Press Release
November 10, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' ambush interview
after caucus on "Joc-Joc" probe

MAR: Dapat humarap si Joc-Joc sa amin, sa sambayanan, at tatanungin namin sa kanya lahat ng mga gustong itanong sa kanya ng ating kababayan dito sa hearing. Yung resolution na finile natin ay nagsisilbing basehan nitong hearing sa Huwebes.

Yung scheduling sa Thursday, iyan ang pinakamaaga na ma-schedule natin, at pasanin ng Senado, kung may nangyari sa kanya magmula ngayon hanggang sa Huwebes. Kaya doon na muna siya sa ospital bago pumunta siya dito sa Huwebes.

Joc-Joc continues to be under the custody of the Senate. Nandoon ang kawani ng Sergeant at Arms, at hinayaan na nandoon na lang siya sa ospital, nang sa ganoon, wala namang ninenerbyos kung may mangyari sa kanya. E sa gabi wala namang tao dito.

Q: Aren't you concerned that he won't show up?

MAR: Hindi lang siya sisipot kung tatakbuhin niya muli ang Senado. Doon naman ang mga kawani ng Sergeant at Arms. Kahit ma-discharge siya, hindi naman siya makauwi. Nasa custody siya ng Sergeant at Arms, mula ngayon hanggang sa Huwebes.

News Latest News Feed