Press Release
September 15, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' pre-session ambush interview by Senate reporters

On probing the 2008 GAA:

MAR: Pabor ako sa full transparency. Lahat itong mga insertions, itong mga minungkahi ng mga Senador ay itala natin, at nang sa ganoon malaman natin talaga kung ano ang nangyari dito sa budget natin. Papaboran ko iyan. Halimbawa, katulad ko, minungkahi ko na dagdagan ang budget ng Bureau of Food and Drugs. Ito ay para masuportahan yung mabilis na proseso na makasiguro tayo na ligtas itong mga gamot natin. Sinuportahan ko halimbawa yung paglaki ng budget ng OWWA. Ito naman ay para yung ating mga OFW, pagbalik dito ay may makakatulong sa kanila na mag-integrate muli dito sa ating lipunan.

Minungkahi ko na lakihan ang budget ng DOH para makabili sila ng cheaper medicines. Hindi naman ito natanggap sa budget. So lahat naman kami ay nagmumungkahi ng iba't ibang mga programa na mapondohan ito. Pero ako, pabor ako sa full transparency. Wala dapat tayong itatago dito. Dapat itong malaman ng ating mga kababayan.

Q: You also mentioned an amendment for a Cavite road.

MAR: Yung gobernador ng Cavite, sa pamamagitan ng kanilang Kongresista, ay humingi ng tulong para mapalaparan yung kalye na patungo sa ecozone nila, dahilan sa mga pagawaan doon sa loob, ay hindi na napaglingkuran nung kasalukuyang kalye. So ito, namungkahi ko rin at ito ay naipalagay ko sa budget.

Iba naman ito doon sa tinatawag na double-funding. Ang sinasabi ko na pabor ako na magkaroon ng full transparency. Pabor ako na magkaroon ng isang pagtala nitong lahat ng mga minumungkahi ng lahat ng Kongresista at Senador at nang sa ganoon malaman ng ating mga kababayan kung ano ba yung pinaglalaban ng kanilang mga kinatawan.

Q: What amendments could be done that won't increase the budget?

MAR: Hindi pwedeng dagdagan ang budget. Halimbawa yung sa Kilos Asenso na sa palagay ko ay hindi naman makakabuti sa ating Republika kasi lump sum ito.. Mas mabuti na ilagay ito sa mga specific na paglalagyan. So hindi ito pwede na dagdagan ang budget, dapat may panggagalingan ito.

Q: If you push for additional funds, what's the process?

MAR: You submit it to the Committee on Finance. And kung halimbawa mababa yung interest, halimabawa yung peso-dollar rate ay mas mataas, ibig sabihin yung babayaran nating gastusin in dollar-denominated ay mas bawas. So nagkaroon ngayon ng excess funding, kaya itong mga minumungkahi ay napagbibigyan.. Iba yung insertion, iba naman yung realignment e. Ang isyu dito, tandaan natin, yung double-funding ng same project. Ibig sabihin dalawang beses binili itong botelyang tubig na ito.

On moves to amend the Constitution by the House alone:

MAR: Malinaw na malinaw na ang intensyon ay kasama ang dalawang kapulungan ng Kamara.ng Kongreso, at ito ay voting separately.

On the Court of Appeals decision finding that Jun Lozada was not abducted:

MAR: Sabi nga ng Court of Appeals, malinaw na malinaw. Pero baka nabubulag lang sila. Dahilan sa klaro naman na itong si Mr. Lozada was taken against his will.

News Latest News Feed