Press Release
July 3, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview on DWIZ's 'Karambola'

On the aftermath of Typhoon "Frank" in Panay Island:

MAR: Grabe yung tama sa amin doon sa Western Visayas, at hanggang ngayon may mga bahagi pa na walang kuryente, walang tubig, walang cell site - ibig sabihin walang komunikasyon, kaya mahirap mag-assess sa lawak ng damage. Kahit kami sa Capiz, tinamaan rin kami, pero noong nakita ko yung nangyari sa Aklan ay nagpadala kami mula sa Capiz provincial government ng apat na genset para lamang matulungan yung water system, kasi pumasok yung dumi sa kanilang mga pipes, kaya kailangan i-flush out ito. Ginamit rin yung genset para sa kanilang mga ospital.Yung tubig, ginagawa namin ang lahat para umandar muli yung mga water system. Unti-unting bumabangon, pero hanggang sa ngayon, matindi ang pangangailangan.

May phase naman iyon. Una, yung emergency phase, siguro patapos na kami rito, pumapasok na ngayon sa repair at rehabilitation. Mahigit sa 80,000 families sa Aklan na nawalan ng bahay, talagang na-wash out, dahil ito yung mga nasa coastal area. Nangyari yung bagyo sa Sabado-Linggo, nandoon ako sa Iloilo at Capiz noong Lunes last week, at dumating ako sa Aklan noong Martes. Talagang maiiyak ka. Yung putik, isang dangkal ang kapal sa buong Kalibo. Yung mga bayan na nakapaligid sa Kalibo, ganoon din. Walang kuryente. Yung mga ospital nila, kandila lang. Pati yung mga vaccine sa Aklan, dinala muna roon sa Capiz para hindi mabulok yung gamot. Talagang kawang-kawawa. Unti-unti bumabangon din. Nagpapasalamat ako sa mga tumulong sa Western Visayas.

Q: Sa tingin niyo ba'y sapat ang tulong na binibigay ng pamahalaan?

MAR: Kung sapat man o kulang man, nararamdaman din yung tulong. Ang lebel ng tulong, dapat i-measure iyan doon sa bawat phase. Yung sa emergency phase, kasama ko si DSWD Sec. Espy Cabral at si DoH Sec. Duque noong Lunes. Pati si Kabayan kasama. So agad-agad naman rumesponde.

On Sulpicio Lines' M/V Princess of the Stars sinking:

Q: Ano dapat ang kinabukasan ng Sulpicio?

MAR: Sulpicio carries about 40% of our domestic cargo, kaya importante iyan.. Pero may pananagutan din sila dito sa trahedyang ito. Noong gabing iyon, nakita sa radar na lahat ng iba pang mga barko, sumilong doon sa Batangas port. Iisa lang yung barko na lumabas, yung sa Sulpicio. Ang tanong, bakit lahat ng kapitan ng mga ibang barko, naniwala na delikado ang kalagayan at hindi na nagpatuloy, pero itong Sulpicio, tuloy-tuloy? Malaki man ang barko na iyan, hindi ba niya nadinig yung Titanic? E diba iyan yung 'largest boat in the world'? Lahat naman ng barko, kung against Mother Nature, wala kang magagawa.

Q: Kailangan ba ng pag-aaral sa mga maritime policies?

MAR: Dahilan sa lahat ito, dapat yung MARINA, yung Sulpicio, yung Coast Guard, lahat iyan ay dapat maghanda sa mga tanong namin sa Senado. Maraming magtuturuan doon, pero ang problema, mayroon namang may desisyon diyan, at sa aking alam, yung master ng barko, yung kapitan mismo, ang may final decision. Bagamat, pinayagan silang umalis ng Coast Guard, siguro may pananagutan din yung Coast Guard, kasi sobrang maluwag ang kanilang mga reglamento.

Sa ating air transport for passenger and cargo, napakaganda ang ating safety record. Sa aviation, maganda. Bakit dito sa maritime, napakapangit? Ilang trahedya ba ang papabayaan nating mangyari bago tayong matuto? Libo-libo ang namamatay dito. And to think, we are an archipelagic nation. So talagang dapat mahigpit ang mga maritime laws. Ikinalulungkot ko na hindi natuto ang mga ahensiya kagaya ng MARINA, Coast Guard at kung sino man, at pati yung mga may ari ng barko. Pang-apat na ito ng Sulpicio.

I'm sure na magkakaroon ng mga hearing dito, at hihintayin din natin ang findings ng Board of Maritime Inquiry, at lahat ng teknikal ay malalaman nila. Ang point dito ay: kung magkamali man, dapat magkamali tayo in favor of safety. Kung na-late yung barko ng isang araw? Safe. Kaysa masyadong agresibo, masyadong 'go-go,' ito ang nangyayari.

Pwedeng pag-aralan lahat, para yung pinakamodernong radar, yung pinakamodernong mga barko ang naglalayag dito sa amin. Itong Princess of the Stars ay 25-year-old vessel. Ang disenyo nito, flat-bottomed. Kung makikita niyo sa mga pahayagan, baliktad ito, nakataob ito. Yung bottom nito, hindi ito yung Deep-V, pang coastal waters lang ito. Ro-ro ang disenyo nito, hindi ito yung pang matinding panahon. Unstable itong Sulpicio, top-heavy, hindi pa Deep-V yung kanyang hull, at flat bottomed. Bakit pinayagan ito? Ang regulasyon ay dapat angkop doon sa uri ng barko.

Ang importante rito ay matutunan natin ang leksyon nito para hindi na maulit. Noong M/V Solar I sa Guimaras, at least natuto tayo na lahat ng mga kumakarga ng langis, double hull, at nagkaroon ng reglamento na yung insurance, hindi lang sa kargamento ng pasahero, pero yung sa P&I, protective and indemnity insurance. Sa M/V Solar I, mabilis ang pag-recover. Lahat ng mga modernong derrick at barge at mga barko na kinakailangan para maitama muli ang M/V Solar I ay agad-agad dumating dito, kasi may insurance na babayad. Dito sa Sulpicio, walang P&I insurance ito e. Dapat lahat ito ay tanungin sa maritime inquiry. Tayo na mismo ang nagbibigay ng sakit-ulo sa sarili natin. Alam natin na maritime nation tayo, so dapat itong mga barko ay safe.

News Latest News Feed