Press Release
April 22, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

Senate session hall interview:

On exempting minimum wage earners from paying income tax/withholding tax...

Matagal na naming pinapanukala ito, hindi ko maintindihan kung bakit ngayon lang naramdaman ng mga nasa Malacanang ang sitwasyon, yung matagal nang hinaing ng mga kababayan natin na hindi man mataasan ang suweldo, palakihin natin ang take home pay, kanya nga lang yung napapabalitang version sa House na hindi ko pa nakikita ay kasabay daw ng pagpapataas ng exemption ay ang pag-approve naman ng simplified net income tax scheme. Para sa akin ay tinuturing kong karagdagang buwis na hindi ko maaring pahintulutan at payagan.

Bilyon ang mawawala kung maaprubahan ang exemption...

Kung totoo yung tungkol sa sinasabi nila sa JPEPA kaya ng suklian ng JPEPA yung mawawala sa kanila pagbinigay nila ang exemption na ito, sa anong dahilan at magrereklamo sila at hihingi ng bagong buwis. Maliban na lang kung hindi totoo yung sinasabi nila sa JPEPA yun may problema talaga tayo.

It's high time na aprubahan yung exemption...

Matagal nang kailangan kung hindi rin naman nila aaprubahan ang pagtaas ng suweldo dahil saan kukunin n gating mga kababayan ang pagbayad sa mataas na presyo ng bilihin.

In favor kayo sa P12 na increase...

Imbes na wala mabuti nang meron pero tanggapin natin yung realidad kulang yan at hindi sapat yun. Yung P125 na anim na taon nang pinaglalaban baka nga ngayon ay kulang na eh, kung noon man sobra baka ngayon kulang na. so definitely yung P12 sampung porsiyento na hinihingi ng mga manggagawa klarong kulang at hindi bagay. Tanungin na lang natin kung saan address ng mga tag regional wage board baka naman sa ibang planeta sila nakatira at hindi ditto sa Pilipinas.

Yap appointed as rice czar...

Dapat lang na DA ang manguna sa paggawa at pagbalangkas ng programa tungkol sa kasalukuyang krisis pero wag din tayong umasa sa pgagamit lamang ng pangalang czar automatic mareresolbahan na an gmga problema. Bilang kalihim, kahit na ang tawag pa ay secretary o czar ang importante may kapangyarihan at budget ba siya upang tugunan ang krisis.

News Latest News Feed