Press Release
November 10, 2008

UPDATE ON THE PNP BAN ON MEDIA ACCESS TO POLICE BLOTTERS

Kinausap ako ni Chief PNP Verzosa para magpaliwanag tungkol dito sa kanyang kontrobersyal na memorandum na nagbabawal ng direktang access ng media sa blotter ng mga pulis. Ayon sa kanya, wala namang ganung intensyon ang PNP, at nangako siyang agad-agad nilang itutuwid ang pagkakamali.

In good faith, tinanggap ko ang kanyang paliwanag, on the condition na maglalabas siya ng panibagong kautusan na itatama itong kanyang naunang order. Kailangan kasing maalis ang pagdududa na may tinatago ang PNP sa publiko.

Kailangan din malinawan na ang ginagarantiyahan ng ating Konstitusyon na ang Freedom of the Press at Right to Information ay hindi natatapakan. Ganunpaman, tuloy ang ating hearing sa November 18 on the freedom of access to information para lalo natin itong mabusisi at maiwasan na magkaroon pa ng ganitong pangyayari in the future.

Nilalayon ng Freedom of Access to Information Bill na ihi-hear natin na magkaroon ng transparency sa lahat ng record ng pamahalaan, except for those involving national security at 'yung iba pang impormasyon na ipinagbabawal ng batas, tulad na lang ng mga detalye sa mga kaso ng women at child abuse. Under the bill, paparusahan ang sinumang opisyal o empleyado ng gobyerno na magtatago ng record sa publiko.

Pag-uusapan pa kung magkano ang mga fines tsaka ang mga suspension na ii-impose, but definitely, there will be stiff penalties.

News Latest News Feed