Press Release
May 13, 2008

Transcript of PIMRO interview with Senator Mar Roxas

On the joint probe of the high cost of electricity:

MAR: Nakikita natin na ang power sector ang isa sa pinaka-regulated, ibig sabihin kasama ang pamahalaan sa lahat ng mga desisyon sa pagpataw ng mga charges ng kuryente sa atin. Maganda na lumitaw ang lahat ng mga issues na ito, at hiningan ng mga dokumento at impormasyon lahat ng mga players, mula sa Napocor, Transco, yung Meralco mismo, yung mga electric utilities, at sa ganoon makakasiguro tayo na hindi tayo pinagsasamantalahan. Ang pinakamataas na interes dito ay yung proteksyon sa ating mga kababayan na hindi tayo pinagsasamantalahan nitong mga korporasyon na ito.

Q: Who do you think can be blamed for the high prices?

MAR: Makikita natin lahat iyan sa kanilang mga submissions. Halimbawa, sabi ng Napocor na mas mababa yung kanilang kuryente na sinu-supply sa Meralco. Sabi naman ng Meralco, mas mababa yung kanila, mataas lang dahil sa malaking bahagi ng buwis na kasama doon sa charges mula sa kanilang IPPs kung ikukumpara roon sa Napocor. Makikita natin lahat na ito sa mga dokumentasyon, at hindi na maaaring magturuan pa, magbolahan pa, dahilan sa dokumentasyon ang siyang magpapatunay kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Q: Dapat bang palitan ang franchisee ng Meralco?

MAR: Palagay ko hindi magandang ideya ang paghati ng franchise ng Meralco sa dalawa, apat o ilan pa, dahilan sa yung koordinasyon ay mawawala. Halimbawa, yung isang kalye, lalagyan ng poste at kakabitan ng linya, e kung yung may ari ng franchise ng kapitbahay ay hindi sang-ayon o magkaiba at walang koordinasyon, hindi magco-connect ang mga wires na ito. Diba nakita natin iyan sa mga local government units, lalong-lalo na sa Metro Manila, na yung pipings sa tubig, sa sewage, sa kuryente at sa iba pa, kung hindi nagtutugma-tugma ang mga plano ng bawat siyudad at munisipyo, ay nagkakaroon ng efficiency at kaguluhan. Kaya palagay ko mas mabuti manatiling isang franchise area yung Meralco, at pahusayin natin yung pamamalakad nito, at siguraduhin natin na ang kuryente na binibili ng Meralco magmula kanino man ay nasa sa tamang presyo.

Q: Are you in favor of GSIS taking over Meralco?

MAR: Ang GSIS mismo ang nagsabi na hindi nila layunin ang mag-takeover, ang ninanais lang nila na magkaroon ng mas magandang pamamalakad sa Meralco. Lahat naman ito ay dedesisyunan ng mga shareholders, ng mga may-ari ng Meralco, dahilan sa pribadong korporasyon naman ito, lamang, gusto lang nating makasiguro na sa paggawa ng trabaho ng Meralco, hindi tayo pinagsasamantalahan. Kaya titingnan natin ang bawat cost component ng singil ng Meralco sa atin magmula sa generation, sa transmission. Baka naman ang buwis ang nagpapamahal dito. Baka naman yung manipulasyon doon sa WESM ang nagpapamahal dito. Baka naman yung Napocor, mas mataas talaga ang singil, o baka naman ang Napocor ang may mas mababang singil, depende sa oras ng araw. Kaya aalamin natin lahat na ito para makasiguro tayo na hindi tayo pinagsasamantalahan.

Q: Should the tax on power be removed?

MAR: Matagal na nating minumungkahi na tanggalan ng VAT ang produktong petrolyo, at dito nakikita na ang VAT din pala, kasama doon sa systems loss. Kaya siguro panahon na amyendahan o tingnan muli ang VAT Law para makasiguro tayo na itong VAT ay hindi nagpapadagdag ng bigat sa pasan ng ating mga kababayan. Para sa akin, tanggalin ang VAT mula sa produktong petrolyo, limang piso sa bawat litro ng diesel o gasolina ito, o kaya mahigit na singkwenta pesos sa bawat tangke ng LPG. Agad-agad na relief ito o tulong sa ating mga kababayan, at hindi na kinakailangan na ang pera ay dumaan pa sa gobyerno, dahilan sa alam naman natin na 'pag ang gobyerno ang gumastos, nagkaka-leakage.

News Latest News Feed