Press Release November 17, 2008 Transcript of Senator Mar Roxas' ambush interview On the change of the Senate leadership: Q: What brought about this action of the Senate? MAR: Ako naman ay hindi bumoto sa kanya [Villar] sa simula pa lang, at palagay ko nagkatugma yung pananaw ng nakararami na panahon na ng pagbabago. Q: May pagbabago rin ba sa committee chairmanships? MAR: Magkakaroon rin ng pagbabago sa mga committee chairmanships. Pag-uusapan ang lahat ng mga komite, at lahat ito ay prepresenta kapag buo na. Q: Hindi ba maaapekto ang trabaho ng Senado? MAR: Tuloy-tuloy naman ang trabaho, at yung leadership lang naman ang nagbago. Ang mga senador naman ay dalubhasa naman sa kanya-kanyang mga areas, at napakarami ng mga committee chairmanships ang hindi naman mapapalitan. Q: So hindi pa pinag-uusapan ang chairmanships? MAR: Wala. Isa iyan sa mga katangian na hindi kasama ang Malacañang, hindi kasama ang komite, hindi kasama ang mga pang-parokyal na pananaw. Q: Kasama ba ang C5 budget issue? MAR: Kabahagi na iyan. |
Thursday, April 18
|