Press Release
July 30, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview on DZMM

On Attempts to change Senate Leadership

MAR: Bawat break, bawat nagbabalikan ang mga Senador, parati na lang may mga rumor na ganun. Pero palagay ko ay ganun rin yun.

Q: Yun ho talaga ang regular na nangyayari tuwing bumabalik ang sesyon? Wala ho ba talagang real threat?

MAR: Well, hindi ko naman masasabi dahilan sa, sa totoo lang, wala namang kumakausap sa akin o sa iba pang mga kausap ko. Meron naman na nakikipag-usap pero pakiramdaman lang, hindi yung tuluyang, seryosong usapan.

Q: Yung iba ho ay nagsasabi na si SP Villar ay nakakabentahe sa 2010 dahil siya ang pangulo ng Senado. Ganito rin ba ang nararamdaman mo?

MAR: Alam mo naman na hindi ako bumoto para kay SP Villar noong simula pa nung Kongresong ito. At iyon naman ay sa kadahilanan na mas ninais ko na iba ang maging lider ng Senate.

Q: Hindi kayo bumoto noon para sa kanya?

MAR: Hindi. Kaya nasa minority ako. Nasa minority naman po kami at sa ngayon iyon ang aming katayuan.

Q: Kung talagang magkaroon ng tunay na tangkang pagpapalit ng liderato sa Senado, eh boboto ba kayo sa pagpapalit ng Senate President?

MAR: Well, depende sa bisyon. Ano ba ang dahilan? Saan ba dadalhin? Anong uri ng liderato ang gagawin? Ano ba ang mga policies na itutulak? Lahat naman iyan ay nasa konsiderasyon. Hindi naman ito personalan at ito'y nasa institutional integrity.

Q: May kamay daw Malacanang sa nais na yugyugin ang Senado?

MAR: Maaari. Pero wala rin akong kausap sa Malacanang kaya wala akong basehan na magsabi niyan. Para sa akin, yung pagtulak ng pagtanggal sa VAT sa produktong petrolyo, yan ang mahalaga. Dahilan sa napakalaking dagok na ito para sa ating mga kababayan at malaking tulong kung matanggal ang VAT sa produktong petrolyo.

News Latest News Feed