Press Release
August 15, 2008

Transcript of interview in Umagang Kay Ganda
with Sen. President Manny Villar

Q: Babawiin nyo rin po ba ang pirma nyo sa Senate Resolution No. 10?

Villar: Alam mo nagkakaroon ng di pagkakaintindihan dito sa Reso 10, yung proposed resolution. Meron akong narinig kahapon na ito'y parang reso ng Senado. Nais kong sabihin kailangan na maaprubahan ito ng Senado bago maging ganap na resolution itong proposed reso ni Sen. Pimentel ay para lang mapag-usapan muna ang "federalism" at hindi para sabihin na reso na ito ng Senado. Maraming proposed reso at konti lamang ang pumapasa sa Senado. At ang proseso na ito ay pupunta muna sa committee para mag-imbita ng resource person at matagal na debate yan kung sakaling papasa sa komite. Itong mga sinasabi ng iba na pumirma ka doon kaya pabor ka sa federalism, ang pumirma dyan ay para lang mapag-usapan ang panukala at marinig ang pros and cons nyan. Kaibigan naman natin si Sen. Pimentel at talagang naniniwala at nililiwanag nya na ito'y para sa bayan at hindi para sa 2010 at di sya papayag na magamit sa term extension. Nilinaw ko na di pa ito reso ng Senado ngayon. Di pa ito aprubado ng Senado. Di pa kami nagsisimula dito.

Q: Ano ang epekto ng pag-atras ng pirma ng mga kasamahan ninyo sa reso na pina-iikot ni Sen.Pimentel?

Villar: Wala naman epekto yan kasi isang tao lang ang pwedeng mag-propose sa amin. Kahit naman walang pumirma diyan ay proposed reso pa rin yan. Lahat naman ng pumipirma diyan ay with reservations. Depende sa kung anong klaseng federalism, procedures kung sakaling makukumbinse ng proponent na maganda nga ang federalism.

Q: Kung hindi ba sumakay sa reso 10 ang malakanyang ay itutuloy niyo ang mas mabilis na deliberasyon sa proposal na ito?

Villar: yan naman ay para pag-usapan lang. Ang totoo nyan matagal nang na-file ni Sen. Pimentel yan subalit di pa na tatake-up sa komite. Alam mo ung prayoridad ay makikita mo agad pagka file ay halos tinatalakay kaagad at aprubado agad. Pero ito ay matagal nang naka-file pero di pa naisasalang sa komite at ang reso na ito ay parang isang ordinaryong bill sa Senado na kailangan i-schedule ng chairman ng komite. Normally sa amin ay kami ay dumidepende sa chairman ng komite, si Sen Gordon kung kelan ang schedule. Wala namang nagmamadali.

Q. Hinaharang lang daw ng mga senador ang cha-cha dahil sa pangamba na maaapektuhan ang inyong ambisyon na maging president sa 2010?

Villar: matagal na kaming nag ooppose dito at di lang ngayon. Ang totoo nyan noong nakaraang taon ay merong cha-cha na ino-oppose na sa Senado at hindi na bago ang posisyon ng Senado. Sinuman ang magpanukala sa amin ay hindi kami natatakot na pag-usapan ang anumang issue subalit para sabihin na isa na itong resolusyon sa Senado ay napakalayo pa. Ang pag-oppose namin sa cha-cha ay matagal nang posisyon ng Senado noon pang mga nakaraang panahon at di pa nagbabago ngayon yan. Nais ko rin sabihin na baka tayo nagkakalituhan dito na puro tayo nag-uusap sa bagay na wala naman subalit di natin nakikita ang tunay na panganib dito ay ang gagawin ng mababang kapulungan sapagkat ang mababang kapulungan kapag nagpasa sila ng mga panukala na mag aamyenda sa konstitusyon at magpo-propose ng joint voting ay maaari nilang dalhin sa SC yan at kapag pumayag ang SC at sumang-ayon sa kanilang gagawin ay balewala ang Senado. Meron akong duda na pinag-uusapan na alam nilang di papasa sa Senado ay diversionary tactic lamang.

Q. Sa pagkakilala nyo kay pangulong Arroyo at sa dami ng kanyang pinagdaanan sa nakalipas na 7 na taon, tingin nyo ba ay gugustuhin pa niyang mag-extend beyond 2010?

Villar: isang malaking grupo yan, di lamang ang pangulo yan. Syempre ang mga taong nakapaligid sa kanya ay may ganyang pananaw at di natin maiaalis na ang grupo na yan ang magpapayo at aayaw na bumaba ang pangulo sa 2010. Sigurado ako na may mga tao sa paligid ng pangulo na magbibigay ng ganyang payo.

News Latest News Feed