Press Release
November 10, 2008

Transcript of interview of Senator Chiz Escudero

Outside session hall

On the alleged destabilization plot against the Arroyo administration

Magandang entry siguro yan sa Metro Manila Film Festival nila kung saka-sakali dahil sila ang nagsasabi na may destab, sila rin ang nagsasabing tapos na yung destab wala namang destab at wala namang ganoong uri ng galaw mula sa hanay ng oposisyon, kada magreersume na lang ang kongreso, kada may maipa-file na impeachment na lang kada may bagong iimbestigahan na lang, destab na naman, lumang tugtugin.

Effort lang daw to para mapagtakpan ang mga isyu against the gov't...

Wala naman talagang basehan kasi.

O pagpapataas lang ng budget...

duda ako kung makapagpapataas ito ng budget ng AFP kung mau destab na naman ibigi sabihin hindi nila ginagawa ang trabaho nila.

Sino sa tingin nyo ang nasa likod ng pagpapakalat ng ganitong balita?

Sila sila sa administrasyon, sa kanila naman nanggaling ang balita, hindi ba, hindi naman nanggaling sa independent source, nanggaling mismo sa administrasyon yan, sinasabi nila meron, maya maya sasabihin na naman nila na napatay na nila yung destab so bida pa sila.

Maliban sa impeachment kasama rin ba yung isyu tungkol kay Joc Joc para mayakpan ng balitang destab

Kasama yun Joc Joc, kasama siguro yung pagbubukas ng Kongreso ulit at siguro bahagi ito ng storyline kasabay ng apela ng Pangulo na magkaroon ng ceasefire.

Ano yung stand nyo sa Joc Joc isyu?

Dapat imbestigahan si Joc Joc at kung siya ay malusog na dapat i-conduct ang hearing sa lalong madaling panahon. Ito'y hindi lamang para sa sambayan ito ay para kay Joc Joc din ito para once and for all mabigyan siya ng pagkakataon na ibigay yung panig niya.

Meron ng discharge order ke Joc Joc

Isa yan sa tatalakayin sa caucus mamya at sana mabigyang linaw ang bagay na yan, na magkaroon ng iisang posisyon ang senado at hindi yung iba iba ang boses ng indibidwal na mga senador

Sabi hindi na daw siya dapat arestuhin pero kung may hearing na doon pa siya dapat arestuhin...

Mangyayari yan ngayong hapo, hopefully am-refer na yung resolusyon na nai-file sa appropriate committee at preferably malamang mapupunta yan sa blue ribbon committee at sa lalong madaling panahon mag schedule siya ng hearing.

News Latest News Feed