Press Release
June 12, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: Sir, isa sa mga mga mensahe ngayon ay yung kaunlaran pero tila yata hindi pa rin nakamit ng Pilipinas yun ngayon. Isa pa yun sa malaking challenge ngayon sa pamahalaan.

Villar: Ito talaga ang hamon sa ating lahat, sa mga nanunungkulan. Isipin natin na maraming umaasa sa atin na pagbutihin natin ang ating mga trabaho. At hanggang ngayon, pagkaraan ng isang daan at sampung taon, di pa talaga tayo nakakalaya. Nagkaroon lang tayo ng kalayaang pulitikal pero hindi pa kalayaan sa kahirapan.

Q: Kailangan ba ang sipag at tiyaga?

Villar: Sa palagay ko ay iyan ang pinaka-unang sangkap para magtagumpay tayo. Pero syempre hindi naman kumpleto yan. Iyan muna ang dapat unang gawin pero syempre pwedeng dagdagan iyan para tayo'y umunlad. Ang sipag at tiyaga ay kailangang gawin natin pero hindi naman iyan lang ang kailangan.

Q: Sir, kanina nagpahayag ng pagkadismaya si Cong. Zamora dun nga po sa pagpapalipat-lipat ng holiday from June 12 to June 9

Villar: Siguro hindi dapat lahat ng holidays ay gagawin nating weekend kasi itong pagdiriwang ng ating kalayaan ay isang bagay na hindi kailang i-postpone. Basta ito, June12. Hindi ito puwedeng ilipat sa June 9 o June 15. Basta dapat ito ay June 12.Siguro iyun na lamang lesser holidays ang pwedeng ilipat para magkaroon ng long weekend.

Q. Sir, sabi po ng iba ito ay desecration. Sabi po ni former President Estrada ay pagyurak daw po ito sa pagkilala sa ating mga bayani.

Villar: Isa na yan sa masasabi natin. Syempre iba yung pagdiwang mo ng araw na yun. Kamukha ng Kapaskuhan, di naman natin pwedeng ilagay ang Kapaskuhan sa long weekend kaya ang Kapaskuhan ay a-25 at ang New Year ay a-uno. Dapat din ang independence day ay a-12.

Q. Desecration ba yun?

Villar: Masasabi din natin na parang iniiba natin ang history kasi pag cinelebrate mo yan ng June 9, hindi naman ganun yan. Parang sinelebrate mo ang Pasko nyan ng December 22.

Q. Sir, magpa-file po si Senator Jamby sa Supreme Court ng petition.

Villar: Yun naman talaga ang tama. Dahil talagang ang komposisyon ng Commission of Appointments ay isang desisyon na ginawa ng Senado at kabuuan ng mababang kapulungan. Ang makaka-interpret lang ng tama ng ating batas ay ang Supreme Court kaya mabuting sila na lamang ang mag-interpret. Kami, kung anong desisyon ng mababang kapulungan at mataas na kapulungan, yun ang aming iimplementa, iyon ang aming susundin.

Q. Sir, magpa-file daw po ng resolution si Sen. Cayetano para imbestigahan yung mga libro na may mga maling grammar.

Villar: Dapat naman siguro dahil mahirap naman na hindi natin iyan imbestigahan. Ang mga ganyang bagay ay tinuturo natin sa ating mga kabataan. Napakahirap naman na mali ang mga tinuturo natin sa ating mga kabataan. Nararapat lamang na imbestigahan yan at bigyan ng prayoridad bagamat syempre yan ay desisyon ng Chairman ng komite na mag-iimbestiga. In this case, si Senator Alan Cayetano.

Q. Sir, balikan ko lang po si Senator Jamby. Naghuhugas kamay daw kayo sa isyu ng pag-confirm ng mga cabinet members?

Villar: Hindi ako naghuhugas kamay dun. Ina-assume ko na tama iyon kaya walang paghuhugas kamay dun.

Q. Iginagalang nyo po ba?

Villar: Iginagalang ko ang karapatan ng bawat isang senador na magsabi ng kanilang iniisip. Alam mo ganyan kami talaga sa Senado, pwede talagang mag-sabi ng iniisip. Pero hindi naman kami sasang-ayon na lang sa iniisip ng bawat isa.

Q. Sabi po ni Cong. Zamora kanina, isa po kayo sa mga napipili ng oposisyon para maging kinatawan?

Villar: Isang malaking karangalan naman sa akin iyan kung mangyayari iyan sa darating na panahon. Bagaman syempre matagal pa naman ang bagay na iyan at syempre di pa masyadong pinag-uusapan.

News Latest News Feed