Press Release
September 16, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas

On an investigation over the C-5 budget controversy:

MAR: Dapat imbestigahan ito. Tama yung sinabi ni Senador Enrile. Let the axe fall where it may, let us investigate this.

Q: But you also pushed for insertions in the budget?

MAR: Iba yung insertions, iba yung amendment. Halimbawa, nagmungkahi ako na dagdagan ang budget ng DoH para sa Bureau of Food and Drugs. Nagmungkahi ako na dagdagan ang budget ng DoLE para sa OWWA, sa mga OFW. Lahat nitong mga halimbawa, ito yung amendments na isinagawa. Iba naman ito doon sa double insertion o double funding ng isang project na dalawang beses naitala sa ating budget. Magkaiba iyan.

Kaya ako'y nagmumungkahi sa ngayon, nag-file ako ngayon ng bill na nagsasabi lahat nitong mga budgetary amendments, lahat nitong mga insertion at amendment ay dapat, 20 days after mapasa ang budget ay mai-publish sa general circulation newspapers nang sa ganoon magkaalaman kung anu-ano itong mga pagbabago sa budget mula nang isinumite ng Malakanyang. Itong National Expenditure Program ay sina-submit ng Malakanyang. Magmula noon hanggang sa General Appropriations Act, yung batas na mismo sa paggastos ng ating pera, maraming pagababago nangyayari diyan, kasama na yung mga lehitimong amendment at kasama na rin diyan yung mga singit-singit na insertion, nang sa ganoon magkaroon tayo ng kaalaman kung ano talaga nangyari sa pera natin, kung papaano gagastusin ang pera natin.

Q: Do you see the opposition breaking up from this controversy?

MAR: Buo, solid ang opposition sa pag-fiscalize sa katiwalian. Lahat ng uri ng katiwalian, saan man galing, ay kinokontra namin sa opposition.

On the global financial crisis:

Q: How do you see this affecting the Philippines?

MAR: Malaking bagay itong pag-collpase at pagkabangkarota ng mga malalaking kumpanya sa Estados Unidos. Ibig sabihin, yung pera na nilaan nila diyan, at ang halaga niyan ay zero na. Ang pinakamahalaga rito ay yung SSS ba o ang ating GSIS ay nag-invest sa mga kumpanyang ito? Dapat mag-disclose sila kung ano ang investment nila dito, kung papaano naapektuhan yung kanilang libro, yung trust fund ng kanilang mga miyembro. Dapat nilang itala ito at sabihin sa atin.

Kung ang investment nila ay bunga ng negligence, hindi tamang pag-aaral o hindi tamang pag-a-analyze sa sitwasyon, maaaring may panananagutan sila diyan. Pero kung marami talagang nagkamali, iba naman iyon. Ang pinakamahalaga rito ay bantayan ang pera ng ating mga kababayan. Yung GSIS at SSS, pinahintulutan ito na mag-invest sa international. Noong panahon na iyon, maraming nagsasabi, sandali lang, dapat dahan-dahan tayo kasi hindi alam natin yung nangyayari sa international. Dapat dito lang sila sa bansa mag-invest. Ganunpaman, pinayagan sila. Ngayon, tanungin natin, baka nadali sila dito sa Lehman Brothers, AIG, Merrill Lynch at sa iba pang mga kumpanya na nabangkarote sa Amerika.

News Latest News Feed