Press Release
December 12, 2008

Speech of Senator Mar Roxas at anti-Cha-Cha rally in Ayala, Makati

Magandang-magandang gabi po sa ating lahat. Sabi ng streamer doon, "Ayoko sa Cha-Cha!" Sabi naman ng banner dito, "Ibasura ang Cha-Cha!" Tama lamang na nandito tayong lahat para tutulan itong "Gloria Forever" Cha-Cha na ito. Pero higit pa rito, nandito tayo para humiyaw laban sa pagpapahirap, sa panloloko, sa pangungurakot na ginagawa sa atin. Gutom tayo, napipilitan tayo sumubo ng pagpag pantawid gutom. Wala tayong trabaho, nagbebenta tayo ng atay, o bato, o di kaya naman ang ari, para may kikitain na pera.

Wala tayong pag-asa. Ang mga kamag-anak natin, nagkakandakuba sa paghuhugas ng puwet ng mga dayuhan dahil ang pag-asa ay nasa ibang bansa. Namamatay ang ating mga mahal sa buhay dahil walang gamot ang ospital. Ginagago tayo ni Joc-Joc, ng mga 'euro generals,' ng mga kasabwat sa ZTE, sa fertilizer scam, at ng iba pa. Ngunit higit rito, higit sa lahat, ngayon gusto ni Gloria na baluktutin ang ating Saligang Batas para manatili sa poder.

PUTANGINA, ANO BA 'TO?! Tabi-tabi na po sa mga Sister, sadya ko pong sinabi ito, hindi ko gustong lumipas ang araw na ito, na hindi alam ni Gloria ang damdamin natin. Ibasura ang Cha-Cha, patayin ang "Gloria Forever" Cha-Cha na ito!

Maraming salamat, magandang gabi sa ating lahat!

News Latest News Feed