Press Release
April 30, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas

On the NBN investigation:

Q: Do you agree with the termination of NBN hearings?

MAR: Napapanahon na magkaroon ng interim report, subalit hindi ibig sabihing tapos na ang proceedings dito sa ZTE. Alam natin na hinadlangan ng ehekutibo ang pag-appear ng napakaraming witness, at hanggang sa ngayon, kami ni Senator Noynoy Aquino, mayroon kaming inihain sa Supreme Court na kailangan pa ring dinggin tungkol dito sa dokumento mula sa NEDA. Yung OSG, Office of the Solicitor General mismo, apat na beses humingi ng postponement, siguro higit sa tatlong buwan na na-postpone ang pagdinig sa isyung ito. Itong mga public records ng NBN hearings, sa palagay namin, ay nararapat makita ng sambayanan, makita ng Senado at malaman natin kung ano ang mga konsiderasyon na pumasok sa desisyon na ipagpatuloy itong ZTE deal na ito. So kahit mayroong interim o pansamantalang report, hindi ibig sabihin na tapos na ito.

Q: So hindi ka pa satisfied sa information so far?

MAR: Iyan yung dahilan kung bakit naghain tayo sa Korte Suprema ng petisyon na i-release ang mga NEDA documents dahilan sa ito ay public records at dito nakalahad ang mga konsiderasyon, ano ang mga dahilan kung bakit inaprubahan ito, bagamat salungat ito doon sa mga policy ng Pangulo mismo na sinabi niya sa ibang mga NEDA hearings. Alam natin na yung EO 464 at MC 108, yung pag-invoke ng executive privilege, lahat ito ay ginamit para hindi ilahad ang buong katotohanan dito sa ZTE. Ganunpaman, marami pa ring hearing ang ginanap dito sa ZTE, gagawa sila ng interim report para ma-establish kung ano ang impormasyon na pumasok dito sa Senado.

Q: Sa tingin mo ba'y walang direct link kay PGMA?

MAR: That is an actual statement, because wala naman talagang tao na nag-testify na kinonnect niya ang Pangulo o inutos ng Pangulo tungkol dito sa ZTE. That is an accurate reflection of the record. But there are clearly other circumstances and other events that would lead one to believe that Malacañang, the executive, the President, clearly influenced or clearly had some say as to the direction of the transaction as well as the approval of the transaction. Iyan ang dahilan kung bakit napakahalaga itong mga NEDA documents. Noong nakaraang NEDA hearing, ang Pangulo mismo nagsabi 'basta BOT iyan. Basta hindi gobyerno iyan. Basta walang utang ang tao diyan. Basta walang government guarantee iyan. Basta hindi iyan katulad ng mga IPP na energy contracts na take-or-pay.' Iyan ang mga kondisyon ng Pangulo na sinabi niya sa NEDA hearings. E fast-forward tayo, nagkaroon ng NEDA hearings, nabulaga na lang na naaprubahan itong ZTE deal na ito, bagamat ang kanyang features as salungat doon sa mga patakarang ito. So ano nangyari? Nangyari ba ito dahil hindi alam ng Pangulo? Nangyari ba ito na nabaligtad ang mga considerations? Ano ang mga dahilan? Ano ang discussion na nabaligtad lahat itong magagandang patakaran--na hindi gobyerno, hindi take-or-pay, hindi government guarantee, hindi utang na mga patakaran - bakit nabaligtad ang lahat ng ito, at naging utang na ng sambayanan itong project na ito na mukhang napaka-overpriced.

On the Affordable Medicines Bill:

Q: Do you see the bill being passed into law?

MAR: I think so. Wala namang dahilan kung bakit hindi matutuloy ito, na-ratify na ito ng Kamara, naka enroll na ito sa Malacañang, yung Malacañang na ang magse-schedule kung ipipirma ito ng Pangulo o hinde. Kung hindi niya ito pirmahan, o kaya hindi niya ito i-veto sa loob ng tatlumpung araw, magiging batas iyan.

Q: May mga nagsasabi na minadali siya para maipasa bago mag-Labor Day.

MAR: Madali? Sampung taon nating pinagtrabaho ito. Noong nakaraang Kongreso, mayroon nang bersyon ang Senado, hindi ipinasa ng Kamara. Ngayon naman ay sa wakas nagkaroon ng bersyon ang Kamara at nagkaroon ng bicam. Apat na buwan tayong nag-bicam. Palagay ko naman hindi ito minadali, at kung minadali man, ano masama n'on, dahilan sa kailangan na kailangan ng ating mga kababayan ang tulong laban sa sobrang mahal na gamot.

Q: Congressman Ronnie Zamora continues to insist on a Price Regulatory Board.

MAR: Bumoto naman siya against, hindi siya sinuportahan ng kanyang Kamara. There were twelve members of the bicameral conference committee on the House side. Nine voted unqualified yes. Two voted qualified yes. Isa lang ang no: siya. We respect his opinion, pero palagay ko, mali. Kahit nasa Pangulo ang kapangyarihan na mag-set ng price ceiling, ang kagandahan nito ay alam natin kung sino ang sisisihin natin, alam natin kung sino tatanungin natin, alam natin kung sino ang may kapangyarihan, kung sino ang may awtoridad at responsibilidad para gampanan ang trabaho na ito.

Hindi natin masasabi ngayon dahil bawat gamot ay iba ang karanasan at iba ang presyo. Ang mahalaga rito ay madaragdagan ang kompetisyon dito sa bansa natin. Pinatibay natin itong BFAD para mas mabilis ang pag-proseso nitong mga bagong gamot na pumapasok dito. Pinalakas natin ang ating generics industry dito sa bansa natin, nang sa gayon ay makapagbigay sila ng dagdag na kompetisyon. Hinayaan natin at ginawa nating malinaw na puwede itong parallel importation, na kung mas abot-kaya ang gamot sa ibang bansa ay puwedeng i-angkat dito. At higit sa lahat, ang Pangulo ay binigyan natin ng kapangyarihan na mag-set ng price ceiling. Lahat itong mga kasangkapang ito ay nakapaloob sa batas na iyan, at sa kombinasyon ng mga ito ay inaasahang bababa ang presyo ng mga gamot.

Ang ginigiit ng iba ay magkaroon ng "board." Ang lumabas dito sa bill ay Pangulo mismo. Walang pagkakaiba diyan, ang kagandahan ng nasa Pangulo ay alam natin kung sino ang sisisihin natin. Alam natin kung sino ang may awtoridad, kung sino may obligasyon at responsibilidad. Hindi siya makakapagturo ng iba. Eh kung sa "board" iyan, magtuturuan lang iyan eh. At alam naman natin, ang karanasan natin sa "board," diyan iniluluklok ang mga talunan na pulitiko, yung mga kamag-anak ng pulitiko, at madalas diyan sa board ay pinaghihinalaan na mayroong suhulan. Kasi hindi mo nga alam kung sino ang may awtoridad. Pero ang lahat ng kapangyarihan na iniisip ni Cong. Zamora ay nandiyan sa batas. Lamang, hindi "board" ang magpapatupad nito pero ang Pangulo at ang Secretary of Health. Ang kagandahan nito, may isang tao na malinaw ang awtoridad at ang responsibilidad. Alam natin kung sino ang sisisihin, alam natin kung sino ang iinterbiyuhin ninyo. Hindi kayo ipapasa-pasa sa ibang mga board members o kung kanino man.

Q: Pwede na bang gumawa ng gamot dito sa Pilipinas kahit may patent pa ito?

MAR: Kung ang patent ay active pa, di pa nag-expire, di pa puwedeng gawin iyon. Pero sa araw ng pag-expire ng patent, maaari nang maglabas ng generic counterpart.

News Latest News Feed