Press Release
July 28, 2008

Transcript of interview Senate President Manny Villar

Q: Ano po ang mga naka-line up for this session?

Villar: Lahat nung mga hindi namin natapos noon at lahat ng mga ipo-propose naming bago. Marami kasing mga senador ang kumausap sa akin. Meron silang mga bagong proposals para sa nangyayaring krisis sa ngayon at sa kahirapan natin. Iyon ang magiging prayoridad ng Senado ngayon, iyong kahirapan ng ating bansa. Dito ay nakahanda kaming magbigay ng sarili naming programa para malusutan natin itong problema ng kahirapan ng ating bansa.

Q: Ano po ang programang ito?

Villar: Kanya-kanya iyan kasi ayaw ko namang sabihin na sa aking lang galing. Kailangan mapakinggan natin ang opinion ng iba. Subalit ang agrikultura ay isa rito. Iyong review ng salary standardization law ay isa sa personal kong itutulak. Iyong mga iba naman ay sa larangan ng taxation. Kinakailangang rebyuhin nating lahat iyan. Meron akong sariling programa na ihaharap sa darating na mga araw, subalit gusto ko munang marinig ang sasabihin ng ating mga kasamahang senador.

Q: Are we confident na marami tayong maa-achieve ngayon?

Villar: Confident naman ako. Iyong unang taon natin ay napaka-fruitful at napakarami nating naipasa. Pangalawang taon ngayon. Inaasahan ko na higit na marami pa ang ating ipapasa na mga panukala.

Q: Iyung tax in particular...

Villar: Ang buwis kasi dapat magsisimula sa Mababang Kapulungan. Maghihintay tayo kung ano ang papasa sa Mababang Kapulungan bago natin talakayin. Subalit hindi ko naman pipigilan ang sinumang committee na gusto nang gumawa ng pagdinig o magtanong-tanong tungkol sa mga bagay-bagay sa mga buwis natin.

Q: Kung may isang panukala na gusto ninyong unahin, ano ito?

Villar: Gusto kong rebyuhin ang salary standardization. Bagamat inaamin ko naman na maaaring hindi iyon mapasa agad kaya sa akin, gusto kong ituloy muna ang mga panukala na nakasalang ngayon.

Q: On EVAT abolition

Villar: Iyung EVAT abolition o pagbabalik sa dati, iyan ay siguradong tatalakayin ng Committee on Ways and Means. Bagamat hindi kami puwedeng magtalakay diyan o magpasa ng anumang panukala dahilan sa iyan ay kinakailangang manggaling sa Mababang Kapulungan.

Q: Ilan po ang aim natin?

Villar: Hindi mo puwedeng sabihin kung ilan ang maipapasa natin na bills of national significance. Subalit iyong napasa natin noong una, mga 36 iyon, sa palagay ko higit na mas marami sa ngayon. Pero kami naman ay tumitingin sa nakaraang performances sa Senado. Ang gusto namin ay higit na maging mas mataas ang production doon para maipakita naman natin na tumutulong ang Senado sa paglutas ng suliranin ng ating bansa.

Q: Si Presidente daw ay hihingi sa kongreso ng pondo para sa rehabilitasyon ng disaster-stricken areas...

Villar: Actually nag-file na ako ng panukala ukol sa rehabilitasyon ng mga naapektuhan ng bagyong Frank lalung-lalo na sa isla ng Panay at mga karatig na lalawigan. In fact, doon sa katanungan kung ano ang una kong gustong ipasa, siguro iyong bill na iyon na magbibigay ng rehabilitation fund sa mga tinamaan ng bagyong Frank. Pagkatapos, iyong pondo ng OFW na ating itinutulak.

Q: Magkano sa tingin ninyo ito?

Villar: Ang lumalabas mga P10 billion, bagamat nakahanda naman akong bawasan ito kung kinakailangan, kung hanggang magkano lang ang ating makakaya. Subalit hindi siguro bababa sa P5 bilyon ang dapat na italaga natin para sa rehabilitasyon ng mga naapektuhan ng bagyong Frank.

Q: On Senate renovation

Villar: Umuupa lang tayo. Ang landlord natin ang magbabayad. Ayoko lang sabihin kasi baka magdamdam ang House of Representatives. Pero dito, wala gaanong gastos.

Q: Walang P90 million?

Villar: Wala. Baka wala pa ngang lima. Maliit lang. Hindi tayo magbabayad. Iaawas sa rental. Nanghiram tayo ng paintings sa National Museum, nanghiram tayo ng flower pots.

News Latest News Feed