Press Release
November 12, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview after DBCC hearing

Q: What would the immediate impact of changing the economic assumptions be?

MAR: Sa ngayon, ang budget ay hindi pa rin angkop o bagay sa ating pangangailangan sa kabila nitong financial meltdown na nangyayari. Maaari na tama na P1.4 trillion pa rin ang gagastusin, walang bawas sa gastos kasi kailangang pang-inflate ng economy, pampalutang ng economy. Pero kung saan gagastusin ito, hanggang sa ngayon, hindi pa rin malinaw kung magkakaiba pa ba.

Dapat baguhin na ang budget na ito, dahilan sa binalangkas ito sa panahon na regular pa. Aminado ang economic team ng Pangulo na ibang-iba ang panahon ngayon. Grave crisis, meltdown, at sinabi nila kung ano ang mga sektor na maaapektuhan. So ano ang gagawin natin sa mga sektor na iyon? Hindi malinaw. Kaya hiningi natin sa kanila, sisiguraduhin natin na maaasikaso natin ang mga sektor na ito bago maipasa ang budget. Hindi maaari na 'business as usual' tayo rito, kasi hindi naman 'as usual' ang panahon ngayon..

Q: What is the effect of the estimated revenues?

MAR: Sa palagay ko, inflated ang projected revenues, for the following reasons: First, profits are going to be soft or receding next year. Second, no matter where those profits are, the income tax rate is coming down to 35% from 30%. Pangatlo, yung langis na kinokolektahan nila ng 12% VAT, dati $120 per barrel, more or less $14 per barrel ang nakokolekta nila. E ngayon, $60 per barrel na lang, o $7 ang nakokolekta per barrel, With 100 million barrels a year, they're losing over $700 million, or over P30 billion doon lamang sa kahinaan ng presyo ng langis.

Kahit lumaki ang deficit, huwag bawasan ang paggastos natin, kasi ang paggastos, iyan ang magbibigay ng pampalutang sa ating economy. Ngayon, ang problema ay, saan gagastusin? Kung business as usual, walang pagkakaiba, paano natin huhubugin ang budget para sa pangangailangan sa ngayon?

Q: Should they be allowed to have lump sums?

MAR: Hindi ako papayag na may lump sum na unreasonable. Ang sinabi ko, kung seryoso sila na ma-consolidate ang kanilang fiscal position, imbes na i-tax nang dagdag ang aming kababayan, ipasok nila ang road users tax sa kontrol nila. P8 billion a year.

Ang mga korporasyon ay magkakaroon ng 15% reduction in taxes, from 35% to 30%. Dapat magkaroon rin ng tax rebate para sa mga fixed-income workers, lahat ng nagbabayad ng W2 form. Imbes na ang gobyerno ang gagastos sa kanilang pera, sila na lang pagastusin natin, tutal iikot din ito. Ang purpose nito ay palutangin ang ekonomiya. Makaktulong ito sa kanila, makakatulong ito sa kahirapan, at walang kurakot ito, dahilan sa ang tao mismo ang gagastos sa kanilang pera. Ano ang halaga nito? P5,000 times 2 million W2 filers is P10 billion, one-time tax relief. Kung ang korporasyon nga binigyan nito, ang tao bigyan din natin.

Q: Can this be taken into consideration in the budget?

MAR: It's possible, magtabi sila. In other words, huwag nilang kolektahin, tanggalin sa projection nila. Kailangan ng batas itong tax rebate, pero pwede magkasundo ngayon na hindi nila gagastusin ito, itatabi nila. Marami silang sinabi na maganda ito, maganda iyon, pero hindi pa natin nakikita sa aktwal, sa specific na spending.

News Latest News Feed