Press Release
September 8, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas at Senate session hall

On the NBN-ZTE probe:

Q: Ano ang maaasahan natin sa meeting bukas?

MAR: Ito'y isang coordination meeting. Lahat ng mga abugado, lahat ng mga resource, lahat ng mga papeles, transcripts, submissions ay pag-iisa na, at babalangkas na kami ng hugis ng committee report. Ang mga isyu dito ay yung sa deal mismo, na kung saan ito ba ay kailangan natin, priority natin o hindi? Overpriced ba ito o hindi? Ano ba ang nangyari na nabuo itong ZTE na ito?

Pangalawa, itong pag-a-abduct kay Jun Lozada. Ito ba ay sapat para makapag-file tayo ng kaso kontra dito sa mga nag-abduct sa kanya? Pangatlo, may isyu tungkol kay Neri mismo. Ano ang mga nasa records, ano ang mga nasa transcript, na malaman natin kung may culpability ba si Neri o kaya yung Pangulo. Ang pinakamahalaga rito ay, kung mag-testigo man o hindi si Neri, bumalik man dito o hindi si Neri, alam ng ating mga kababayan kung ano ang baho na nangyari dito sa ZTE na ito, at buti na lang na itinigil ito.

On consultations with the urban poor at Baseco compound in Tondo, Manila:

MAR: Ang Pangulo mismo ang nag-proklama na socialized housing ang Baseco noong 2002. Hanggang sa ngayon, wala pa ring titulo. Hindi pa nila alam kung ano ang proseso, at sila'y nangangamba na papaalisin sila roon. Ito'y halimbawa ng napakaraming problema sa ating bansa na dapat diyan ang ating atensyon.

Q: Some claim this is part of early preparations for the elections.

MAR: Itong mga tanong tungkol sa pamumulitika, kanya-kanyang diskarte iyan. Para sa akin, kami ay inilagay dito para trabahuin ang problema ng ating mga kababayan. May panahon naman para sa pamumulitika, later on, sa tamang panahon.

On oil companies rolling back prices:

MAR: Ito ang kagandahan ng kompetisyon, na kung saan yung mga maliliit, sa akala nila makakahanap sila ng mas maraming kustomer, ay nauna silang magbaba ng presyo. Pero ang pinakamahalaga rito ay buklatin natin ang mga libro ng mga kumpanyang ito, nang sa ganoon ay makasiguro tayo na hindi tayo pinagsasamantalahan. Matagal na nating sinasabi iyan. Nasa batas iyan, may kapangyarihan ang gobyerno na gawin iyan. Hanggang sa ngayon, wala pa tayong nakikita.

News Latest News Feed