasa DA, nasa NFA. Patuloy nilang sinasabi walang problema, magtapat na lang sila sa taong-bayan. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, pumupunta ang ating mga kababayan sa palengke, bumibili sila ngayon ng bigas, na pinaka-staple natin, at P30 ang kilo. E dati ay P20-P22. Una yan. Pangalawa, ang NFA mismo na bumili ng bigas at $750-$780 per ton, ang landed cost nyan ay P30 per kilo. Kung 'yan ay ibebenta sa P20 ang kilo, sino magbabayad ng diperensya? E 'di ba tayo. Pangatlo, ang programa ba ng gobyerno ay bibili tayo mula sa labas? Or bibili tayo mula sa domestic? Ako pabor ako na dito tayo sa domestic bumili para, at least, kung may bibilhin tayo na dagdag, mga magsasaka natin ang makikinabang. Subalit, saan tayo makakabili sa domestic? 'Di ba dapat aantayin pa natin ang ani? E tag-init ngayon e. Dun sa mga hindi irrigated, hindi muna sila makakapagtanim. Dun naman sa irrigated, 3 buwan pa bago sila maka-ani kung ngayon sila magtatanim. Ang importante dito ay ano ang problema. Magtapat tayo sa taong-bayan nang sa ganun masasabi rin natin kung saan natin gagastusin ang pera ng taong-bayan.

Q: So hindi talagang maiiwasan na tumaas ang mga presyo?

MAR: Well hanggang humakbang ng tama ang gobyerno, tataas talaga yan. Huwag naman natin lahatin, baka naman mag-panic buying ang ating mga kababayan. Ang talagang tumaas ay ang BIGAS. Sa aking pag-iikot, ang manok ay nasa P120 pa rin ang kilo.

Q: Ang baboy yata tataas din.

MAR: Ang baboy dito sa Metro Manila nagmahal dahilan sa nagkaroon ng disease dito sa Region III. Nung pinatay ng mga mambababoy 'yung kanilang inaalagaan dahilan sa ayaw nila ma-disease, talagang nabawasan ang supply dito. Doon sa kabisayaan, I was just in Samar last week and in Aklan, and then the week before that nando'n tayo sa Mindanao, doon sa Visayas at Mindanao, 'yong baboy ay P140 pa rin ang kilo. Dito sa Metro Manila talagang nagbawas sila ng kanilang herd, sa kanilang alaga, dahil sa nagka-disease. It will take one cycle, it will take mga 3-6 months, bago bumalik sa pangkaraniwan na supply.

Panghuli lang. 'Yong bangus atsaka 'yong tilapia, nasa regular pa rin. Depende sa size, P70-P80 per kilo. Hindi naman parang lahat ay tataas. Ang talagang tumaas, at ito ang pinakaimportante, ay 'yong bigas. At ang iniintay natin ay ang pagtatapat ng gobyerno kung anong sitwasyon natin para makagastos tayo at makahakbang tayo ng tama.

Q: Tama po ba, Senador, na 'yong bilyon-bilyon na pondo na inilalaan ng gobyerno, mas maganda na maging self-sufficient tayo, ay gastusin na lang sa tama kaysa mag-import ng mag-import ng bigas. 'Di ba iyon po ang ideal scenario?

MAR: Tama po iyon. Antimano, nasa tama na ang gastos nitong pera na ito. Kaya ano ba ang nangyari dito sa bilyon-bilyong nilaan sa agricutulture? Ano ba nangyari sa bilyon-bilyong nilaan para sa NFA nitong nakaraang mga taon? At bakit hanggang sa ngayon kulang pa rin ang ating domestic supply, kulang pa rin ang nakikita ng ating mga kababayan sa total, hindi lamang domestic, total and foreign sources of rice. Bakit nagkukulang, bakit nagtataas ang presyo.

Q: When you say na "Congress appropriated P145 Billion to improve agricultural production" noong 1997, ibig sabihin pera talaga na binigay sa agrikultura?

MAR: Ni-release yan, number 1. Number 2, kung hindi ni-release 'yan, aba gobyerno ang tanuning natin. Sisihin ang pangulo kasi lahat ng desisyon diyan e nasa ehekutibo lamang e. Baka naman lahat ng ito e ginamit sa mga katulad ng nakaraang fertilizer scam.

News Latest News Feed