Press Release
September 8, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas
at Baseco housing site

On consultations with urban poor groups on housing:

MAR: Patuloy ito sa ating trabaho. Talaga namang nahihirapan ang ating kababayan dito. Nakikipag-ugnayan kami sa mga organisasyon dito, kung papaano kami makakatulong sa Senado. Pasimula na kasi yung budget season, at titingnan natin kung yung pera at mga programa na napakaloob sa ating budget ay angkop doon sa pangangailangan ng ating mga kababayan dito. Nandito kami ngayon para magpatuloy ng ating constant and regular dialogue sa mga urban poor associations.

Q: Why was Baseco chosen?

MAR: Para sa akin, personal, dito ko kasi inilagay yung talent fee na binayad sa akin nung sa Tide commercial ko, sa isang learning center. Halos P2 milyon ang ginastos dito noon, at noong nagsimula n'on, naipatuloy ang aking pakikipag-ugnayan sa komunidad dito, nang sa ganoon ay makatulong.

Sa aming pakikipag-ugnayan, sa aming pag-aaral ng sitwasyon, ay hindi naman malaki ang pera na kinakailangan dito. Yung atensyon lang, yung commitment, at saka yung political will na gawin kung ano ang tama. Sa ngayon lamang, habang ang ating mga kababayan ay naghihikahos dito, may pangamba sila na papaalisin sila, dahilan sa may umiikot na balita na hindi daw stable yung landfill dito. Simpleng-simple, di mag boring lang ang gobyerno, nang sa ganoong paraan malalaman ano ba talaga ang sitwasyon dito. Pagod na pagod na ang aming mga kababayan sa mga plastikan, sa mga pangako na hindi naman dumarating. Simpleng-simple lang ang pangangailangan ng panahon - aksyon at political will para makatulong sa ating mga kababayan.

Q: Sinasabi ng iba nangangampanya lang raw kayo.

MAR: Hayaan na natin sila sa kanilang mga pananaw. Hindi naman natin makokontrol iyan. Ang importante, ginagawa namin ang aming trabaho, ginagawa namin ang pakikipag-ugnay ng national budget na bilyun-bilyon, trilyun-trilyon na pera roon, pero hindi naman nakikita rito on the ground. Itong taon mismo, ang budget ay P1.3 trillion. E nasa Setyembre na tayo, halos three-fourths ng taon ay tapos na. Dito hindi naman nararamdaman itong P1.3 trillion. Kaya iyon ang aming pakay, nang sa ganoon, yung trabaho namin sa budget, maiugnay namin yung mga malalaking pera doon na nakikita natin sa Senado, sa Kongreso, sa budget process, maiugnay natin sa pang-araw-araw na pangangailangan at pamumuhay ng ating mga kababayan dito.

Q: How can government respond?

MAR: Ginagawan natin ng paraan para makaresponde sa mga pangangailangan dito. Titingnan kung ano ba ang programa ng gobyerno na supposed to be, nakarating dito, na hindi naman nakarating. Ano kaya ang dapat gawin dito sa parameters ng programa para mas madaling maranasan o mapakinabangan ng ating mga kababayan itong mga programa.

Halimbawa, may P300-million reclamation project doon sa may dagat, sa may border. Pero yung kalye, yung sanitation, yung sewage dito sa loob, hindi ayos. Kita naman natin. Bakit tayo gumagastos ng bagong landfill? Bakit hindi na munang ayusin yung kasalukuyan dito? Iyan ang halimbawa na pag-uusapan at pagsisikapan namin ni Senator Noynoy Aquino at iba pa, na ang budget natin ay maging angkop sa mga pangangailangan dito, hindi lang angkop sa photo-op, hindi angkop sa karatula, hindi angkop sa poster, pero sa tunay na pangangailangan ng ating mga kababayan.

On Chavit Singson's appointment as deputy national security adviser:

MAR: His performance will be the proof of the wisdom of appointing him. Nasa sa pangulo yung desisyon kung sino ang nasa kanyang official family. Ang tanong ngayon is, ano yung delivery? Tingnan naman natin kung ano yung delivery na iyan.

Q: Do you see any changes with regards to the peace process?

MAR: Hindi lang ito tungkol kay Governor Singson, ito ay para sa buong national security process ng pamahalaan sa ngayon. Papaano tayo pumasok sa isang MoA kung saan pipirmahan na natin itong kasunduan na pinamamahagi, tsina-chop-chop ang ating bansa, tapos 30 days, sasabihin nila irrelevant na, wala nang bisa, hindi na importante itong MILF? Talagang nakakabahala na halos ping-pong yung national security approach ng pamahalaan, at kung anuman ang maitulong, dapat gawin natin na definite iyan, malinaw iyan, at may pinatutunguhan.

On the presence of US troops in the country:

MAR: Itong mga Amerikano, dapat ay sumusunod sila sa kasunduan, sa Visiting Forces Agreement. Hindi natin alam kung overstaying sila o hindi. Kung overstaying, dapat nang umalis. Kung hindi naman, okey rin lang. Ang pinakaimportante rito ay gamitin natin ang kasangkapan na nasa kamay ng mga Amerikano - itong mga drone, mga satellite at iba pang technological na kasangkapan para sa seguridad ng aming bansa.

Sa kasalukuyan, may putukan doon sa Mindanao, may habulan diyan, yung mga lost command, yung mga rebelde na hindi raw makontrol ng mga MI ay hinahabol ng ating mga military at pulis. Ang pinakaproblema sa Mindanao ngayon ay yung kawalang tiwala, yung kawalang katahimikan dahilan sa naghahabulan nga. Kung magamit itong mga technologial na gamit ng Amerika, bakit naman hindi? Para sa seguridad natin iyan. May parameters na. Dapat walang overstaying.. So dapat gawin natin kung ano ang para sa ating pakinabang, hindi sa pakinabang ng ibang bansa.

News Latest News Feed