Press Release
May 19, 2008

Transcript of interview with Sen. President Manny Villar

Q: Yung pondo daw po for witnesses sa tingin mo sir nag-oover na ba tayo?

Villar: Actually hindi ko pa nakikita iyan, pero alam mo mahirap naman na hindi natin pangalagaan ang ating mga witnesses kaya ito'y ating re-rebyuhin na lamang from time to time. Pero syempre mahalaga yung magwi-witness sa atin ay magkaron ng proteksyon. Mahirap naman na hindi natin sila bibigyan ng proteksyon dito, baka wala na mag-witness sa atin. Gayunpaman, yung panawagan naman ng ibang senador na rebyuhin iyan ay ating gagawin din.

Q: Iyong panukala ni Senator Allan na magkaron ng witness protection program ang legislative branch?

Villar: Sa tingin ko isa sa mahahalagang measures na dapat ma-propose as a result of this ongoing investigation ay iyong pagkakaron ng separate witness protection fund. Sa ngayon kasi ang witness protection fund ay nasa DOJ kaya kung ang witness ay laban sa gobyerno, wala nang magpopondo niyan. Kaya itong nangyayari ngayon ay nagpapakita ng pangangailangan sa ganyang klaseng panukala para naman ang mga gustong maglabas ng anomalya sa gobyerno ay may proteksyon.

Q: Tama po ba ang sinasabi na ang Senado ang ginagastos lang yung OSAA personnel pero yung personal na gastos ni lozada sa mga madre?

Villar: Alam mo yung nagbabantay din naman kay Mr. Lozada ay yung mga madre din at mga pari at hindi naman lahat ay galing sa Senado. In fact, wala naman siya dito sa Senado sa ngayon.

Q: Yung personal na gastos galing don sa pondo nila?

Villar: Hindi namin siya binibigyan ng personal na gastos, sa mga madre o sa personal niya siguro hindi ko alam kung siya ay binibigyan.

Q: Ang sagot lang po ng Senado ay yung mga OSAA security?

Villar: Oo, security lamang ang sa atin doon at iyon naman kasi ay ating tungkulin.

Q: Nangangamba po ba kayo na kapag hindi nagbigay ng security ang Senado wala nang haharap na mga testigo sa mga investigation?

Villar: Posible, kaya lamang iyon naman ang ating ipinangako at iyon ang ating ginagawa. Mahirap naman din iyong hindi natin gagawin iyan. In the long run syempre ito'y isang bagay na dapat tingnan natin na magkaroon ng permanenteng pondo.

Q: Sir, dapat daw manggaling sa bulsa ng mga Senador hindi daw sa Senate?

Villar: Hindi naman din, kasi kapag galing sa bulsa ng mga senador din, hindi naman lahat ng senador ay pabor sa witness. Magkakaron ng problema iyan kung maniningil pa iyong witness sa bawat isang senador. Sa tingin ko kapag binigyan ng proteksyon ng institusyon, dapat sa institusyon manggaling ang pondo.

Q: Sir yung proposal ni Senator Zubiri na ibalik yung death penalty sa tingin niyo that will solve crime?

Villar: Personally sa tingin ko hindi naman kailangan pa. Masyadong maaga para isispin natin iyang mga bagay na iyan at saka mahirap patunayan at sabihin na ang kadahilanan ng pagtaas ng krimen ay iyong pagkawala ng death penalty. Palagay ko yung mga gumagawa nyan hindi madi-discourage sa pagkakaroon ng death penalty. Kaya hindi ako sumasang-ayon na rebyuhin iyang death penalty.

Q: Malayo-layo siya sa mga agenda sir?

Villar: hindi siguro natin rerebyuhin, kapapasa lamang at itoy isang bagay na dapat bigyan natin ng sapat na panahon para makita natin talaga kung ano ang epekto nito kung mabuti o hindi mabuti. Masyadong maaga para sabihin natin one way or the other kung ito'y nakakatulong o nakakasama sa ating lipunan.

Q: Sir, itutuloy po yung investigation sa ZTE kung wala ng ibang testigo na darating?

Villar: Sa akin hangga't walang report ang committee, bukas siya at hindi tinitigil yan. Sa ngayon wala pa naman akong natatanggap na report sa committee kaya as far as I'm concerned ay bukas pa ang imbestigasyon na iyan at sinuman ay pwedeng humarap para mag-witness.

Q: Kay General Esperon appointment as peace adviser?

Villar: Well, ang pangulo ay pumipili ng adviser niya kaya kung gusto niyang adviser ay si General Esperon, karapatan niya yan. Mahirap naman kumuha ng adviser na hindi mo kursunada ang advice. Siyempre iyong kukunin mo, iyong adviser na naniniwala ka sa advice niya.

News Latest News Feed