Press Release
June 10, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar in Cavite

Q: Sir, dinayo niyo pa ang Cavite for this...

VILLAR: Close sa akin ng Laurel family, kasama ko sila sa Nacionalista Party. Talagang napakahalaga rin pagka mga ganitong okasyon...itong mga eskwelahan at universities ay napakahalagang bigyan ng suporta. Kaya pag mga ganitong events, ayokong mawawala.

Q: Meron na bang lineup ang Nacionalista?

VILLAR: Maraming nag-a-apply sa amin, in fact, baka sumobra sa labing-dalawa. Pipiliin na lamang namin kung sino ang aming mga magiging kandidato sa pagka-senador. Bagamat siyempre masyadong maaga pa para i-finalize ang listahan. Subalit ngayon siyempre pag may nagtatanong ay nakikipag-usap naman kami. Pero wala kaming nakikitang problema sa pagbuo ng senatorial slate sa tamang panahon.

Q: Sir meron na bang list?

VILLAR: Wag na muna kasi baka magtampo ang mga hindi mababanggit. Pero nakikita kong marami naman tayong makakasama at pawang malalakas din.

Q: Sir meron ba tayong planong koalisyon?

VILLAR: Oo naman. Wala naman masamang makipag-koalisyon. Kaya ang Nacionalista Party ay nahahandang makipag-koalisyon sa mga partidong kasama sa prinsipyo at pagmamahal sa bayan at siyempre marami kasing magkakaibigan din, yung mga logical na partnerships, isang bagay na pangkaraniwan naman sa larangan ng politika.

Q: This month ba o this week maglalabas tayo ng list?

VILLAR: Wala. Certainly not this year. Masyadong maaga pa kung this year ay magkakaroon na ng mga formal alignments o alliances. Magsisimula yan sa pagpasok ng 2009.

Q: Kahit list lang ng Nacionalista wala tayong ilalabas for now?

VILLAR: Wag muna kasi pag may di ka nabanggit baka magtampo.

Q: As to LP, hindi raw sila handing makipagkoalisyon because they have VP in Sen. Noynoy, and for President, Sen. Roxas. Your reaction?

VILLAR: Meron na rin kaming kandidato para Presidente, ewan ko kung sino yun (laughs). Kami ay nahahanda. Dun lamang kami sa presidency hindi makikipag-compromise o makikipag- alliance. Pero sa pagbaba nun, pwede rin. Karamihan ng kandidato naming senador, at preferably ang aming VP, dapat manggaling sa partido.

Q: Sir, LP says no to coalition daw. Anong reaksyon niyo?

VILLAR: Ok naman yun. Kung ano ang kanilang paniniwala. Malakas din naman ang Liberal Party at kung ayaw nilang makipag-coalesce, pwede rin namang walang nakikipag-coalesce.

News Latest News Feed