Press Release
May 5, 2008

Transcript of interview with Sen. Pia Cayetano

Ambush interview, Senate Plenary

Q: Reaction sa Hanjin issue sa Misamis Oriental...

SPSC: Ang concern ko dito sa bagong alegasyon na sangkot ang Hanjin, hindi ko alam ang naging isyu between the Mayor of Tagoloan [Paulino Emano] and Hanjin. Wala ako doon, hindi ko alam yan.

Pero ang pinagdududahan ko at ang concern ko ngayon ay bakit parang may trend ang Hanjin? Bakit parang [kung saan naroroon] ang Hanjin, ay naririnig din natin [na] mayroong allegation of violation of environmental laws?

Ang ayokong makita dito is that ito palang isang dayuhang korporasyon na pumupunta sa ating bansa para magnegosyo, tinatanggap naman natin ng bukas-palad, pero lumalabas na lumalabag sa ating environmental laws. Iyon ang hindi dapat natin payagan. At nais ko sanang makita sa ating Presidente na klaro sa kanya, at mahigpit niyang sinisiguro, na ang mga batas natin ay nasusunod.

Walang problema sa akin na imbestigahan kung sino ang mga nagkakamali, including public officials, pero huwag tayong matakot na imbestigahan din ang mga korporasyon na kaduda-duda, dahil dalawang okasyon na ito-sa Subic at Misamis Oriental. So kung ako naman ang Presidente, huwag naman tayong takot na takot na maalisan tayo ng investor. We will be fair, but if they do not want to follow our laws, they should leave our country.

Q: No need for another resolution? Isasalang nyo na lang doon sa [ongoing inquiry on Subic condominiums]...

SPSC: Actually handa naman ako. Kasi noong unang hearing na pinatawag ko ang Hanjin, hindi naman sumipot. [April 25, 2008 on-site hearing held in Subic, Hanjin Philippines president Jeong Sup Shim didn't show up]

Handa naman akong ipatawag sila ulit at alamin na teka muna, labag ba sa kalooban n'yo na sundin ang aming environmental laws? Pwede naming alamin iyon sa isang hearing na maayos eh, nasa loob naman ng hearing namin. Nasa mga kasamahan ko din yan kung gusto pa nila ng iba pa[ng inquiry]. Pero sa akin, keep it simple. Nakasalang na ang hearing namin diyan which involves Hanjin.

News Latest News Feed