Press Release
September 1, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' ambush interview

On the NBN investigation:

MAR: Nag-usap kaming mga chairmen, Senator Biazon, ako at si Senator Cayetano, at binigyan namin ng panahon si Senator Cayetano na kausapin lahat ng iba para makapagdesisyon siya kung may inaantay pa ba siya o wala. Si Senator Biazon, in behalf of the committee on national defense, at ako, in behalf of the committee on trade and commerce, wala na kaming inaantay, pwede na kaming magsara. Kasi yung outstanding issue is yung katiwalian. Iyon ay sa sakop ng committee on public accountability.

Q: What do you think of whistleblower Joey De Venecia possibly running for office?

MAR: Hindi ko naman nilalagyan ng malisya ang kanyang pagiging whistle-blower. Nagpapasalamat tayong lahat na naging whistle-blower siya, dahilan sa kung hindi natigil ang kontratang ito, P15 billion ang magagastos natin sa isang kontrata na hindi naman natin kailangan at overpriced. So nakatulong din siya sa pagdepensa sa tamang paggastos ng pera natin.

On the Mindanao peace process:

Q: Can you comment on the proposed ceasefire for Ramadan?

MAR: I leave it to the military and the police. Sila ang nakakaalam. Para sa akin, yung paghahabol kay Commander Kato, Commander Bravo, at yung Commander sa Sarangani, dapat walang tigil iyon, because those are criminal acts. Hindi naman religious o wala namang ethnic meaning ang ginawa nila. Ang ginawa nila ay pananalakay ng tahimik na bayan, pang-a-arson, pangki-kidnap, pangmamamatay tayo. So dapat walang letup iyon. Doon sa ibang kampo ng MI, maaaring magkaroon ng kasunduan, tutal wala namang putukan doon e. Pero yung sa paghahabol sa kay Umbra Kato at Bravo, dapat tuloy iyon.

Q: Should senators be invited for the final stages of the renegotiation?

MAR: Para sa akin, una, dapat humatol ang Korte Suprema na illegal at unconstitutional ito, nang sa ganoon ay hindi na magagamit laban sa atin sa darating na usapin itong MoA, yung mga maanomalyang probisyon. Pangalawa, dapat magkaroon ng all-out offensive for peace and order. Hindi all-out war ang sinasabi ko - all out for peace and order. Dapat magkaroon ng overwhelming presence yung military, yung pulis, other law enforcement, nang sa ganoon, hindi na mag-e-escalate yung labanan sa Mindanao. Kung mag-e-escalate ito, magkakaroon ng vigilantism, yung mga Ilaga, ganoon, Mahirap na patahimikin muli iyon kapag nagsimula, kaya dapat magkaroon ng all-out peace and order. Tataas ang tiwala ng mga mamamayan doon, na pinoproteksyon sila ng gobyerno, at hindi na sila mag-a-armas. Hindi na sila gugrupo ng mga Ilaga o ano pa.

Pangatlo, wala nang tiwala ang sambayanan at saka ang mga MI mismo dito sa mga negotiator na ito. Dapat i-revamp at i-fire out lahat ng mga negotiator na iyon. Pang-apat, dapat magkaroon ng malawak at hayag na konsultasyon. Panlima, dapat mag-presenta ang gobyerno sa sambayanan yung kanyang negotiating parameters. Hindi naman kailangan ng detalye: 'hindi kami lalagpas dito.' Kailangang malinaw. Tapos magbuo ng bagong negotiating panel, nang sa ganoon, makapagsimula muli, makapagsimula sa tama.

News Latest News Feed