Press Release
April 17, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero at Kapihan sa Senado

On MR the Senate filed at the SC...

Dalawa ang pedeng gawin ng Korte Suprema, i-deny outright yung MR, pangalwa yung ginawa nila, pa-pakomentahin yung kabilang partido, that means to say yung side ni Neri and the side of the OSG, the Supreme Court did the latter. Na nagbigay ng pag-asa yon sa senado hindi ko pedeng masabing oo dahil procedural yung bagay na yon, na pinakonsweluhan yung senado hindi ko rin pedeng sabihin dahil kasama yon sa procedure ng korte suprema yon, pero para sa akin siguro simple na lamang, we should always expect the worst and hope for the best, we should assume that we will not win it in the supreme court and we should act and plan accordingly, not as individual senators, not as majority but as an institution and a collective group.

After Neri's submission of comment, it would take another ten days for the senate to comment, so it would take almost a month, does this tie down all other senate pending investigations...

Depende, pedeng bigyan ng ten, days, ng five days o pedeng hindi na rin pakomentayuhin yung senado pero maski na hindi pakomentahin peden ng magsubmit ang senado ng ex abundanti cautela if at all at all reply or rejoinder, ibig sabihin maski na walang requirement magsa-submit pa rin kami para dagdagan yung kaalaman ng korte suprema bago sila magbigay ng desisyon sa bagay na ito at mabigay ang panig naming. Does it hinder or hamper ng inquiries of the senate? We would have to decide or meet on that in so far sa the blue ribbon committee specifically for example is concerned, but as I stated in the hearing in the committee on ways and means, published and rules on inquiries in aid of legislation at rules mismo ng committee on ways and means and justice and human rights which I both chair, this is not in conflict with the position of the senate because in so far as these two committees are concerned me binago ako sa rules ng committee which necessitated publication anew, in the case of the senate and the senate blue ribbon committee walang binago sa rules nila at hindi na kinakailangan na mai-publish pa sang-ayon din naman sa mga naunang desisyon ng korte suprema tongkol sa bagay na ito. So I guess it depends on each committee and it depends if at all on the senate as to what it will decide on the issue.

Is it a bad move asking the inhibition of three justices?

I don't think the lawyers of the senate already did that para sa akin ang rule, simple lamang ang itinuro sa akin ng mga teacher noon sa law na kapagka ikaw ay nagpapraktis huwag kang magtatanong ng isang tanong na hindi mo alam ang sagot, kapagka nagpapa-inhibit ka siguraduhin mo na magiinhibit talaga, kung hindi at sumusugal ka lamang better think twice, thrice, a thousand times about it dahil sa dulo ang mga judge at mahistrado ay mga tao pa rin na pedeng masaktan at sumama ang loob at dagdag pa siguro dyan anumang hiling na mag-inhibit ang magdedesisyon dyan ay ang mga mahistrado. Kung hindi pa nila ginagawa yun at hindi nila ginawa yon paano natin aasahan na kung kailan nating hiningi doon pa nila gagawin pa lang.

Let me just clarify sir, it wouldn't hamper senate inquiries but you have to meet on this.

It should not, at least in so far as the two committees I chaired in concerned because of the publication of our rules and as a whole I think the senate as a body should decide on this matter and on this issue. Ayoko naman pangunahan ang senado at lahat ng mga senador kaugnay sa bagay na ito.

On Ombudsman's decision filing graft against Nani Perez...

Hindi aplikable yung kasabihan sa Ombudsman na huli man daw at magaling huli pa rin, ito huli na nga hindi pa magaling. Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang tagal at sa sobrang tagal tila iba pa ang kanialng desisyon sa mga unangt dapat nagingdesisyon ng Ombudsman kaugnay ng kasong parehas, panunuhol at paghihingi ng pera at may katibayan na naibigay ang pera pero bakit sa kaso ni dating Pangulong Estrada plunder ang kaso, bakit sa kaso ng dating kaalyado ni Pangulong Arroyo extortion lamang at simpleng graft ang kaso. Sa kaso ni dating Pangulong Estrada ang pinag-usapan don jueteng money, ni hindi pondo ng gobyerno. Ito kahit sabihin nila na hindi pondo ng gobyerno dahil galling sa pribadong indibidwal, galling daw kay Ginoong Jimenez eh hindi ba dapat ang desiyon pareho din, klaro na may double standard, klarong may pinapaboran at klarong may tinitingnan ang Ombudsman at hindi pantay ang kanilang pagtingin.

Nagpapakitang gilas lamang ang Ombudsman...

Hindi ko masabing nagpapakitang gilas, huli na nga eh, hindi na siguro pagpapakitang gilas yon. Wala na sigurong nagigilasan sa kanila sa tagal ng panahong ginamit nila sa para lamang magdesisyon.

May documentary evidence ang pagtransfer ng pera kaugnay sa isyung ito sa tototo lang foreign documents pa ito, ni hindi Pilipino o Pinoy ang gumawa walang rason para pagdudahan nila dahil walang naman interes ang nga bangkong banyaga na ipitin ang isang politico o kaalyado ng Pangulo para lamang isulong ang interes nila.

Walang akong personal knowledge doon pero kung nagdududa man kayo o tayong lahat kaugnay sa desiyong yan dahil sa relasyong yan hindi ko masisisi ang sinomang mat ganyang ang pag-iisip dahil na rin nga sa ipinakita o ipinalabas na desiyon at dahil na rin sa tagal bago nailabas ang desisyon ng Office of the Ombudsman.

No scared cow daw...

Standard line na siguro yan sa pamahalaan na walang sacred cow na sinasabi nila sa tuwing mag nakakasuhan but if you look at the details totoo nga bang walang pinapaboran o totoo nga bang may tinititigan nang husto kapag ka oposisyon at tinitingnan lamang sa malayo kapagka administrasyon o maka-administrasyon. Nagcelebrate ang PAGC ng kanilang anibersaryo, ipinagmalaki at ipinagmayabang yung dami daw ng kanilang nakasuhan, binilang pa yung pagkaso kay dating Pangulong Estrada, ang mandate ng PAGC imbestigahan ang mga appointee ng presidente hindi naman siguro na-aapoint ni GMA si Pangulong Estrada at wag nilang bilangin yon sa accomplishments nila at sa akin pagkakaalam maraming nadidismaya sa PAGC dahil kapag may nais silang paimbestigahan at pasuspinde natutulog lamang sa lamesa ng executive secretary.

I expect those who filed the case to seek a reconsideration of the findings of the Ombudsman, ang drawback lamang non lalong madi-delay yung pagsampa ng kaso sa Sandiganbayan bagaman mas mabababg offense yon. Ang sa akin lang naman pantay na pagtrato, kung plunder ang ang sosobra sa P50 million bagaman saan man nanggaling yung pera dapat plunder kung sino man ang tatamaan, kung hindi plunder yon dapat hindi rin plunder ditto, pero hindi pedeng plunder kapagka kalaban, hindi plunder kapagka hindi kalaban

On wage increase...

Una nag-utos ang pangulo twi days ago sa wage boards na pag-aralan yung pagtaas ng suweldo, pinapakita lamang nito na tila inutil ang wage boards dahil kailangan pa silang utusan sila ng Pangulo bago sila gumalaw para saan pa bakit sila nandyan. Pangalawa opinion dawn g maraming wage boards na wala sialng ebidensiya na taasan ang suweldo, hindi ko alam kung saang planeta nakatira yung mga naninilbihan sa wage boards para sabihin nila yon at para hindi nila maramdaman na dapat nang itaas ang suweldo. Pangatlo sang-ayon sa ilang wage boards sa iba't-ibang part eng Pilipinas hindi pa nila kailanagng taasan ang suweldo dahil nakapaloob pa ito sa one-year ban kung saan sang-ayon daw sa batas hindi pedeng taasan ng sosobra sa dalawang beses sa loob ng isang taon ang minimum wage, so bakit pa sila inuutusan imposibleng hindi yan alam ng Pangulo o ng opisina ng Pangulo. Pang-apat nap unto kung yan nga ang nakalagay sa batas at tototo ang assertion ng wage boards, ibig sabihin nyan kung seryoso ang Pangulo na taasan talaga ang suweldo sa ngayon para matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan na naghihikahos, iisa lamang ang paraan sa pamamagitan ng legislated wage increase.

Pabor ako sa legislated wage increase upang sa gayon maitalaga ang minimum wage sa buong bansa at dahil na rin ineffective ang wage boards matapos madelegate ng Kongreso ang kapangyarihang yan sa kanila. Panglima yung trabaho ng trabaho ng committee on ways and means kaugnay sa pag-exempt ng minimum wage earners mula sa income tax, kabilang na ang mga government employees na kabilang sa salary grade five na katumbas ng minimum wage tapos na ng Ways and Means Committee pero hindi pa namin maisumite para sa deliberasyon sa plenaryo dahil sangayon sa Saligang Batas kailangang hintayin namin ang House of Representatives. Under the constitution, all revenue measures must emanate from the House at hindi namin pwedeng simulan ito ng hindi nila natatapos sa Kamara de Representantes. Hamon at panawagan ko sa Kamara, sana madaliin nilang pagpasa ng exemptiong ng minimum wage earners at gayindin ang nasa salary grade 5 ng pamahalaan upang sa gayon, hindi man natin mataasan ang sweldo ng manggagawa, pwede nating mapataas yung kanilang take-home pay sa pamamagitan ng pag exempt sa kanila sa income tax at withholding tax. Ang mawawala sa gobyerno kapagka ginawa natin ito, 5 bilyon lamang kada taon. Ayon mismo sa DOF, ang nawawala daw mula sa Customs ayon sa computation nila ay 50 billion a year. Kung araw-araw lang sana mag-oopisina ang Pangulo sa Customs, siguro kayang-kayang habulin yung 50 billion a year at hindi kailangang indahin ng gobyerno ang nawawala kung ieexempt lamang nila ang minimum wage earners.

Considering the prices, di kaya abutin ng siyam-siyam kung legislative wage increase?

Inaabot din naman ng siyam-siyam ang regional wage boards. Anong pinagkaiba kung abutin ng siyam-siyam ang Kongreso. At kung talagang may 1 year ban bago magpataw ng karagdagang wage increase ang wage boards, ang tanging paraan ay sa pamamagitan ng legislated wage increase.

Fair ba sir ang legislated wage increase because with the legislated law ng batas e iba-iba naman ang cost of living per regions e dib a?

Tama yun pero pwede mo namang i-establish yung minimum benchmark para sa buong Pilipinas. Hindi naman kinakailangan na lampas-lampas sa kinakailangan ng iba't ibang rehiyon at probinsya ng Pilipinas ang ilelegislate. Ang pwedeng ilegislate e yung bear minimum para sa kada probinsya at rehiyon at anumang karagdagan doon pwede nang ibigay ng Regional Wage Boards. Word of caution lang siguro, palaging kulang ang minimum wage dahil sa maling assumption ng DOLE, Regional Wage Boards, at ng pamahalaang ito. Ang standard of living sa Metro Manila pumapalo na ng 700 sa isang araw. Ayon sa Wage Boards, ang minimum wage ay 350-360 lamang dahil sa kanilang assumption na kada pamilyang Pilipino, 2 ang nagtatrabaho. So kung pagsasamahin mo ang sweldo ng 2 nagtatrabaho sa isang pamilya, supisyente nay an para tugunan ang pangangailangan? Ang tanong, yun ba ang realidad sa ground? Sa ating paligid? Talaga nga bang kada pamilyang Pilipino, 2 myembro ang natatrabaho? Ano bang mas malapit sa katotohanan, isa lamang ang nagtatrabaho, seasonal at contractual pa at hindi permanente, o 2 permanenteng kumikita ng minimum wage? Ayon din sa datos, 18 % ng mga kumpanya o halos 1/5 hindi sumusunod sa minimum wage. Sana kasabay ng pagpapataas ng minimum wage o kahit kasabay nyan, plaging istriktong ipatupad ng pamahalaan ang pagsunod sa minimum wage law.

Kasama ba yun sa legislation sir?

Nakahanda na rin ang aming komite na isumite ang committee report. Meron na kaming draft committee report hindi lamang sa suspension (kundi) para sa pag-alis na ng produktong petrolyo at sa kuryente. Yung mga gustong tumawad na isuspinde lamang at wag nang alisin, dun na siguro magtawaran sa plenaryo. Pero kung simulan mo ng suspension, wala ng pag-asang maalis pa yan. Bumoto ako laban sa VAT, tutol ako sa VAT at nais kong simulan ang pagdedebate sa pag-aalis ng VAT bago natin simulang pag-usapan ang suspension lamang ng VAT. Bahagi ito sa dapt na maging economic stimulus package ng pamahalaan para matugunan ng mga kababayan natin ang nagtataasang presyo ng bilihin. Dapat madagdagan natin ng pera sa bulsa si Juan Dela Cruz para mabayaran nya yung mga pangunahing bilihin. Hindi naman ganun kalaking kawalan sa pamahalaan dahil dati ng kulang ang sweldo, ang pera n gating mga kababayan at anumang perang idagdag natin sa kanila sa pamamagitan ng pag-alis ng buwis, gagamitin din naman nila para bumili ng anumang pangangailangan nila na dati naman ng may VAT at buwis. So wag sabihin ng gobyernong malaking kakulangan ito sa kanila dahil makakabawi at mabababawi pa rin nila ito kung gamitin ng jga tao yan na bilhin ang kanilang mga kailangan.

Di kaya maglevel-out kung tanggalin ang EVAT rather than give a always not enough wage increase?

Sa aking sariling computation dapat ang economic stimulus package na icocompute mo ay hindi bababa sa humigit kumulang 5-7 % ng kabuuang budget ng pamahalaan para sa isang taon. Ang kinocompute nga namin at hinahabol sana ay mahigit kumulang na 100 bilyon na dapat maipasok at maibalik ng pamahalaan sa ekonomiya, top off yung capital outlay na inilalagak ng bansa at ng gobyerno kada taon. For year 2008, ang capital outlay ng pamahalaan base sa budget, labas pa doon sa inuutang, ay humigit kumulang na P150 billion lamang. Pwede itong madoble sa pamamagitan ng mga economic stimulus packages tulad ng exemption at pagpapataas ng minimum wage para dumagdag at lumaki ang aktibidad sa ating ekonomiya. Isang paraan yun para malampasan ng ating mga kababayan ang nagtataasang presyo ng bilihin. Hindi lamang bigas, gasoline, harina, pandesal, sa ngayon pati asukal na.

News Latest News Feed