Press Release
May 14, 2008

Transcript of interview with Senator Mar Roxas with Senate reporters after hearing on the rice situation

MAR: Maganda ang kinalabasan ng hearing dahilan sa, for the first time, inamin ng Department of Agriculture na may production problem tayo, na kulang talaga ang ating produksyon. Sa ganoong paraan, mafo-focus natin ang mga interventions, mga solusyon, mga pera na nilalaan para sa problemang ito. Mahirap kase na marami tayong pera na nilalaan, na marami tayong hakbang isinasagawa, pero kung hindi malinaw na may problema tayo, saan natin ilalagay ito? Kaya maganda ang kinalabasan dito. Inamin ng DA for the first time na ito ang ating problema, kulang talaga ang produksyon.

In fact, in the next three years, we have to produce an additional 5 million metric tons of palay. Sa ngayon kase, 2 million metric tons ang kulang natin sa bigas. In the next three years, para lang mapakain natin ang ating mga sarili, bukod doon sa 2 million metric tons of rice, we have to produce an additional 3 million metric tons of rice. So ang kulang talaga natin ay 5 million metric tons annually for the next three years para tayo maging self-sufficient.

Kaya ngayon, magkakaroon ng magandang hugis kung saan natin dapat nilaan yung pera na ito. Hindi na lamang na kung saan-saan ipamimigay. Baka pang-pulitika iyan, sa mga maling papupuntahan ang mga pera na ito. Ngayon, malinaw na we have to produce, para magkaroon tayo ng self-sufficiency in the next three years, about 5 million metric tons of rice. Sa ganoong paraan, malalaman kung anong bahagi nito ang malulutas sa pamamagitan ng dagdag na irigasyon. Malalaman kung anong bahagi nito ang malulutas sa pamamagitan ng dagdag na fertilizer.

Kung dagdagan lang natin yung pag-apply ng abono, ng fertilizer sa ating mga kasalukuyang lupain, siguro mga 1 million hanggang 2 million metric tons ang dagdag na mapo-produce dito sa ating bansa. Sa ganoong paraan, magiging mas malinaw ang ating paggastos ng pera, magiging mas malinaw yung prioritization, at malulutas din ang problema ng kakulangan ng produksyon sa ating bigas.

Ang sabi noon kase ng gobyerno, wala tayong problema. Kung wala tayong problema, bakit tayo naglalaan ng pera? At least ngayon, may hugis na. We have to produce 5 million metric tons in the next three years, annually, not cumulative, para maging self-sufficient tayo. From that perspective, para maka-5 million metric tons tayo additionally, saan natin ngayon ilalaan ang pera? Doon tayo sa fertilizer. Kahit wala pang irrigation, kase sa irrigation may construction ka pa, matagal pa iyan. Simply by saying, 'tulungan natin na dumami ang mag-apply ng fertilizer'.

Q: Kailangan pa ba mag-subsidize para sa fertilizer?

MAR: Hindi na kailangan i-subsidize, pautangin lang. Kase, lalaki ang kanilang ani, mababawi nila iyon. Papautangin ang mga magsasaka, kase sa paglaki ng kanilang bilihin, mababayaran nila ang utang. Sa P5,000 na investment o pautang sa fertilizer, P50,000 ang kikitain nila sa dagdag na bawat tonelada ng ani. So mababayaran ang P5,000 na inutang. Ang problema lang kasi ay wala silang P5,000.

News Latest News Feed