Press Release
December 2, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview at the Cafe Adriatico in Gateway, Cubao

On Charter Change

Nananawagan ako kay Pangulong Arroyo na kumbinsihin ang kanyang partidong KAMPI na itigil na ang isinusulong nilang Chacha. Hindi ito ang sagot sa ating mga problema. Sa kabila ng gutom, sa kabila ng financial tsunami na ating kinakaharap, inuuna pa ng gobyerno ang Chacha.

Ang Chacha ay isang distraction, hindi ito ang sagot ating mga problema.

Q: Ano ang pwedeng gawin?

MAR: Pwedeng pag-usapan ang lahat ng kondisyon sa isang debate. Ang iniikot nilang resolusyon sa Mababang Kapulungan ay isang atake sa ating demokrasya, lalo na ang ipinipilit nilang pagboto ng Kongreso bilang isang kinatawan lamang. Kung ang kalye at eskuwelahan nga, kailangan ng version ng House at ng Senate bago maipasa, ito pa kayang amendments sa Constitution?

Itong Chacha ay isang destabilization at distraction mula sa ating mga problema.

Q: Bakit destabilization?

MAR: Ang lahat ay nababahala dito...ang mga Obispo, ang mga manggagawa, ang lahat. Imbes na ekonomiya ang binibigyan ng atensyon ng ating pamahalaan, ang atensyon nila ay nasa Chacha na dead on arrival naman sa Senado.

Q: Ano ang position ng LP dito?

MAR: Ang Liberal Party ay sang-ayon sa Concon (constitutional convention) bilang paraan sa pagbabago ng Constitution. Isabay natin ang eleksyon ng mga delegado sa 2010 election.

Ako ay magpapasa ng bill bukas (Wednesday) para isabay ang election ng Concon delegates sa 2010 election, dalawa kada distrito, bibigyan natin sila ng budget at bibigyan natin sila ng 6 months na time frame para tapusin ang kailangan nilang tapusin.

Q: Lahat ba ng provisions ng Constitution o iilang provisions lang ang pwedeng pag-usapan?

MAR: Ang buong Constitution. Pwede nating pag-usapan lahat, magkakaroon ng delegation of powers kung ano ang mga provision na kailangang pag-aralan.

Q: Hindi kaya lalong mapadali ang Chacha dahil sa pagfa-file mo ng bill na ito?

MAR: Yes that's true but the bill will be for constitutional convention naman. The committee cannot go beyond what is in the bill. In the past Congress, 16 sa mga sitting senators ngayon ang pumirma sa resolusyon ukol sa Concon.

Q: May kinalaman ba ito sa 2010 elections?

MAR: Matagal pa naman ang 2010 elections. Pero tulad ng sinasabi ko, maaaring ito ay kasama na sa pinaplano ng mga kaalyado ng Palasyo na Gloria Forever Constitution. Maaaring kasama na itong Chacha na ito sa House para itulak ang pagpapalawig ng termino ni Pangulong Arroyo lagpas pa sa 2010.

Q: Paano iyan tinutulak nila ang Chacha Express?

MAR: Hindi kami papayag diyan. Hindi kami papayag na baguhin ang Saligang Batas ngayon. Tuloy-tuloy itong aming pagtutol diyan sa Chacha Express na iyan...gagamit tayo ng text brigade, ng email brigade...para itigil ang Chacha Express para sa Gloria Forever Constitution. Kailangan pigilan natin ito.

Q: Makikita ba namin kayong sasali sa mga rallies?

MAR: Maaasahan ng lahat na magiging aktibo ako sa paglaban sa Chacha na ito. Gagawin ko ang lahat para mapigil ito.

Malayo pa ang 2010 elections. Nakita na natin na mula pa noong 2000, walong taon na nating nararansan ang pagpapatakbo ng bansa ng kasalukuyang nakaupo sa Malakanyang. Kung ayaw nating ipagpatuloy pa ni Pangulong Arroyo ang kanyang termino lagpas sa 2010, magtulungan tayo sa pagpigil nitong Chacha na ito.

Q: Itong resolution na ifa-file ninyo, ano nakalagay dito?

MAR: Isusulong natin ang Concon, o constitutional convention para sa pagbabago ng Saligang Batas. Ilalagay natin diyan kung kailan ang magiging botohan ng mga delegado sa concon. Ilalagay natin dito ang magiging proseso, magiging transparent tayo.

Pag-aaralan natin ang mga probisyon ng Saligang Batas na kailangang baguhin, katulad ng kapangyarihan ng executive na balewalain ang taunang budget sa pamamagitan ng pagre-realign ng mga pondo. Makikita natin na bibigyan ka nga ng budget, hindi ka naman bibigyan ng SARO tapos ire-realign nila ang pondo Hindi dapat iyan. Parang sila na din ang gumagawa ng budget eh.

ON THE STATEMENT OF SEN. KIKO PANGILINAN ABOUT LP

Q: Anong comment niyo dun sa statement ni Sen. Pangilinan na winasak niyo ang LP sa pagsanib kay Enrile?

MAR: Hindi ko alam iyan. Wala namang lumalapit sa akin para magreklamo. Kung dismayado si Senador Pangilinan sa ginawa ko, nirerespeto natin iyon. Ginawa lang natin ang sa palagay natin ay tama dahil pagod na tayo sa naging sistema na ginagamit ang posisyon para sa singit at tiyaga at para sa sariling mga kumpanya. Kaya nga natin ginawa iyon.

Q: Solid pa ba ang LP?

MAR: The Liberal Party is very solid. Solid kami laban sa Chacha. At pare-parehong kaming in favor na baguhin ang budget para maharap natin ang mga problemadong dulot ng financial tsunami na nagmula sa Amerika.

ON THE BOLANTE CASE

Q: Ipapahuli daw ng Senado si Jimmy Paule?

MAR: Noon ko lang narinig sa hearing ang pangalan niya. Sinabi ng ating chairman na ipapahanap siya para humarap sa susunod na hearing. Ipatatawag din natin si Maritess Aytona sa susunod na hearing.

Q: Ipapakulong na ba ng Senado si Joc-Joc Bolante sa susunod na hearing?

MAR: Oo. Malinaw na malinaw na niloloko tayo ni Joc-Joc. Malinaw na malinaw na scam nga ito. Nagmula sa opisina ni Bolante, ibinaba sa regional directors tapos sa mga LGUs at mga NGOs at POs, tapos nandun na si Aytona at Barredo na naghihintay para kumuha ng kanilang mga commission. Huling-huli na natin na scam ito. Ang kulang na lang ay kung sino ang mastermind nito at ano ang koneksyon niya kay Joc-Joc.

Mag-mi-miting kaming mga senador bukas ukol dito sa isyu ni Joc-Joc. Ako ay pumirma na doon sa resolution na magpapap-detain kay Joc-Joc sa Senado. Kailangan nating gawin ito para malaman natin ang katotohanan dahil alam naman natin na lahat ng sinasabi ni Joc-Joc ay kasinungalingan.

ON THE PEACE PROCESS

Q: Nagbuo na ng bagong panel ang Malakanyang?

MAR: Magandang umpisa iyang pagbabago sa mga miyembro ng peace panel. Sana lang nga ay maging tama na ang proseso. Sana ay magkaroon nga ng malawakang consultation sa Mindanao�at ganoon din sa buong Pilipinas kasi lahat naman tayo ay apektado kung anuman ang mangyari sa Mindanao . Kailangan ding gumawa sila ng parameters for consultation para hindi ito basta-basta lang.

Sana lang ay huwag nila tayong bulagain tulad ng ginawa nila sa MOA-AD. Maaga pa lamang ay sabihan na nila tayo na ito na ang hugis ng usapan para alam natin ang nangyayari.

Kung uulitin muli ang nangyari noong pirmahan ang MOA-AD, ito ay isang impeachable offense. Clearly, this is a violation of the Constitution. Katangahan na lang kung uulitin pa nila ulit ang isang bagay na sinabi na ng Korte ay unconstitutional.

News Latest News Feed