Press Release
July 30, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero at the session hall

Bakit daw napakabait nyo sa hearing on smuggling...

To begin with I'm not an unkind person, kung hihilingin nyo mambastos ako hindi ako ipinanganak na bastos, kaya naming ipaglaban kung ano ang tama at labanan kung ano ang mali nang hindi kailangang yurakan ang karapatan ninoman. Pinaninindgan ko ang paniniwala kolabag sa batas, labag sa EO 156 at sa desisyon ng Korte Suprema ang ginagawang pag-iimport ng sasakyan sa CEZA.

Bakit kaya hindi ma-address ang problema sa CEZA?

Tinanong naming siguro mahigit kumulang 20 beses ang taga Customs, ang taga BIR at taga DTI kung kaya ipapatawag naming sa susunod ang Solgen, silang lahat ang itinuturo ang wala doon, yung Solicitor General office.

Bakit hindi nag-focus sa possible role ng manugang at ni Sen. Enrile?

Nagsimula ang imbestigasyong ito dahil sa alegasyon ng Amcham kaugnay sa smuggling sabi nila sa CEZA at papel dawn a ginagampanan ni Sen. Enrile. Ang problema naman sa Amcham nang tinanong na naming, matapos silang sumumpa, kung kino-confirm nga ba nila yung kanialng mga sinabi, aba'y biglang nagbago ang kuwento, nagdeny sa mga quote sa kanila sa pahayagan kaugnay sa binitiwan nilang salita. Hindi naman pedeng mula sa ere magsimula ang anuamng pagnidig ng komite at bilang abogado mahirap tayuan yung walang testimonya at walang dokumentongnagtuturo at nagsasabi.

Sa letter ng Amcham sa Finance na talagang may smuggling sa CEZA...

Na-furnished kami ng copy ng sulat matapos ang hearing pero narinig nyo naman sa hearing tinanong namin sila ng diretso kino-confirm nyo ba yung alegasyon ninyo, ang opening statement nila we were misquoted, we deny any quote allegedly saying this and that.

Pati sa smuggling, tinanong sila ni Sen. Arroyo kahapon, you alleged there's smuggling pero para sa akin yun naman yung nakita natin kahapon. Ang depinisyon ng smuggling ay dalawa, yung hindi pagbayad ng tamang buwis at duty at pagpayag na pumasok ang isang bagay na bawal ipasok, nandon sa pangalawang definition ng simuggling yon. Ayon sa EO 156 bawal magpasok ng used car maliban sa ambulansiya, firetruck o mga kahalintulad na vehicle na klarong hindi kasama sa listahan ng luxury vehicle kung kayat smuggling pa rin yon.

May liability ba?

May liability ang BoC, ang CEZA, at anumang ahensiya ng pamahalaan na hindi sumusunod sa batas. Ang nakakagulo't nakakahiyang nakakaawa na hindi ko maintindihan EO ito ni Pangulong Arroyo, lahat ng opisyal na nakausap naming kahapon, si Pangulong Arroyo ang nag-appoint, ang tanong bakit hindi siya sinusunod ng kanyang mga inappoint na opisyal ang kanyang sariling EO. Hindi ito batas na pinasa ng Kongreso, ito ay executive order na nilagdaan at ginaw ni Pangulong Arroyo, bakit hindi siya sinusunod ng kanyang mga sariling tauhan.

Yung PASG parang helpless to address smuggling?

Ang PASG ang tsini-check lamang daw nila ay kung nagbayad ng tamang buwis o hindi, pero sa akin hindi rason yung may pending na kaso sa isang korte sa Cagayan, dahil kung rasong maituturing yon, eh di ang gagawin na lang lahat ng mga gusting magpasok ng anumang illegal na ipasok sa Pilipinas, ang gagawin na lamang ng lahat ng ayaw magbayad ng tamang buwis, magsasampa ng kaso sa kanialng likalidad at biglang pede na nialng gawin ang bawal at hindi naaayon sa batas na gawin.

Ayon kay Sen. Enrile mayroon daw TRO...

Ayon sa testimonyang natanggap naming kahapon mayroong injunction sa pagkolekta ng mas mataas na duties sang-ayon sa EO 418, pero walang injunction ayon sa mga resource persons kahapon walang injunction laban sa pagpapatupad ng Executive Order 156.

Ang challenge ni Sen. Enrile doon sa mga nagsabi na illegal yung nangyari importation sa Port Irene ipatigil...

Kung Pangulo nga lang ba ang pedeng mag-utos ang problema senador lang ho ako hindi naman ako pulis, trabaho ng pulis, ng BoC, ng BIR at ng pangulogn nakaupo na ipatupad ang batas, yan yung sinumpaan niyang tungkulin, batas pa na siya mismo ang gumawa, hindi naman magandang tingnan nahindi nya kayang ipatupad yon.

Pero ang magiging rekomendasyon ng komite illegal yung Gawain sa Port Irene...

Kung ako ang tatanungin mo yon yung aking pananaw subalit isa lamang ako sa komite at ito ang ipri-prisenta naming sa komite para pirmahan at pagbotohan, majority ng member ng komite ang kinakailangan para maaprubahan ang komite report.

On EO 156, pagnarevoked ito...

May nagquestion na nga ng 156 eh, sabi nga ng Supreme Court valid yon. Until it is repealed, amended ot declared as unconstitutional by the Court, it is part of the law of the land and it says bawal ang used car importation.

Bawal mag-import sa Customs territory. Sa loob ng Freeport ayon sa Korte Suprema na mag-iimport ka sa loob ng Freeport which is technically not an importation dahil Freeport yon, na magdala ka ng awto sa loob ng Freeport, pede yon for re-export, pero hindi mo pedeng ipasok sa Customs territory ng Pilipinas.

When the Supreme Court acquired jurisdiction over the Subic issue, CEZA was not yet in operation, so parang sinasabi na that the Supreme Court in relation to that decision has not acquired jurisdiction over CEZA...

Pede naman iraise yon sa isang kasong pedeng dalhin sa korte para kwestyonin ang 156 at legalidad non. Pero para sa akin isinampa ang kaso sa korte sa Cagayan noong 2005, pending pa ang kaso sa Korte Suprema noon, lumabas ang kaso sa korte suprema, November 2007 na, wala akong nakikitang dahilan kung bakit hindi saklaw yon.

Next hearing on smuggling...

Hinihintay namin yon Solgen, hinihintay naming yung sagot ng Solgen at depende sa sagot ng Solgen, magpapatawag kami ng isa pang hearing kung kinakailangan tungkol lang ditto.

Mabait daw kayo...

Doon sa may gusting maging unkind ako pagpaumanhin nyo na po dahil ipinanganak akong kind, doon s nagnanais o naghahanap na bastusin ko kung sinoman, ipinanganak din po ako na hindi bastos na may paniniwala na pede namang ipaglaban kung ano ang tama at labanan kung ano ang mali, at hindi kailangang mambastos at hindi kailangang walang respeto sa kapwa.

Sino ang magsasabi sa Customs na ihinto na yan...

Kahihiyan yan sap arte ng pamahalaan dahil gaya nga ng nasabi ko si Pangulong Arroyo ang pumirma ng executive order, yung hindi sumusunod sa sarili niyang executive order mga opisyal na siya rin ang nag-appoint, hindi ba nakakahiyang tingnan yon ninoman sa loon at labas ng bansa na ang batas na ipinasa at inaprubahan ng pangulo hindi sinusunod ng sarili niyang mga tao.

Yung injunction balewala yon...

Yung injunction tungkol sa pagkolekta ng mas mataas na fee in connection with Executive Order 418, not in connection with EO 156.

So klarong dereliction yon hindi pagsunod sa EO 156...

Dereliction of duty at paglabag sa batas na pasok at saklaw ng anti-graft law s parte ng Customs, BIR at LTO o saklaw ng Code of Ethical Standards of Public Officials and Employees.

Nagkaroon uli kayo ng debate with Sen. Santiago, anong pakiramdam nyo?

Niyapak naman niya ako pagkatapos, mas maganda yung pakiramdam pagkatapos nong niyakap na niya ako.

Ang sinagot ko naman sa kanya ay kung yon yung nararamdaman niya, hindi yon kailanman ang dapat na maging intension ng islang lalaki, mas bata mang maituturing sa kapwa tao, at sa babae lalo na.

Makikipagdebate ka pa rin sa kanya?

Ngayon kami yata ang nakasalang dahil may tatlong bill akong ipagtatanggol na siya naman ang mag-iinterpellate.

Nakakatakot ba siya?

Hindi seatmate ko sya.

On Pulse Asia survey...

Yung Pulse Asia survey ang pinakamaliwanag na paghusga sa SONA ni Pangulong Arroyo noong Lunes na ito'y hindi totoo, itoy hindi nakakarating sa mahihirap nating mga kababayan, at itoy walang epekto sa kabila at gitna ng krisis. Wag na nating pakinggan siguro ang mag politico, siguro wag na nating pakinggan siguro yung mga kaalyado o kalaban ng Pangulo, pakinggan natia ang ating mga kababayan at sinasabi sa survey ngayon nga ting mga kababayan, walang epekto at hindi sila natutulungan ng anuamng polisiya ng pamahalaan nitong nagdaang taon.

Magkakaron ng infomercial para maintindihan ng publiko kung bakit importante ang VAT.

Baka i-charge pa nila sa VAT yan, ang akala ko ba yung VAT para sa mahihirap, kung sa infomercial lamang gagastusin yan ang kikita na naman dyan ang yungmga mayayamang istasyon at hindi pa rin yung mga mahihirap.

On Giuliani's statement that transparency a must for any gov't...

Wala naming debate sa sinabi niya na ang dapat piliin ng sambayanan ay yung pinagkakatiwalaan nila, sa totoo lang alam naman ngmga Pilipino yan, hindi na natin kailangan pa ng isang banyaga para ituro sa atin yan, isang bagay yan na hawak at nasa kapangyarihan ng bawat Pilipino na gawin pagdating ng araw ng halalan kung saan bawat Pilipino tig-iisang boto, mayaman man o mahirap, babae o lalaki, may puwesto man o wala.

On P1.4 trillion budget for 2009...

Kung ang pagbabatayan natin inflation lamang baka kualng pa nga yon para matustusan ang mga gastusin ng pamahalaan, pero irereserba ko ang paghusga hanggat hindi ko nakikita yung detalye ng proposed budget nila kaugnay sa darating na taong gastusin ng pamahalaan.

On P.50 text charge, inamin ng Palasyo na hindi alam ni GMA na promo lang yon ng mga network providers...

Kayo naman joke lang yon sumakay na kayo agad... una sa palagay ko inalam muna bago sinabi. Pangalawa hindi naman siguro kunan ng pamahalaan ng kredito ang isang bagay na pribadong kumpanya ang gumawa. Actually yon yung pinakamalakas na palakpak dahil yon lang yung nakitang rason para pumalakpak ng karamihan sa mga kapartido nya roon eh sablay pala.

Naniniwala ka na hindi aware si GMA na promo lang pala yon...

Hindi ko alam at ayokong maghusga roon pero hindi rin naman pede nating sabihin na intensyonal niyang nilinlang at niloko nating lahat dahil imposibleng hindi natin malalaman kung nao ang totoo.

Sa kaunti at hirap ng magandang balita nang makarinig ng ganoon, eh agad na sinakyan at ginamit.

News Latest News Feed