Press Release
June 11, 2008

Transcript of interview with Sen. President Manny Villar with Senate Reporters

Q: ung mga reklamo?

VILLAR: Well, ginagawa ko naman ang trabaho ko at palagay ko ay nakita naman ninyo na marami na-confirm. Ito ang trabaho ko bilang Chairman at palagay ko ay na-confirm ko ang dapat konpirmahin.. di naman Pontio Pilato ang tawag dyan. Ang Pontio Pilato ay yung walang ginagawa.

Q: Deeds of hell?

VILLAR: Dito naman sa Senado entitled lahat sa kanilang komento, talagang ganyan dito. Anybody can say anything he or she wants to say.

Q: Hindi po ba bordering to being unruly?

VILLAR: Hindi naman. Dito naman sa Senado we're very tolerant. Lahat dito pwedeng sabihin ang kanyang nasasaloob at lahat dito ay entitled sa kaniyang opinion. Meron tayong proseso. Itong membership ng Commission on Appointments, ito ay pinilli ng mga miyembro at bilang pangulo, ako'y sumusunod lamang subalit ginagawa ko ang aking tungkulin at ngayong araw na ito ay ginawa ko ang aking tungkulin kaya maganda ang performance ng CA ngayon.

Q: May bearing kaya sir yung gagawin nyo na yan sa SC sa just concluded confirmation?

VILLAR: Wala akong nakikitang bearing. Pero entitled naman ang sinuman na dumulog sa korte. Mas maganda nga tumatakbo ang ating sistema subalit hindi ko nakikitang problema yan.

Q: So, Sir, handang sagutin ng CA leadership yung petition nyo sa SC?

VILLAR: Oo naman. Sa palagay ko naman nasa tama naman kami. In the same manner, sa tingin nya nasa tama siya. At iginagalang ko ang kaniyang karapatan na sabihin ang gusto niyang sabihin. Very firm ang members ng commission na tama naman ang aming kalagayan.

Q: Pero sa tingin nyo hindi na kailangang i-review ang komposisyon ng CA?

VILLAR: Ang komposisiyon ng CA ay desisyon ng body yan. Desisyon ng House of Representatives, desisyon ng Senate of the Philippines at yung kanilang mga representatives ay nagkikita-kita para mabuo ang komisyon at ganito ang nangyari dito.

Q: Binatikos ang inaction ng CA leadership...?

VILLAR: Talaga namang ganyan pero sa akin naman marami ngang na-confirm. Nangangahulugan na maraming trabaho ang CA at ginawa namin ang trabaho namin. Palagay ko maliwanag naman na di paghuhugas ng kamay yun. Ang paghuhugas ng kamay ay kung kami ay nag-adjourn na wala kaming ginawa.

Q: Sa session nyo mamaya. Anong mga hahabulin nating measures?

VILLAR: Maraming naka-pending kasi at depende pa sa mangyayari. By now, nakapagpasa na kami ng tatlo pang panukala at naghihintay na lamang ng 3rd reading approval at natapos na ang interpellation sa EPIRA pero maraming nakasalang ngayon. Isa dyan, pornography, sa kalusugan, at sa cooperative. Pipilitin pa rin namin na makapagpasa ng marami.

Q: May info na nagpapatawag ng special session ang Malacañang?

VILLAR: I don't know kung sila ay tatawag pero sa akin kung tatawag man ang Malacañang, wala naman kami magagawa.

Q: Matata-tackle ba ang EPIRA?

VILLAR: Kung ano yung nakasalang sa amin. Sa ngayon naman ay maraming nakasalang sa amin na mga panukala at yun lahat na yun ay kailangan namin talakayin.

Q: Yung CARP may pag-asa pa ba?

VILLAR: Nasa komite pa lang kasi ang CARP. Kami ay maghihintay pa kung anong desisyon ng committee members. Sa ngayon wala pang desisyon ang committee members at hindi pa nila napapasa yang panukala na yan.. And I think marami pa sila hinihingi na impormasiyon sa DAR.

Q: So malabo, Sir, yung CARP sa Senate?

VILLAR: Ngayon, hindi ko masasabi yan. Ayoko naman pangunahan ang Committee sa bagay na yan kaya sa akin, kung irerekomenda ng komite, tatalakayin namin sa floor yan.

Q: Magdamagan ba kayo mamaya?

VILLAR: Depende. Pag mga ganitong sitwasyon kasi, titingnan muna namin kung may mga maipapasa pa, nakahanda kami na magkaroon ng sesyon na magdamagan. Subalit kung wala namang maipapasa na ay mapipilitan kaming mag-adjourn na agad. Siguro hindi maaga ngayon, siguro ang pinaka-maaga ngayon ay mga 8 to 9 pero nakahanda kami na magtrabaho hanggang umaga.

Q: Satisfied na kayo sa mga naging accomplishment so far?

VILLAR: Alam mo, napakaganda naman ng accomplishment ng Senado ngayon. Mahigit 30 na national bills na ang napasa sa first regular session at yun ay isang record number. Marami tayong naipasang panukala para sa mahihirap at pagtitingnan natin ang mga panukalang naipasa ng Senado ay karamihan nun ay para sa mga kababayan natin na mahihirap.

News Latest News Feed