Press Release
May 16, 2008

Transcript of interview with Sen. President Manny Villar

Q: Yung re-opening ng ZTe hearing, yung bagong testigong lumantad

Villar: Hindi pa naman natin isinasara ang ZTE kaya kung merong additional na witness ma-obliga tayong ipatawag iyon at pagbigyan. Sa ngayon naghihintay tayo sa Supreme Court decision pero kung meron ngang bagong witness na gustong mag-appear at merong gustong sabihin sa ikaliliwanag nitong ZTE issue, walang kadahilanan para hindi siya imbitahin ng Senado. Bagama't ayokong pangunahan ang ating komite dito sa Blue Ribbon, I'm sure alam nila ang kanilang gagawin pero naniniwala ako na dapat bigyan ng pagkakataon ang sinuman na may nalalaman dito sa issue na ito na mag-testify kung gusto niya.

Q: Wala ba kayong guidance sa committee na i-evaluate, mag-submit muna ng affidavit?

Villar: Papag-aralan muna natin yung mga witness. Hindi naman basta-basta kekwestyunin na lamang. Subali't iyung kanina nakita ko sa dyaryo, mukhang alam niya yung sinasabi niya dahil meron siyang litrato ng isang golf game na nandoon ang pangulo kaya parang alam niya ang kanyang sinasabi. Pero ito ay pag-uusapan namin ng chairman ng blue ribbon kung ia-aasess namin ang credibility nitong witness na ito at kung sa aming palagay ay credible, iimbitahin namin siya.

Q: May sinasabi na itong witness na ito hanggang labas lang siya, hindi naman siya nasa loob ng meeting?

Villar: Maaring totoo, maaring hindi subalit papaano natin malalaman kung hindi natin pag-uusapan. Siyempre kailangan maraming impomasyon ang makuha natin dito. Maaring may maibibigay pa siyang ibang mga litrato bukod sa kanyang ibinigay sa dyaryo. Gusto ko pa ring makita iyung iba pa niyang mga pruweba, yung kahalagahan ng kanyang sasabihin. Pero kung talagang makakapagbigay-liwanag siya dito sa issue na ito, walang kadahilanan para hindi siya imbitahin.

Q: Sir, ia-advice niyo si Senator Cayetano to be careful kasi may Leo San Miguel na kayo?

Villar: Oo, kailangan mag-ingat din.

Q: Sir, kung si JDV iyon, may credibility ba?

Villar: Mahirap magbigay ng ispekulasyon kung sino iyan. Pero syempre kung isang mataas ang naging katungkulan, may mga credibility ang mga ganyan.

Q: Kasi si Sen. Ping,. Ini-urge niya si JDV na humarap na..

Villar: Naniniwala ako na kung may nalalaman ang sinuman, kung si JDV o iba pang nanunungkulan, maganda rin naman sa bayan ang sabihin ang katotohanan. Kahit naman ang Malakanyang, sinasabi nila na gusto nilang malaman ang katotohanan. Baka dito united sila.

Q: On exemption bill

Villar: Nagmamadali kami, kaya lang wala kaming choice, we have to wait. Pero inip na inip na kami sa kahihintay kaya pagdating dito, nakahanda na. Pagdating dito, isasalang na.

Q: Mga next week na?

Villar: Kung ready na, ngayon eh. The latest, Monday daw sabi ng chairman. Pero kung puwede na ngayon, okay na. The first day na puwede na, ipapasa namin.

Q: Cause ba ng concern ang statement ng US security officials na kailangan ang Pilipinas makipag-coordinate sa kanila dahil sa pagbi-build ng China ng submarines somewhere malapit sa atin?

Villar: Dapat alam nila iyan. Kung may alam naman sila na nakakaapekto sa South China Sea, sa palagay ko bilang isang kaibigan na bansa, dapat namang makipag-ugnayan sila sa atin.

Q: Kakayanin ninyo ng one day, ipapasa ang tax refief?

Villar: Palagay ko, unless may mago-oppose. Palagay ko wala namang mago-oppose.

News Latest News Feed