Press Release
August 6, 2008

STATEMENT OF SENATOR MAR ROXAS ON THE GRP-MILF MOA

"Hinihingi ko kay Pangulong Arroyo na sibakin na si General Hermogenes Esperon bilang Presidential Adviser on the Peace Process. Ayon kay Vice Governor Manny Piñol, na kinausap ko kagabi, nagbanta si General Esperon kay Vice Governor Piñol na hindi na maaasahan ng mga kababayan natin sa Mindanao ang suporta ng ating mga sundalo, kung hindi nila tutulungan at susuportahan itong MOA na negotiate ng gobyerno sa MILF.

"Labag ito sa batas. Labag ito sa sinumpaang tungkulin ni General Esperon at tama lamang na sibakin ni Pangulong Arroyo si General Esperon sa kanyang tungkulin.

"Itong kasunduan na ito ay hindi nauunawaan ng ating mga kababayan. Nakita natin sa proseso na kulang sa konsultasyon at wala halos ang nakakaalam sa nilalaman nitong kasunduang ito. Ito ay pruweba sa maling stratehiya na ginamit ng pamahalaan sa pag-negotiate dito, isang stratehiya ng pagtatago sa katotohanan, at pamumuwersa o pambabraso ng mga maaapektuhan nito.

"Hindi ito ang pamamaraan para mag-negotiate ng isang peace agreement. Kailangan lahat ay nakakaalam ng nilalaman nito, at sumusuporta rito. Kung hindi, nasa papel lamang itong peace agreement, at yung kaguluhan ang siyang iiral pa rin."

News Latest News Feed