Press Release
May 12, 2008

SENATOR REVILLA'S STATEMENT ON THE GSIS-MERALCO FEUD

  • Hindi lang dapat igiit ang transparency sa Meralco kundi mismo sa Napocor. Sinasabing nalulugi ang Napocor. Madaling sabihin ito, pero mas magandang kalkalkin nang mabuti ang financial records ng Napocor para malaman natin kung talagang nalulugi ito o may sindikato lang sa likod nito na nagpapalabas na nalulugi.
  • Kung talagang mapapatunayang nalulugi ang Napocor, saka na natin pag-isipan kung kailangan itong isapribado na.
  • Sa ngayon, palaisipan pa rin kung pare-pareho lang talaga ang singil ng Napocor ng kuryente sa Meralco, na siyang nakatokang mag-distribute ng kuryente sa Luzon at sa iba pang distributing companies sa Visayas at Mindanao . Ang sabi ng Meralco, halos doble daw ang singil sa kanila ng Napocor. Ito ang dapat maliwanagan.
  • Yung sistema ng pagbebenta ng kuryente ng Napocor sa Meralco at sa iba pang power distributors, dapat ipaliwanag ng Napocor sa publiko nang maliwanag. Kumbaga, in layman's terms. Para malaman ng mamamayang Pilipino kung sino talaga nagsasabi ng totoo o kung sino ang tunay na nag-ooverprice.
News Latest News Feed