Press Release
May 9, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar on DZMM with Anthony Taberna and Gerry Baja

Q: Paano ho ba tinitingnan ng Senate leadership yung mga statement ni Sen. Miriam na pasabugin ang Meralco? Although ang tingin ng iba ay figure speech lang, pero nakakatakot.

Villar: Hindi naman siguro ganoon ang gusto niyang sabihin. Kami naman sa Senado ay malayang magbigay ang bawat isa ng opinyon. Bawat isa ay may kanya-kanyang pananaw. Naghahanap lamang kami ng concensus sa bawat isyu na aming kinakaharap.

Q: Tama po iyon Mr. SP, dahil mukhang siya lang naman ang nagsabing pasabugin ang Meralco. Pero hindi po ito makakaapekto sa partiality o impartiality ng imbestigasyon?

Villar: Patakaran ng Senado na kung may resolusyon, hinahayaan natin iyan na magkaroon ng imbestigasyon. Wala tayong pinipigil. Mas maganda sana kung mas malawak ang gagawing imbestigasyon. Pangkalahatan na tingnan at busisiin gaya ng Napocor para maging pangkalahatan din ang pananaw sa nangyayari sa buong power industry at hindi lang tingnan ang iisang kompanya.

Q: So kasama pos a ipapatawag iyong mga ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa kuryente?

Villar: Hindi ko pa alam kung ano ang plano ng komite. Ang bawat komite kasi ay malayang magpatawag ng gusto nilang imbitahan sa Senado. Ako ay naniniwala na dapat ay hindi partikular na kompanya lamang ang titingnan. Ang buong industriya dapat ang tingnan para maging balanse ang resulta.

Q: Doon po sa mga ipapatawag na taga Napocor, Transco, DOE, kung sakali mang kasama sila sa ipapatawag, kailangan po ba nilang magpaalam pa sa Pangulo para sila ay makadalo sa hearing.

Villar: diyan na naman magsisimula ang away. Dapat sila ay sumipot kung sila ay pinapatawag ng Senado. Dapat sila mag-appear sa mga imbestigasyon dahil kung tama naman ang kanilang ginagawa, walang masama na ipaliwanag nila sa taumbayan ang kanilang panig.

Q: Ang Malakanyang ngayon ang nagpi-preach ngayon ng transparency. Kaya lang, baka may mag-invoke na naman ng EO 464 at executive privilege.

Villar: Iyan ang hindi nakikita ng ating pamahalaan sa ngayon. Kapag nag-iinvoke sila ng mga bagay na iyan, nakakahalata agad at nababasa ng taumbayan na mayroong itinatago.

Q: Nag-confirm na po ba ang mga Meralco officials kung sila ay dadalo?

Villar: Wala pa akong natatanggap na report tungkol diyan. Palagay ko, marami ding senador ang dadalo sa hearing. Sana ay magkaroon ng mas balanseng hearing para nang sa ganoon ay hindi masabi na pinag-iinitan namin ang iisang kompanya.

Q: Kayo po bago naging Senate President at napasok sa pulitika ay isang negosyante.

Villar: Dati po akong nagtitinda ng hipon sa Divisoria na medyo pinalad ng konti.

Q: Sa pananaw po ng isang negosyante, ano ang masasabi ninyo sa sinabi ni Mr. Oscar Lopez na sige, bilhin niyo na iyong sapi naming sa Mewralco, "go ahead, buy us out"?

Villar: Baka napapagod na rin siya at napi-pressure na. Minsan ay talagang nakakapanlambot din kapag ganyan ang sitwasyon. Mahirap kalaban ang gobyerno. Wala kang panalo diyan. May kasabihan nga noon na 'wag kang lalaban sa city hall'. Subalit, kung prinsipyo naman ang ipinaglalaban ng tao, tuloy lang. Palagay ko, nahahapo lang si Mr. Lopez dahil pinag-iinitan ang Meralco ngayon.

Q: Doon po sa hamon ng pamilya Lopez, pumatol agad si GSIS Pres. Winston Garcia. Call, sabi niya

Villar: Ang gobyerno ay hindi dapat nagpapatakbo ng mga korporasyon. Wala pa naman tayong maipapakitang magaling na pagpapatakbo ng korporasyon. Dapat ay hinay-hinay sa mga ganyang government takeover.

Q: Pahabol lang Mr. SP, iyon palang pa-bilyar niyo sa Starmall ay nagkaroon pala ng isyu iyan. Nagkaroon ng isyu na parang ang dating, ang pa-bilyar niyo sa Alabang ay sinabayan ang pa-bilyar din ng isang grupo ng magbibilyar sa Mandaluyong.

Villar: Ito namang pag-promote ng bilyar ay noon pa iyan. Nagkataon lang ito na nagkasabay. Nalulungkot nga ako na nangyari ito. Pero pakiusap din naman ito ng mga players na lumapit sa atin. Ako ay naniniwala na ang bilyar ay isang sports na tayo ay nagna-number 1. Number 1 lang kasi tayo ngayon sa korapsyon. At least dito sa bilyar, no. 1 din tayo at ito ay dapat din nating tulungan. Nais ko ring ibahagi ang aking tulong dito, hindi lamang dahil Villa rang aking apelyido kundi talagang dapat iyong mga sports na pwede tayong pumailanlang ay dapat nating pagyamanin. Noong 1995 pa, may sarili na akong programa sa sports, yung Villar sports sa Las Piñas, tapos yung mini-olympis noong ako ay Speaker of the House, ngayong Senate President ako, mayroon din akong pa-basketball na ang magkakalaban ay mga kongresista vs. mga pari at mga kongresista vs. mga celebrity. Hindi naman ito unang pagkakataon na ako ay nag-host ng game na bilyar. Bagama't ito ay conflict sa timing, nais kong i-assure ang lahat na ito ay bilang pagtulong lamang sa larangan ng sports na sa ngayon ay dumarami ang nahihilig. Madali kasing laruin ang bilyar at dito tayo nagiging no.1.

News Latest News Feed