Press Release
August 28, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: On OFW Evelyn Milo

Villar: Gusto nating makita kung ano iyong posibleng foul play. Titingnan din natin ang resulta ng autopsy. Maraming nangyayaring problema na ganito at nakakalungkot ang ganyang bangkay na umuwi. Sa ngayon ang magagawa lang natin ay tulungan sila, at least madala ang bangkay dito at mapalibing. Lahat naman ng ganitong kaso, tumutulong tayo. Subalit ang kailangan talaga ay ma-institutionalize ang pagtulong na ito. Hindi puwedeng iyong kung sino lamang ang humihingi, iyon lang ang matutulungan natin. Madami talagang nangangailangan. Kailangan hindi tayo tumigil hangga't hindi natin nagagawa na isang institusyon itong pagtulong sa lahat ng ating OFW. Ang nakakaligtaan natin ngayon at talagang nahihirapan tayo ay iyong humingi ng hustisya para sa kanila. Ngayong naipauwi natin ang bangkay, naipapalibing natin, pero paano ang hustisya noon? Iyon ang hindi natin naaabot pa at inaamin natin na talagang kulang sa ngayon ang ating kakayahan para gampanan iyan pero hindi tayo dapat tumigil. Marami sa ating mga kababayan ang talagang naagrabyado At hindi nagkakaroon ng hustisya.

Q: Iyong OWWA nakikipag-ugnayan na rin diyan?

Villar: To be fair, sila naman ay tumutulong din. Dangan nga lamang at talagang marami ang ganitong mga kaso. Hindi pa talaga naaayos ang sistema kaya ngayon ay nagre-rely pa sila sa personal na tulong kagaya nito na personal kong tulong. Ang gusto ko talagang mangyari ay institutional, automatic na at hindi na kailangang manghingi ng tulong kung kani-kanino. Dapat ang ating pamahalaan ay nakahanda. Kapag may nangyari na ganito, dapat meron na agad proteksyon at meron na agad automatic na pagtulong.

Q: Iyong agency, P300 lang daw ang tulong na naibigay?

Villar: Tinulungan ko na muna ito subalit alam natin na ito ay stop-gap lamang. Ang dapat talaga nating gawin ay iyong pangkalahatang solusyon sa problema ng OFWs natin na naaagrabyado.

Q: Sabi ni Sen. Enrile baka mag-escalate pa ng war between the moros and other locals doon sa Mindanao.

Villar: Kapag inisip natin ang mga nangyari noong nakaraang panahon, ang history niyan, maski na noong mga 70s, talagang hindi maganda. Kawawa ang mga kababayan natin sa magkabilang-panig kaya dapat dahan-dahan tayo dito. Bagamat alam natin na hindi maganda ang GRP agreement na iyan, hinay-hinay din tayo. Kailangan maimplementa ang batas, kailangan managot ang gumawa ng paglabag sa batas na ikinamatay ng marami nating kababayan. Subalit hindi natin kailangang pag-initin ang iba pa nating kababayan na hindi pa kasali sa ngayon. Baka masyadong lumala ito at kawawa naman ang mga civilian din sa magkabilang-panig. Huwag muna nating pag-away-awayin ang ating mga kababayan. Merong grupo na nag-violate ng batas, dapat sila ang managot diyan. Hahabulin ng ating AFP iyan. Huwag muna nating pag-away-awayin ang ating mga kababayan.

Q: Tuloy kayo bukas sa Mindanao kahit nagkakaroon daw ng putukan sa pupuntahan ninyo?

Villar: Bibisita ako bukas. Gusto ko talagang makita ang lugar na iyon para makita natin first hand kung ano ang nangyayari talaga sa Mindanao. Ako naman ay balik nang balik.

Q: You are one of those named na nag-overspend during the May 2007 elections?

Villar: Nasa Comelec naman ang records niyan. Hindi naman kami nag-overspend. Siguro nagkamali lang ng computation.

News Latest News Feed