Press Release
May 15, 2008

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SEN. CHIZ ESCUDERO

KAPIHAN SA SENADO
3rd part

Ang ingay between GSIS, Meralco and Napocor:

A: Sana may kahinatnan, hindi para sa GSIS, hindi para sa Napocor at hindi para sa Meralco. Mayayaman at malalaki nang dati ang mga kompanyang yan. Sana kung may kakahinatnan man at may makikinabang yung consumers. Tayo na nagbabayad ng mataas na kuryente at hindi yung biglang tataas lamang yung sales of stock, magiging mas maimpluwensya lamang o mahahawakan ang negosyo ng GSIS bigla, sana mag benipisyo tayo hindi yung tatlo na dati nang mayaman at maraming pera.

Judging from the pronouncements in the powercom hearing, mukhang amenable naman ang both Napocor and Meralco to reduce the rates but the blame, the both of them are blaming the taxes impose on it plus the EVAT.

A: uhm.. Yun din ang posisyon ko pero hindi lamang naman siguro ko. Kung ating susuriin yung mga buwis at kung pano tatanggalin yan, siguro ibat-ibang tao ang responsible. Bago maalis ang VAT kailangan amyendahan ng congreso ang batas. Para maalis ang royalty kailangan lamang ang kautusan ng pangulo para maalis ang VAT sa royalty at VAT sa systems loss ang kailangan lamang ay BIR para mag pasa at mag palabas ng revenue regulation or revenue memorandum circular. Para mapababa ang systems loss ang kailngan lamang mag desisyon nyan ay ERC. So, ibat ibang lebel, ibat ibang isyu pero pwedeng pag tulung-tulungan ng mga ahensya ng pamahalaan para mapag aralan ang pag papapababa ng presyo ng kuryente.

Ang EVAT sir hindi ba house? At ang DES?

A: congress yan, congress. Removal of EVAT. Pero yung removal ng EVAT sa systems loss at royalty, BIR lang yun. Dahil maling interpretasyon ng batas yun. You cannot tax a tax and you cannot tax something that is lost or not even used. That is a tax on good services. Hindi naman good, hindi naman service yung kuryenteng nawala't ninakaw. Hindi mo pwedeng patawan ng buwis yun.

Pero sir yung sa receiver ng Meralco nangungulekta rin ng systems loss. Hindi po ba gusto yun?

A: Sang-ayon sa pilferage act ang systems loss na pwedeng ikarga sa cosumers, sa transmission ay 3.5 percent maximum. Ang systems loss na pwedeng ikarga sa urban area ay 9.5 percent maximum. Ang systems loss na pwedeng ikarga sa rural area ay 14 percent maximum. Ayon din sa datus na nakuha n gaming tanggapan, ang systems loss ng meralco ay nasa 9.7 percent. Dahil ang sealing ay 9.5 lamang sila ang bumabalikat nung .2. Problema na nila yun. At dun sa 9.7 percent 2 percent nun ay dahil sa pilferage. Kung may aalisin man tayo sa systems loss, dapat alisin natin yung pilferage na aspeto ng systems loss. Ninakaw yun, obligasyon yun ng sino mang nag de-distribute na bantayan, pigilan at iwasan yung pag nanakaw ng kuryente dahil may batas naman na nagbabawal jan. kaugnay nung systems loss mismo na technical na tinatawag ika nga. Panawagan at hamon ko sa ERC, pag aralan ng husto ito upang mapwersa ang mga distribution utilities na mapababa din ito. Hindi na kailangan amyendahan ng batas para mapababa ito. May kapangyarihan ang ERC gawin yan basta't gustuhin lamang nila.

Yun daw kinakatwiran sa systems loss eh universal practice?

A: may systems loss naman talaga kasi ang kuryente mula sa point A papunta sa point B lalo na't papuntang point Z. may systems loss talagang ma- ituturing pero may mga paraan din naman para mapababa yan. Yan ang dapat pag-aralan asikasuhin. Atupagin at pag-aralan ng ERC para di gaanong malaki ang ipinapasa sa mga consumers. Dapat ding ipababa yan unti-unti over a period of time para mapuwersa ang mga distribution utilities na maging mas efficient at maghanap ngt paraan paramapababa ang systems loss.

On ZTE� may mapipiga pa ba kina Lozada, Madriaga, etc?

A: Meron man o wala dapat obligasyon ng senado na imbitahan pa rin sila dahil baka mabanggit ang kanilang mga pangalan at mabigyan sila ng pagkakataong sumagot. Due process demands nothing less.

Can the ex-speaker be summoned re the Shenzhen trip?

A: Inter-chamber courtesy would dictate na hindi. Pero dapat mabigyan siya ng pagkakataon na magtungo at mawelcome ditto sa senado kung nais niyang magpunta ditto. Pero hindi siya dapat pagsarhan ng pintuan kung kumakatok siya ditto at nais pumasok. Yan ang dapat maging pananaw ng senado kaugnayn sa sinumang miyembro ng kamara de representantes.

On PGMA's resignation�

A: Sinabi ko na nun pa yun nung nagdeliver sya ng bitin na speech sa kamara, bukas pa rin naman yung hamon na yun.

On placing lozada on a hold-departure order�

A: Di ko maintindihan kung bakit ayaw siyang paalisin wala naman siyang krimeng ginawa, ni walang kasong naka-file laban sa kaniya. Kung kakampi ng administrasyon me ginawa nang kaso at krimen wala pa ring hold order, kung kaaway naman wala pa ngang kaso me hold departure order na. Di ko maintindihan kung saan galling ang katwirang yan. At sa totoo lang walang kapangyarihan ang BI o ang DOJ mag-issue ng hold departure order. Ang pwede lang nilang gawin ay mag-issue ng watch list, s tang ibig sabihin ng salitang yan ay watch lang, papanoorin lang nila at aalamin lang nila kung aalis ba o hindi. Hindi nila pwedeng ihold, imomonitor lang nila kung umalis at babalik, hindi nila pwedeng ihold, kaya nga watch list lang atawag eh. Korte lang ang pwedeng mag-issue ng hold departure order.

Is it prudent for the senate to resume the NBN-ZTE hearing pending the decision of the court?

A: Dapat pagpasyahan yan hindi lamang nung 3 komite, kasama ang komite on rules, dahil tandaan natin kasam asa naging isyu sa korte suprema yung pagkuwestyon sa kawalan ng publication ng rules. Baka magkaroon ng legal effect ito sa mga hearing na isasagawa at baka yung ibang mga testigo at mga senador kukuwestiyunin lamang yung pagkakaroon ng hearing pag hindi yan nailinaw sa isang caucus.

I think the senate in any investigation favoring or against any individual or side in the political spectrum must face up to its responsibility of investigating as an institution. Sana nagkakaisa ang lahat ng mga senador kaugnay sa anumanmg Gawain ng senado. Nagkakaiba man kami ng opinion sa larangan ng mga isyu at politika, pero dapat pagdataing sa kapangyarihan at karapatan ng senado bilang institusyon sana nagkakaisa kami.

News Latest News Feed