Press Release
May 26, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas and PIMRO reporters

On the Finance department's bucking of the proposed suspension of VAT on oil:

Q: Secretary Teves says only the rich will benefit.

MAR: Kalokohan ang sinasabi ni Secretary Teves at nagpapatunay na hindi siya nakayapak sa katotohanan. Tama, makikinabang nga ang mga mayayaman, dahilan sa may mga sasakyan sila. Pero mas higit na makikinabang ang mga mahihirap, dahilan sa mas malaking bahagi ng kanilang income ang napupunta sa kanilang transportasyon. Mabuti na suriin uli ang datos ng DoF at mapapakita natin na sa savings na matatanggap ng ating mga kababayan, higit lalo sa diesel at saka sa LPG, malaki ang maitutulong nito sa kanila.

Q: Speaker Nograles is now proposing to subsidize public consumption.

MAR: E diba ganoon din iyon? Kung isa-subsidize rin lang, de wag na lang i-collect, maiwan na lang sa bulsa ng mga nagbabayad nito. Sa ating transport sector, sa mga pumapasok sa opisina, gumagamit ng jeep, ng bus at tricycle. Pangalawa, sa ating mga mangingisda, sa lahat ng mga kumakarga ng gasolina para sa kanilang mga baroto, lahat ito ay savings sa kanila. Sa lahat ng mga gumagamit ng produktong petrolyo, malaking savings ito. P5 per liter ng diesel, at higit sa P60 per LPG tank ang savings nito.

Para sa DoF, huwag naman nilang ipagdamot ito. Unang-una, hindi nila pera ito. Pangalawa, babalik din sa kanila ito, kase itong savings na ito, hindi naman maiiwan sa bulsa ni Juan de la Cruz ito, gagastusin din muli ito. At sa paggastos nila nito, makokolekta muli ng DoF itong pera. Huwag nilang ikarga sa produktong petrolyo yung kanilang pagkukulang sa pagkolekta ng buwis. Sinasabi kase nila, mas madaling kolektahin. E hindi naman sila nilagay diyan para gawin ang madali. Yung kapakanan ng mga mamamayan ang dapat manguna rito. Gawin nila ang trabaho nila. Ang Customs, they did not reach their target. Ang BIR, they did not reach their target. So inaasahan nila na ipapasa na lang kay Juan de la Cruz kase hindi nila nagagawa yung trabaho nila.

Q: The government is reportedly reaping a windfall due to high oil prices.

MAR: Alalahanin natin na noong ipinataw itong EVAT, oil was at $30 a barrel. So at 12%, ang kinokolekta ng gobyerno was $3.60. Now at $130 a barrel, 12% of that is $15.60 per barrel. Isipin natin, the country imports about 120 million barrels equivalent of oil a year, for all uses - sa transport, power, manufacturing, lahat. The difference is $12, so multiplied by 120 million barrels, is $1.44 billion. This is $1.44 billion more VAT than if the price of oil was still at $30 per barrel.

Ia-argue ng DoF na the exchange rate before was P50 to a dollar. Ngayon, P40 to a dollar. Ang dating $3.60, times 50, is P180. Ngayon, $15.60 times 40 is P624. Six hundred pesos. So kahit lumakas ang piso, sa sobrang pagtaas ng langis, talagang malaki ang base. 12% of P600 is P72. 12% of P180 is P22. Bakit hindi ibalik sa mga nagbabayad nito, tutal pera nila ito. Pangalawa, alam naman natin na kapag gobyerno ang gumastos ng pera, may leakage iyan. Ang higit na makikinabang dito ay ang mga mahihirap. Huwag nang kolektahin ng gobyerno, kolektahin nila yung income tax doon sa mayayaman.

News Latest News Feed